Chapter 16

50.8K 966 25
                                    

One month later







"Mommy! ... Mommy! . . .

"Mommy good morning! Wake up na po! Mamalah told me to wake you up. You have a check up today mom." naalimpungatan siya ng pinaghahagkan nito ang buong mukha niya.

Nagising siya sa matinis na tinig nang bata at ang pagpugpog nito nang halik ang kanyang buong mukha. Nang hindi makuntento ay sumampa pa ito sa kama niya at niyugyog siya habang nakadagan ito sa kanya. Ang cute na makulit talaga ang batang ito. Hindi talaga siya titigilan nito hanggang hindi siya gumigising.

Nang magmulat siya ay nakita niya ang napakaganda nitong mukha. Ang napakataas na buhok na kakulay nang buhok niya, ang kulay asul tulad nang langit na bilugang mga mata nito, ang cute at pointed nose nito at ang natural na mapupulang labi. Ang ganda talaga ng anak niya.

Iyah Scarlet! Ito ang anak niya. Ang napakagandang anak niya. Nakikita na niya ito. Ilang linggo lang ang lumipas matapos ang transplant niya ay luminaw na ang paningin niya at nakakakita na siya. Malaya na siyang nakakagalaw at nagagawa ang dating mga bagay na hindi niya kayang gawin noong bulag pa siya.

Isa na doon ay ang mapalapit at alagaan ang anak niyang si Iyah Scarlet.

Nagkausap na sila nang tiyahin niya nuon tungkol sa bata at para na din tulungan siyang mapalapit dito pero hindi pa rin niya sinabi dito kung sino ang ama ni Scarlet dahil siya mismo ay hindi niya kilala. 

Buti nalang ay hindi na ito nagtanong. Naramdaman marahil nito na ayaw niyang pag usapan ang bagay na iyon tungkol sa ama nito.

Agad na kinausap nila ang mga magulang niya para sa plano niya sa anak. At labis ang kasiyahan nang mga ito nang malaman ang plano niyang pakikipaglapit sa bata. Ang mga ito man ay gusto din siyang tulungan.

Nang dalhin ito nang mga magulang niya sa condo niya ay umiiyak ito at sinugud siya nang yakap. Ni hindi na kailangang pilitin ito nino man dahil miss na miss siya ng bata at mahal siya nito sa kabila ng pagtataboy niya dito.

Naramdaman niya ulit ang takot at panginginig nang katawan pero nilabanan niya iyon. Kahit anong pilit na pumapangibabaw ang nakaraan ay pinilit din niya ang sariling isiksik iyon sa kasulok-sulokang bahagi ng kanyang isipan. She embraced her tight and kissed her never wanting to let her go.

Anak niya ito at hindi na importante kung sino ang ama nito. Siya ang bubuo sa pagkatao nito at ito sa kanya. Ang bata ang magpapasaya sa kanya at mahal na mahal siya nang anak kahit hindi sila nagkasama. Babawi siya sa anak sa mga nasayang nilang panahon. Ipaparamdam niya dito ang pagmamahal na hindi niya naiparamdam dito.


At sa paglipas nga nang mga araw ay unti-unti na siyang bumabawi sa anak. Inalagaan niya ito at ipinaramdam ang pagmamahal na ipinagkait niya dito nang mahigit limang taon. Wala na siyang mahihiling pa.


Palagi din siyang dinadalaw nang mommy at daddy niya. Nagkausap na sila nito tungkol sa nangyari nuon sa kapatid kaya nalinawan na ang isip niya. She let herself feel guilty of what happened years ago for nothing. Dahil nang magkausap sila ay hindi naman siya sinisisi nang mga magulang niya. Humingi siya nang tawad sa pag rerebelde niya ngunit ang mga magulang pa niya din ay humingi nang tawad dahil sa pagkukulang nang mga ito sa kanilang magkakapatid.

Na-realize niya kung gaano siya ka swerte na nagkaroon siya nang mga magulang na tulad nang mommy at daddy niya. Sadyang inilayo niya ang sarili dito sa wala.

Pinagsisisihan niya ang araw na nagrerebelde siya sa mga ito dahil inuuna nang mga ito ang trabaho na para din naman sa kanila nang kuya niya. Sabay din nilang binisita ang puntod nang kuya niya. Doon ay pinakawaan niya ang masakit na emosyong naipon sa puso niya dahil sa pagkawala nito. Ang sakit sa lahat-lahat ng nangyari sa kanya na natipon niya sa  kanyang puso ay inilabas niya sa pamamagitan nang pag-iyak. Ganoon din ang mommy at daddy niya na umaalalay sa kanya.

Lover in the Dark (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon