Chapter 33

49.7K 936 27
                                    

Dedicated to Meannnacionnavarro





"Anak may bisita ka." Tawag nang mommy niya nang puntahan siya nito habang nakikipaglaro siya sa anak niya.

"Daddy?! Daddy Luther ikaw nga!" Dagli siyang napalingon nang marinig ang matis na tinig nang anak na nagtitili at sinugod nang yakap si Luther na nakatayo sa likuran nang mommy niya malapit sa swimming pool nila.

Nang tingnan niya ang mga mata nito ay parang nakikiusap iyon sa kanya kaya iniwas nalang niya ang paningin dito at itinabi ang mga laroan nang anak niya.

Kung paanong nalaman nitong nandito siya sa bahay nila sa Alabang ay hindi niya alam. At mas lalong wala siyang pakialam pa dito.

Pagkatapos nang mga narinig niya kaninang umaga na magiging ama na ito nang anak nang kaibigan niyang si Georgette ay parang na siyang pinatay nito.

Gumuho na ang pag-asa niyang magkakatuluyan sila at magkakaroon nang masaya at buong pamilya. Yon pala ay may ibang pamilya na itong bubuoin.

Sobrang sakit ang namamayani sa puso niya at hindi niya kayang makipag-usap at humarap dito. Papasok na sana siya sa bahay nang magsalita ang mommy niya.

"Hija. Mag-usap muna kayo ni Luther okay. Ano mang problema ang dumating sa inyo ay malalampasan ninyo kung pag-uusapan lang." Sabi nang mommy niya kaya napatigil siya sa planong pag-alis para sana umiwas dito.

Hindi nalang niya itinuloy ang pagpasok at umupo nalang sa naroong bench malapit sa pool.

Baka sinabi nito sa mommy niya na may problema sila kaya ganoon ang sinabi nito sa kanya na makipag-usap kay Luther.

Nang dumating siya sa bahay nila kanina ay namumula ang mata niya sa kakaiyak.

Nang magtanong ito sa kanya ay hindi nalang niya ito sinagot at hinanap ang anak sa kabahayan. Hindi din nito ipinilit na sabihin niya dito ang niloloob. Nahalata siguro nito na ayaw niyang pag-usapan ang problema.

Ayaw sana niyang makaharap ito pero wala na siyang takas dito. Ayaw din naman niyang ipagtabuyan ito sa harap nang mommy at anak niya.

Kakausapin na niya ito para matapos na ang lahat. Tataposin na niya ang lahat sa kanila dahil ayaw niyang maging selfish. Ayaw niyang ipagdamot ito sa magiging anak nito dahil alam niya ang hirap at sakit na dinanas nang anak niyang walang ama.

Mas kailangan ito nang magiging anak nito sa kaibigan niyang si Georgette. Tatanggapin nalang niya ang kabiguan at magpapakatatag.

" Iyah baby let's go. Help me prepare food for our dinner." Tawag nang mommy niya sa anak niyang hindi pa rin binibitawan si Luther.

"Stay for dinner Luther okay. Mag-usap muna kayo nang anak ko."

"Okay thank you po tita." Magalang nitong pinaunlakan ang dinner sa bahay nila.

"Don't mention it. Let's go baby." Tawag nang mommy niya sa anak niya at hinila na ito papasok nang bahay.

"I'll be back daddy Luther. I love you." Anang maliit at matinis na boses nang anak niya.

Napalingon siya sa anak nang marinig itong sinabi iyon. Ganoon naba kalapit si Luther sa anak niya. Mahalaga at mahal na din nito ang lalaki bilang ama.

Nalulungkot siyang isipin na hindi na nila ito makakasama dahil bubuo na ito nang ibang pamilya sa kaibigan niyang si Georgette.

Siguradong masasaktan ang anak niya kung malalaman nitong magkakahiwalay na sila ni Luther at hindi na nito magiging daddy pa ito.

Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now