Chapter 3 Rated SPG strictly not suited for readers below 18

110K 1.3K 216
                                    

Dedicated this sabaw SPG to my bestie @yanzkyo

Habang tahimik na umiiyak ay naramdaman niyang hindi na siya nag-iisa sa tabi nang dagat. Pinakiramdaman niya ang paligid pero wala naman siyang naririnig na kilos.

Patuloy naman siya sa pag-iyak nang may malanghap na mabangong amoy na nadala nang hangin sa kanyang kinatatayuan. Nanunuot iyon sa kanyang ilong at parang nakabibighani ang amoy kaya natigilan siya.

Bigla siyang kinabahan pero hindi niya maiwasan ang kakaibang hatid nang amoy na iyon. Kakaibang halimuyak na para siyang nadadarang sa amoy na di niya maintindihan kung bakit.

Napaparanoid lang ba siya o talagang hindi siya nag-iisa sa tabi nang dagat?

"May biglang yumapos sa katawan niya. Kinabahan siya at nagpumiglas pero malakas ang mga brasong nakapulupot sa kanyang katawan."

Sino ito? Kinakabahan na siya pero may kakaibang pakiramdam na namumuo sa kanyang dibdib. Naamoy niya ang swabeng amoy nito na naghahatid nang kaba at kilig sa kanyang dibdib. Ang amoy na kanyang nasisinghot kanina ay pag-aari nang taong yumapos sa kanya. Para siyang nahihimpnotismo sa bango nito.

"Why are you crying baby? Hmmm! Don't cry okay... I'll be here and I'll make you feel better."

Nanginig siya nang marinig ang tinig nito. Baritono iyon at buong-buo. Ibig sabihin ay lalaki ang nakayapos sa kanya. Hindi niya naiintindihan ang nararamdaman nang katawan.  

Kinakabahan siya kung ano ang gagawin nito sa kanya pero hindi niya maikakaila na masarap sa pakiramdam ang makulong sa malakas nitong mga bisig. Hindi siya makagalaw sa kinatatayoan. Parang may sumapi sa katawan niya at nag-iinit ito.

Naamoy niya ang alak sa hininga nito. Para siyang nalalasing sa pinaghalong alak at mint sa hininga nito. Nalalanghap pa niya sa mga labi nito ang alak na nainom. Tila nagustohan pa niya ang amoy na iyon.

Naramdaman niya ang kiliting hatid nang mainit nitong hininga sa may tenga niya and it sent shivers down her spine.

Sino ang lalaking ito at ano ang gagawin nito sa kanya?! Para na siyang hihimatayin sa takot at antisipasyon sa gagawin nito.

Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now