Chapter 17

52.1K 1K 16
                                    


"Hi Kumusta ka na Enrieka?" tanong nito nang makaupo na ito sa sofa.


Bumalik naman ang tiyahin niya galing sa kusina at inimbitahan si Dr.Luther na mag-agahan kasama nila. Wala pa rin siyang imik at tila nalunok ang sariling dila.



Hindi siya nakasagot sa tanong nito. Ngumiti pa ito sa kanya na halos ikalaglag nang panga niya sa pagkakanganga. Parang hihimatayin na siya sa simpleng ngiti lang nito. 




Hindi na nga siya bulag pero napipi naman siya dahil hindi siya makasagot sa simpleng tanong nito.



Nararamdan niya ang mabilis na pagpintig nang puso niya. Parang gusto nitong kumawala sa ribcage niya. Wala pang ginagawa ang lalaking ito pero ganun na ang reaksyon niya paano pa kaya kung-------!



Nakuu.. Ano ba itong pinag-iisip ko.. Nangungumusta lang naman yong tao. Daig ko pa ang teenager na first time kinausap nang crush kung umasta. Pipi niyang pagalit sa sarili.


"O-okay na ako Doc. Bakit po kayo napadalaw?" nagawa na niyng itanong dito makaraang ilang saglit. Sana lang ay hindi nito mahalata na kinakabahan siya sa presensya nito. Pahamak na puso ito hindi niya mapigil baka mapahiya siya dito pag nalaman nito ang damdamin niya.



"Dinadalaw kita. Okay lang ba?" parang balewalang sabi pa nito. Normal ang pagkakasabi niyon pero siya ay parang hindi na makahinga sa obrang kilig. Bakit ba eh ang gwapo-gwapo ng lalaking ito sa harap niya.


"Hindi ako nakabalik dito kaagad dahil biglaan ang pagpunta ko sa California. Nagkaproblema kasi sa supply nang mga gamot sa hospital. Kailanan kong ayusin iyon nang personal." sinundan pa nito ng pagpapaliwanag sa hindi pagpapakita nito matapos siyang maihatid noon.




"Okay lang naman Doc. You don't have to explain. Wala ka naman pong responsibilidad sa akin." nasabi niya dito sa kabila ng hiyang at kilig na nararamdaman. Bakit ba siya nag explain eh okay lang naman kahit hindi siya dumalaw sa akin. Pero sa kaibuturan nang puso niya ay kinikilig siya. Kaya pala hindi ito nakadalaw dahil umalis ito nang bansa. Ang buong akala pa naman niya ay na discourage na ito dahil sa inasal niya at sa pagkakaroon niya nang anak. Pero bakit ba talaga ito nagpunta sa kanila? 



"Pwede bang Luther na lang ang itawag mo saakin. Wala na man tayo sa ospital." sabi nito kapagkuwan at nginitian siya. TIla gusto yata ng lalaking ito na maubusan siya ng hininga. 



Tumango lang siya dito bilang pagsang ayon. Iniiwas din niya ang paningin dito dahil naaasiwa siya sa titig nitong tila nanunuot sa buo nyang pagkatao. Tuloy ay nagtayoan ang mga balahibo niya. 


"So okay na ang mga mata mo? nakakakita ka na?" tanong nito at titig na titig sa kanyang mga mata.


She was lost for a minute. Ang magandang mga mata nito ay tila nagpapahayag sa kanya ng ---- pag-aalala at pagmamahal? tama ba ang nakikita niya? o tulad nang dati na iyon lang ang gusto niyang maramdaman. Bakit naman ito mag-uukol ng ganoong damdamin para sa kanya gayung hindi pa nga sila lubos na magkakakilala!  

Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now