Chapter 39

43.5K 821 15
                                    

Dedicated to cessymeds





Nakaramdam na siya nang lamig Kay umahon na siya sa dagat. Sumunod na din ang auntie niya at naupo sa buhanginan.

"Dito ka muna hija wag ka munang pumasok. Magkwentuhan muna tayo. Matagal na din na hindi natin nagagawa ito." Sabi pa nito sa kanya nang akma siyang magtutungo sa cottage niya.
"Isuot mo muna ang roba mo para hindi ka ginawin." Sabi nito sabay abot nang roba nito sa kanya.

Matapos maibalabal ang roba ay umupo na siya sa buhangin sa tabi nito. Agad siyang kinabig nito payakap pero hindi pa rin siya nagsasalita. Pinagmamasdan lang niya ang along humahalik sa dalampasigan.

"Hija.. Kailan mo ba haharapin si Luther.?" Tanong nito makalipas ang ilang sandaling pananahimik nila.

Napalingo-lingo lang siya bilang sagot dito. Parang may bumabara sa lalamunan niya at ayaw lumabas nang mga katagang hindi niya pa kayang harapin ang kasintahan.

"Hija.. Naiintindihan ko ang galit sa dibdib mo dahil sa nangyari. Pero baka kailangan muna ninyong pag-usapan ang problema. Alam ko maayos ninyo ang lahat kapag nag-usap kayo." Pangungumbinsi nito sa kanya.

"Na-Natatakot ako Auntie na ma-malaman ko sa kanya na na-nakokonsensya lang siya k-kaya nakikipaglapit siya sa akin. Na kaya gusto lang niya akong pakasalan para mawala yong guilt na nararamdaman niya." Hindi na niya napigilan ang ilang butil nang luha na nalaglag sa pisngi niya.

Agad din naman niya iyong pinahid at inayos ang sarili sa pagkakaupo. Bahagya naman siyang nakaramdam nang lamig nang mawala ang init nang katawan nang tiyahin. Niyakap nalang niya ang mga tuhod at tinitigan ang papalubog na araw.

"Hija bakit ka ba natatakot? Hindi mo ba nakikita ang pag-ibig sa mga mata ni Luther. Mahal na mahal ka nang nobyo mo. Ako mismo ay nararamdaan kong mahal ka niya dahil sa ipinapakita niya sa iyo. Walang halong pagkukunwari lahat nang iyon. At baka may dahilan siya kaya hindi pa niya sinasabi sa iyo ang tungkol doon." Mahabang wika nito sa kanya.

Naalala niya ang mga panahong kasama pa niya si Luther. Uo at nararamdaman din niya ang pag-ibig nito sa kanya pero hindi maiwasan nang puso niya ang mangamba na baka hindi totoo ang nakikita niya. Ayaw na niyang masaktan pa. Ayaw na niya nang ganitong pakiramdam.

"Hija please kausapin mo na si Luther. Ako ang nahihirapan sa iyong dalawa eh. Ayoko nang magsinungaling sa kanya at itago ka rito." Hinaplos nito ang buhok niya bago tumayo.

"Nang umiyak ang nobyo mo sa harapan ko ay muntikan ko nang masabi na nandito ka lang at nagtatago sa kanya. Hindi ko maipapangakong sa susunod na balik niya dito ay ililihim ko pa ang presensya mo. Ihanda mo nalang ang sarili mo para harapin siya okay. Sana maintindihan ko rin ako hija. Ginagawa ko lang ito para sa inyo. Para sayo ayoko nang nahihirapan ka."

Mahaba ang sinabi nito sa kanya pero ang tumatak lang sa isip niya ay ang sinabi nitong umiyak si Luther sa harap nito. Biglang nabagbag ang damdamin niya habang naiisip niyang umiyak ang nobyo.

Ibig sabihin lang nun ay mahal din siya nito. Hindi ito iiyak kung wala itong malalim na damdamin para sa kanya.

Unti-unti ay parang natanggal ang agam-agam sa puso niya. Totoo talaga siyang minahal ni Luther. Hindi lamang pagkukunwari ang lahat.

Pero paano kung mali ang tiyahin. Paano kung mali siya. Tiyak di na niya kakayanin pa kung mabibigo at umasa na naman siya  sa wala.

"Sa bahay ka na dumiretso mamaya hija. May ibinigay pala ako sa iyo. Naiwan iyon ni Luther kaninang umaga nang hanapin ka niya." Wika pa nito at tinapik siya. "Mauuna na ako sa bahay. Ipagluluto kita nang paborito mong pagkain. Nangangayayat ka na sa pagmumukmok mo. Pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko okay."

Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now