Chapter 27

46.2K 927 17
                                    

Dedicated to skilledman







"Luther I was a rape victim! I was raped. And my rapist is Iyah's father!"






"I was rape!"







I was raped!"









Umaalingawngaw sa isipan niya ang sinabi nito. Tama ba ang pagkakaintindi niya sa ipinagtapat nito?

Naging biktima ito nang rape at nagbunga pa ang pangyayaring iyon dito at iyon nga ang anak nang babaeng mahal niya? Si Iyah Scarlet.

Paano nangyari iyon? Hindi niya man lang nalaman ang bahaging iyon nang buhay ni Enrieka. Walang din binanggit ang  tiyahin nito tungkol sa kinasapitan nito noon.

Bakit parang may sumasaksak sa dibdib niya sa kaalamang dinanas nito ang malagim na pangyayaring iyon.

Ang nag-iisang kapatid niyang babae ay nakaranas din nang ganoong kahayupan na naging sanhi nang kamatayan nito at ngayon naman ay nalaman niyang ang kaisa-isang babaeng tanging nakapasok sa puso niya ay nakaranas din nang ganoong kalapastanganan.

Sinusubukan ba siya nang tadhana? Gusto niyang magwala sa sakit na nararamdaman pero para ano pa? Nangyari na ang nangyari. Mapapatay niya ang taong gumawa nito sa babaeng mahal niya.

"L-Luther?" Humihikbing tawag nito sa kanya. Masaganang naglaglagan ang luha sa mga mata nito.

Parang may pumiga sa puso niya sa sakit na nakikita niya sa mga mata nito. Ramdam niya ang hirap at sakit na dinanas nito sa lalaking iyon at dobleng sakit ang nararamdaman niya sa kanyang puso.

Dali-dali siyang lumapit dito at ikinulong ito sa kanyang mga bisig. Gusto niyang iparamdam na safe ito sa kanya, na hindi siya mawawala dito, na pinapahalagahan niya ito.

Matatanggap niya ang nangyari dito dahil hindi naman nito ginusto ang nangyari. Biktima lang din ito nang pagkakataon. Mas hindi niya matatanggap kung mawawala ito sa kanya. Ikababaliw niya ang kung mawawala iyo sa kanya. Ganoon na niya kamahal ang babae.


"Shhh. Its okay baby. I'll be here at hindi kita iiwan. I promise you that." Pagpapatahan niya dito.

"Let's go baby. Let's talk about this in private. Pinagtitinginan na tayo nang mga tao. Baka akalain nang mga iyon na pinapaiyak kita." Pagpapatawa niya dito para naman gumaan ang pakiramdam nito.

Pinahid na nito ang mga luha at tumayo na din. Inakay na niya ito sa nakaparadang sasakyan niya.


Habang nagdadrive ay
nilingon-lingon niya ito. Tahimik pa rin itong umiiyak.





Dinala niya ito sa condo niya. Regalo ito nang daddy nang makatapos siya nang kolehiyo. Minsan lang siya nagagawi dito kapag pagod na siya at di na kayang magdrive pauwi nang bahay nila. Dito siya nagpapalipas nang gabi.


Malapit lang din ito sa Crisostomo Hospital kaya minsan dito na siya umuuwi. Nung buhay pa ang kapatid ay madalas din itong naglalagi doon. Hindi niya ito sinasaway dahil kapag nagpupunta ito roon ay inaayos nito ang mga gamit niya. May pag ka Oc din kasi iyon hindi gusto nang makalat.

Lover in the Dark (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora