Chapter 5

67.9K 1.1K 25
                                    

Picture above is Charlize Theron my Enrieka portrayer ❤❤❤




Kring!!!!! Kring!!!!

Narinig niya ang malakas na tunog nang nag-iingay na telepono nang magsalita ang tiyahin niya na kasama niyang nag-aagahan nang umagang iyon.

"Ako na hija. Taposin mo na ang pagkain mo ha. Baka ang mommy mo iyon at nangungumusta lang naman." ani nang tiyahin nang akma siyang tatayo para puntahan ang kinalalagyan ng telepono.

Naramdaman niyang umalis na ito sa hapagkainan at tinungo ang kinalalagyan nang cordless phone. Ilang sandali pa ay narinig niyang bigla nalang itong tumili nang malakas na malakas.

Nagkukumahog niyang tinungo ang kinaroronan nito. Nagka bangga-bangga pa siya dahil wala siyang makita at natataranta pa siya. Paano kung may nangyaring masama dito? Baka napaano ito kaya tumili. Hindi niya kakayanin kung may mangyayari sa tiyahin. Binundol siya nang kaba habang palapit dito.

"Auntie.. Anong nangyari sa iyo? Bakit ka sumigaw? May masakit ba sayo?" taranta niyang tanong nang makalapit at kinapa ito. Hinawakan lang nito ang kanyang mga kamay at patuloy na kinausap ang taong nasa kabilang linya. Kumalma naman siya dahil wala naman palang nangyari dito. Exaggerated lang siguro ang reaksyon nito sa sinabi nang kausap.

"Y-yes Doc. Thank you Dr.Mendez we'll be there tomorrow morning." narinig niyang sabi nang tiyahin sa kausap nito bago nagpaalam at ibinaba ang telepono. Bakit parang gumaralgal ang tinig nito. Sino ang kausap nitong doctor Mendez at bakit gayon nalang ang reaksyon nang tiyahin. May masama ba itong ibinalita?.

"Hi-ija! My god darling. Dininig na nang diyos ang mga panalangin
natin." Yumakap ito sa kanya nang mahigpit at hinalik-halikan ang buo niyang mukha lalo na ang parte nang mga mata niya.

Naguguluhan pa rin siya sa inasal at sinasabi nang tiyahin.

"Bakit auntie? Sino ba si Dr.Mendez ano ang pinag-usapan ninyo?" Dumagundong sa kaba ang dibdib niya sa sasabihin nang tiyahin.

"Dr.Joven Mendez is the head doctor in Crisostomo Medical Groups. Founder din siya nang Orgy Organ Donors at ibinalita niyang may corneal donor ka na hija. We need to go to the hospital tomorrow because they will run some test to you before they do the Corneal Transplant!" umiiyak na pahayag nang tiyahin niya at mahigpit siyang niyakap.

Biglang siyang napatigil sa paghinga. Totoo ba ang narinig niya? Hindi ba siya binibiro nang pandinig niya? Baka nagkadamage na din ang pandinig niya at napakaimposible nang narinig niya.

Hindi naman sa ayaw niya pero sa tagal nang paghihintay nila ay hindi na niya hinayaan ang sarili na umasa pa sa wala. At ngayon ay maririnig niya sa tiyahin na may donor na siya.

Natatakot siya na baka magising siya sa isang panaginip. Na wala naman talagang katutuhanan ang lahat nang iyon. She's sure that it'll depress her more.

"Hija nakikinig ka ba sa akin? This is it darling. Makakakita ka nang muli. Kay tagal natin itong hinintay. Alam kong didinggin nang panginoon ang mga prayers natin. And please! Huwag mong sabihin sa akin na ayaw mo dahil kukurutin talaga kita sa singit na bata ka." excited paring sabi nito sa kanya.

"Auntie naman eh!! Hindi na po ako bata. At gusto ko naman po makakita ulit!"sabi niya sa tiyahin at niyakap na din ito.

"Pupunta tayo doon bukas okay? Tatawagan ko din ang mommy mo para sa magandang balita. Alam ko matutuwa din sila sa napakagandang balitang ito. " ani auntie niya

Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now