Chapter 14

49.4K 961 19
                                    

Dedicated to yanzkyo









Matamang pinagmamasdan ni Luther si Enrieka na payapang natutulog sa kama. Ron sedated her dahil sa pagwawala nito na hindi makabubuti sa kalagayan ngayon nang dalaga. Baka maapektohan pa ang kaka-opera pa lang na mga mata nito.


Naguluhan siya sa nasaksihang pangyayari mula nang pumasok ang batang babae na tumawag ditong "mommy" hanggang sa naging histerikal na ito. Hindi niya naintindihan ang pangyayari. 


Hindi niya alam kung bakit ganoon ang reaksyon nito sa bata kung anak nga nito iyon. Bakit parang inaayawan nito ang bata na tila kinamumuhian pa nga nito. Kitang-kita niya ang pagpalahaw ng iyak nang batang babae habang pilit iyong inilalabas ng mga magulang ni Enrieka. Parang piniga ang puso niya sa nasaksihang eksena. Hindi niya malaman kung ano o sino ang uunahin. Si Enrieka ba o ang batang pumalahaw sa pag-iyak dahil inilayo sa ina nito. Parang piniga ang puso niya sa eksenang iyon sa pagitan ng mag-ina.



Nang pigilan niya ito kanina sa pagwawala ay naramdan niya ang paninigas at bahagyang panginginig nang katawan nito. What's wrong with her? Takot ba ito? Kung gayon bakit natatakot ito at nanginginig. Dahil kaya sa aksidenting nangyari dito? Pero matagal na iyon, hindi pa ba ito nakarecover?  Pero iba ang pakikitungo nito sa anak na hindi niya maintindihan.


"Doc Ron okay na po ba ang panangkin ko?" tanong nang tiyahin nang dalaga na labis ang pag-aalala sa mukha ng pumasok ito sa silid ng dalaga. Hindi na niya nakita ang batang iyak ng iyak kanina at tiyak na nilayo na ito ng mga magulang ni Enrieka.


"Pansamantala ay okay na siya Ms.Millie. Pinatulog ko lang lang muna siya para kumalma at matigil siya sa pagwawala. Hindi po makabubuti sa kalagayan niya ang nangyari kanina." ani Doc Ron na kababakasan din ng pag-aalala.


Natuon ang paningin niya sa tiyahin ni Enrieka. Lumapit ito sa dalaga at hinawakan ang mga kamay. Nakita niya ang tahimik nitong pag-iyak. 


"Anong ang nangyari kay kay Enrieka? Bakit ganoon nalang ang naging pagwawala niya nang lumapit ang bata?" hindi niya napigilang tanong dito. Alam niyang pakialamero na ang dating niya pero concern lang talaga siya sa kalagayan nang dalaga. Hindi niya maipaliwanag ang labis na pag-aalala dito.


Mahabang katahimikan ang namayani sa loob ng kwartong iyon. Akala niya ay hindi na nito sasagutin ang tanong niya nang mag salita ito.


"Hindi rin namin malaman nang mga magulang niya kung bakit siya nagkaganyan. Matapos ang aksidente ay lumipat na siya sa beach house ko. Pero isang linggo lang siyang namalagi doon at napagpasyahang bumalik sa condo niya dito sa Maynila. Dalawang buwan na kaming nakabalik sa condo niya nang malaman namin na nagdadalang tao siya. Simula nuon ay nagwawala na siya. Hindi niya sinasagot ang mga tanong namin at hindi rin namin alam kung sino ang ama nang bata. Hindi rin namin nalaman kung nagkaroon 'sya nang boyfriend dahil wala naman siyang sinasabi  sa amin. Palagi siyang tahimik at umiiyak, at kapag tinatanong namin ay naghihisteriya talaga siya." mahabang paliwanag nito.



Mataman lang siyang nakikinig dito at pilit inuunawa ang mga sinabi nito. Nang tingnan niya ang kaibigan ay seryoso din itong nakikinig sa tiyahin nang dalaga. Hindi niya mabasa ang expresyon sa mukha nito pero alam niyang curious din ito sa inasal nang dalaga kanina lang. Hindi niya alam kung ano ang nangyari pero parang may malalim na pinag-ugatan ang asal na ito ng dalaga.

Lover in the Dark (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang