Chapter 7

58.4K 1K 25
                                    


Habang nakaupo sa swivel chair sa loob nang kanyang opisina ay hindi mapakali si Luther. Tumawag sa kanya kanina si Dr.Ron Richards na kaibigan niyang naka assign sa Sunshine Hospial. Kaibigan niya ito at  siyang gagawa nang operasyon para masalin na ang mga cornea ni Sunshine sa pasyenteng recipient nito.


Kanina pa nagtatalo ang isip niya kung pupunta ba siya doon o hindi. Gustong-gusto niyang malaman kung sino ang makakatanggap nang mga mata ng kapatid at siguradohing mabuting tao ang mapagbibigyan niyon.


 Dahil tapos naman din siya sa mga ni review at pinirmahang papeles ay nakapagdisisyon siyang puntahan ito sa clinic nito sa branch nang Crisostomo Medical Hospital ang Sunshine Hospital para personal itong makausap at ng malaman din kung sino ang maswerting pasynte. Buti nalang ay wala siyang pasyen te sa araw na iyon.


 Nang makalabas nang opisina niya ay nagbilin lang siya sa secretary sa mga gagawin nito at sinabing may mahalaga siyang pupuntahan. Nandoon naman ang ama niya kaya kampante siyang iwan ang ospital. hindi naman siya magtatagal. Gusto lang talaga niyang makilala ang pasyenteng tatanggap sa mga mata ng kapatid.


Dali-dali siyang lumabas nang Ospital at tinungo ang nkaparadang 1965 Chevrolet Bel  Air Impala niya sa parking lot. Pupunta siya sa Sunshine Hospital at aalamin kung sino ang masuwerteng taong iyon.


 Pupunta siya sa Sunshine Hospital at aalamin kung sino ang masuwerteng taong iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nang makarating sa Ospital ay agad siyang pumasok at may kasiguradohan ang mga hakbang kung saan pupunta.


"Good morning Doc!" bati sa kanya nang mga guard at mga nurses nang makapasok siya sa gusali. Tinanguan lang niya ang mga ito bilang pagbati at tuloy-tuloy sa opisina ni Doctor Richards. 

Naabutan niya itong busy sa binabasang papeles pero nag-angat din agad ito ng mukha.


"Good morning Dr.Crisostomo. I'm not really surprise to see you here after I gave you a call this morning. What can I do for you?"anito sa kalmanteng tinig at totoong di niya kinakitaan ito nang pagkagulat. Magkasing edad lang sila ni Ron at magling din itong Doctor.

Hindi na rin siya nagpaligoy-ligoy pa at agad sinabi ang sadya niya.  


" I want to see the record's of the patient." he spoke with authority sabay upo sa sofa malapit sa maliit na receiving area nito sa loob nang clinic.



"Alam mong hindi iyon pwede Doc. Labag iyon sa Hospital ethics natin. Pero mapagbibigyan kita. Total kapatid mo naman ang donor and  I know how you feel."



May kinuha itong file sa steel cabinet at ibinigay sa kanya. Agad niya itong inabot at binasa ang nkasulat.


"Enrieka Rosales, 26yrs old." Babae pala ang recipient at base sa nababasa niya ay desente naman ito. Accountancy ang kurso nito but undergraduate. Marahil ay dahil sa aksidenteng nangyari dito. Binasa niya iyon lahat. Sa sumunod na pahina ay nakalagay ang larawan nito. Napatitig siya sa mukha nang babae. "Angel." Nasabi niya nang makita ito. She has an angelic face that captured his curiosity. She looks so innocent yet brave. And those lips......bakit napapalunok siya habang tinititigan ang natural na mapupulang labi ng dalaga. It felt weird.


Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now