Chapter 18

50.4K 970 19
                                    

Dedicated to dreamgracephr









Para siyang nakalutang sa ere habang nakaupo sa loob nang mamahaling kotse ni Luther. Pinapakiramdaman lang niya ang binatang tahimik na nakaupo sa drivers seat habang nagmamaneho patungong Sunshine hospital para sa check up niya.


Habang nag-aagahan ay nag-usap sila nang tiyahin habang kumakakain kanina at isinisingit nito si Luther sa usapan nila. Maraming itinanong ang tiyahin niya dito na magalang namang sinasagot ni Luther. 


Sa napag-alaman niya ay binata pa ito sa edad na trienta. May isang kapatid na babae din ito. Ikinalungkot lang niya at nang tiyahin nang malamang sumakabilang-buhay na ang kapatid nito. Hindi nalang nila tinanong ito kung bakit dahil parang iniiwasan nito na mapag-usapan ang kapatid nito.


Matapos nilang kumain ay saka naman tumawag ang mommy niya na may emergency sa pabrika nang canning factory nila. Hindi umano na edeliver ang mga supply para sa tin cans kaya kailangan nitong asikasohin iyon dahil nasa Baguio pa ang daddy niya.


Ipinapahatid nalang nito si Iyah Scarlet sa opisina nito bago sila pumunta sa ospital.


Agad namang nagprisinta si Luther na samahan siya sa check up niya dahil pupunta din daw ito sa Sunshine Hospital na sinang-ayonan naman nang tiyahin niya kaya silang dalawa ang magkasama ngayon.


Hindi siya mapalagay sa kinauupuan dahil katabi lang niya ang binata. Manaka-naka ay sinusulyapan niya ito at tahimik na pinag-aralan. 


Kahit saang anggulo niya ito tingnan ay gwapo pa rin ito. Napakaganda ng hugis ng mukha nito na binagayan nang mataas na ilong at mapupulang labi. Ang lalaking-lalaki na ayos ng buhok nito ay lalo lang nagdagdag sa kagwapohan nito. Napakalinis nitong tignan at naaamoy niya ang kaiga-igayang natural na amoy nito na nahalo sa mamahaling pabango.



Nanunuot  sa ilong niya ang napakalalaki nitong bango. Hindi niya mapigilang mapasulyap sa pagmamaneho nito. Kalmang-kalma lang ito at halatang nag-eenjoy sa pagda-drive.



Napatingin naman siya pababa mga kamay nito. His hands are big and strong. Hindi niya maiwasang maisip na napakaganda ng mga kamay nito higit na mas maganda sa kanya. Malinis at tila napakalambot. 


Ano kaya ang pakiramdam kung hawakan siya nito. Biglang singit ng tanong na iyon sa kanyang isipan. Parang may kumikiliti sa sikmura niya habang naiisip ang kamay nitong humahaplos sa kanyang katawan. 



Then her eyes settled in between his thighs. Napapalunok siya habang tinititigan ang naka bakat na bagay doon. Hindi niya maalis-alis ang mga mata sa bagay na iyon. Ang inosenteng mga mata niya ay tila may sariling buhay at napapako ang paningin niya sa pagitan ng hita nito. Ano ba itong pinagagawa niya?. Baka mahalata pa siya ni Luther ay baka kung ano pa ang masabi nito. I need to fucos! Fucos Enrieka!! 




"Are you okay?"ani Luther sa baritonong tinig na pumutol sa pag-iisip niya.



"A-ahhmm yeah...I-I'm okay!" nabigla niyang sabi dito. Nang igala niya ang paningin sa labas nang sasakyan ay napagtanto niyang nakarating na pala sila sa ospital. Hindi man lang niya namalayang nakapark na pala sila sa labas mismo nang ospital. Paano ba niya mapapansin eh lumulutang ang isip niya sa kung ano-anong isipin.

Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now