CHAPTER 1

89.3K 1.4K 28
                                    

(Meet my love Jensen a.k.a Dean Winchester a.k.a Luther Van Crisostomo in my story)



"Kuyaaaaa!!!."



Naalimpungatan si Luther sa tili nang kapatid ng pumasok ito sa kwarto niya. Itinakip niya ang unan sa ulo at dumapang muli sa kama. Ipinikit niya ulit ang mga mata para matulog pero parang wala sa plano ng kapatid ang patulugin siyang muli. Dumagan pa ito sa likuran niya at nagtitili.

"Kuyaaa!!.. Oh my Goshhhh!!"
"Kuya!! Get up nah!!
"Oh my gosh kuyaaaaa!!"tili pa rin nito at nagpapadyak pa sa likuran niya.

"Sh*t! I slept five AM Sunshine Crisostomo! Will you please get out of my room! PRONTO!" sigaw niya dito pero parang walang narinig ang kapatid at hindi parin umalis sa pagkakadagan sa kanya.

"Duhh!!! Its ten AM kuya! Get up nahh!! You're going to the hospital aren't you?"sabi nito na parang wala lang ang pagsigaw niya dito.

Kabisado na niya ang ugali nito kaya alam niyang may kailangan ito sa kanya at hindi ito aalis hangga't hindi niya naibibigay ang gusto nito. Kaya kahit ayaw niya ay bumangon nalang siya.Hindi na rin naman siya makakatulog pa ulit dahil sa kakulitan nito. 

At dahil sa bigla siyang bumangon ay nahulog ito sa sahig dahil nakadagan pa rin ito sa likuran niya.

"OUCH KUYA!! That really hurts!" tinig pagtatampo nito pero hindi niya pinansin ang pag-iinarte  nito. Walang pakialam na nagsuot siya ng T-shirt habang nakatalikod dito.

Buti nalang ay isinuot niya ang boxer shorts na basta  nalang niya binunot sa walk-in closet niya kanina bago natulog pagkagaling sa hospital kaninang madaling araw. Bigla-bigla nalang kasi itong pumapasok sa kwarto niya at walang pakialam kahit nakahubad man siya.

Nagda-drama parin ito nang lingonin niya.

"You deserve it brat! Now what's happening to you? Ba't ang aga mo na namang nambubulabog?" aniya sa nang iinis na tinig sa nakabusangot na kapatid.

Agad ay nagning-ning na naman ang mga mata nito at kumportableng humilata sa kama niya kahit tinitignan niya ito na parang naloloka na.

"Kuya.. I'm the most beautiful girl in the world kaya don't give me that pangit 'smug look' of your's alright!" She pause for a moment na parang may naaalala bago nagsalita ulit.

"And please let's go shopping today kuya! I need a gown!... I need new shoes!.. I need to be the most beautiful girl in the world." mahabang litaniya nito at pinapungay pa ang mga mata.

Talaga yatang naloloka na ang kapatid niyang ito. Ano na naman kaya ang kalokohan na pinasok nito at kailangan nito nang mga gamit na marami na ito.

"Gown for what brat?" aniya sa kapatid habang tinitingnan ang schedule niya sa araw na iyon.  Ewan kung seryoso ito pero marami pa siyang trabaho sa araw na iyon.

Dahil sa pagiging doctor ay busy siya kaya minsan ay katakot-takot na pangungimbinsi pa ang gagawin nang kapatid niya bago niya ito masamahan. Iyon ay kung importante talaga ang lakad nito.

"Kuyaaa!! Ezekiel Zamorah---heir of Zamora's Pharmaceutical invited me to be his date on his mom's birthday! Isn't it amazing? Ohh my gosh! I think I'm inlove na talaga!" exaggerated itong tumili at niyakap ang mga unan niya.

Napailing-iling nalang siya sa tinuran nang kapatid. Para itong hindi disiotso anyos kung magsalita. Bukambibig nito si Ezekiel Zamorah na kasosyo din niya sa negosyo. Matanda siya nang limang taon sa binata pero mahusay na din ito sa paghawak negosyo nang pamilya nito.

Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now