Chapter 11

58.3K 1K 15
                                    


Enrieka's POV







Nandito na siya ngayon sa ER at kasalukuyang nilalagyan nang IV fluid ng isang nurse na nakatalaga sa kanya nang bigla niyang  maamoy ang pamilyar na bangong iyon. Nagdulot iyon nang kaba sa kanyang dibdib at nanindig ang mga balahibo niya nang maradamang may nakatitig na naman sa kanya. 

Wala ang tiyahin niya dahil may pinirmahan itong papeles sa information area para sa operasyon niya at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik. Sana bumalik ito kaagad dahil hindi siya mapalagay at mas kinakabahan pa siya sa pakiramdam na may nagmamasid sa kanya kaysa sa surgery niya.


"Good morning Doc!" narinig niyang sabi ng nurse na nag-aasikaso sa kanya. Sino kaya ang binati nito? Nandito na ba si Dr.Ron? At bakit parang nag-iba ang tono ng boses ng babaeng nurse? parang naipit ang tinig nito! Sa pandinig niya ay nakakatawa iyon.


"Good morning din nurse Shiela. Wala pa ba si Dr.Ron?" anang baritonong tinig na kilalang-kilala niya. Si Dr.Luther Van Crisostomo. 

Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi sa kakaisip dito. At ang mas malala ay laman ito nang panaginip niya. Wet dreams ika nga.


"Eh Doc, Dr.Ron called and inform us he will be late. May emergency lang daw Doc. Ibinilin na niya sa amin si Ms.Rosales!" sabi naman nang nurse.

"Okay." matipid na sabi nito. 

Pumatlang ang katahimikan bago niya narinig itong nagsalita muli.


"Good morning Ms.Rosales. Kumusta ang pakiramdam mo? Ready ka na ba para sa operasyon mo?" tanong nito sa kanya at naramdaman niya ang mga titig nito na parang nanunuot sa kalamnan niya.


"Okay lang po ako Doc. And yes ready na po ako sa surgery!" sabi niya dito. Buti nalang ay hindi siya pumiyok sa pagsasalita.


Para na siyang mahihimatay sa sobrang nerbyos habang nakikipag-usap dito. Sino ba naman ang hindi eh kaboses lang naman nito ang rapist niya. Pero hindi lang iyon. Bakit nakakaramdam siya nang kilig kahit nangungumusta lang ito. Aghhrrr..nahihibang na siya! Bakit ba kasi napaka sexy nang boses nitoPinagnanasaan tuloy niya ang Doctor na ito-------wait!!!! What??? Nagnanasa siya dito? Naloloka na nga talaga siyaPaano kung may asawa na ito? Or kung mukha itong unggoy. Baka pagkatapos ng operasyon niya sa mga mata ay ipatingin na rin niya sa doctor ang utak niya dahil mukhang malala na ang sayad niya.


"That's good Ms.Rosales. By the way nasaan ang kasama mo ngayon?" naramdaman niya ang paglapit pa nito at para na siyang mahihimatay sa labis na kaba.


"I'm with my aunt d-doc. M-may inayos lang siya sa Information area. B-baka pabalik na din iyon!"shit! Bakit ba siya nauutal...kalma Enrieka..kalma lang! Hindi na man yan nangangagat.


Lover in the Dark (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum