Chapter 26

51.6K 957 19
                                    

Dedicated to julieannquizon








Matapos maligo ay dali-dali na siyang nagbihis. Isang simpleng baby T-shirt at maong shorts ang isusuot niya. Wala naman siyang lakad kaya iyon ang isinuot niya na comportable siya.

Para siyang nakalutang sa ere habang nagbibihis. Nang makapasok sila kanina ni Luther ay sinalubong agad sila nang tiyahin at anak niya na parang sadyang nag-aabang talaga sa pagdating nila.

Di na nagpaligoy-ligoy pa si Luther at sinabi sa tiyahin at anak ang relasyon nila.

Kitang-kita niya ang pamimilog nang mata nang dalawa sa sinabi ni Luther. Unang nakabawi ang anak sa pagkabigla at sinugod nang yakap si Luther na binuhat nman nang huli.

"Your going to be my dad uncle Luther?"sabi pa nito sa binata at pinugpog nang halik sa buong mukha.

" Yes sweetheart. So stop calling me uncle and call me daddy okay?" masayang sabi ni Luther dito.

Tinitigan niya itong mabuti. Walang bahid nang pagpapanggap o pagsisinungaling ang pinapakita nito sa anak. Totoo ang ipinapakita nitong emosyon para sa bata  na ikinatuwa niya nang labis.

Magkakaroon na din nang daddy ang anak niya sa katauhan ni Luther at masayang-masaya siya. Nang makarinig nang paghikbi ay napalingon siya sa may sofa.

Nakita niya ang tiyahin na sumisinghot-singhot kaya dali dali siyang lumapit dito.

"Auntie bakit po?" Sabi niya dito sabay hagod sa likuran nito at marahang tinapik-tapik. Hindi
ba nito nagustohan ang pagkakaroon nila nang relasyon ni Luther?

"Huwag mo akong pansinin hija. Nagdadrama lang ako. Masayang masaya lang ako at may lalaki nang magmamahal at mag-aalaga sa iyo"sabi nito sa kanya at tumingin sa kanila ni Luther.

" Auntie naman eh. Ayaw nyo na po ba sa akin kaya masaya kang may iba nang mag-aalaga saakin?" pabirong sabi niya dito

"Silly. Iba mag-alaga ang boyfriend hija. Maghahanap na nga din ako nang boyfriend mamaya." sabi nito sa seryosong tono na ikinatawa nilang lahat.

Pinandilatan lang siya nito nang mata at niyakap nang mahigpit. "I'm so happy for you hija. I know this would happen. Magiging masaya ka na kaya wag muna isipin ang mga bagay-bagay. Sundin mo lang ang tibok nang iyong puso." bulong nito sa kanya.

"Salamat po auntie sa lahat-lahat" tugon niya dito.





Nang matapos siya magbihis ay tingnan muna niya ang sarili sa salamin. Nang makuntento ay lumabas na siya nang silid.

Nang makalabas nang silid ay nakita niyang naglalaro si Luther at ang anak niya.

Nilagyan nito nang headband na kulay pink si Luther at hikaw na hindi niya alam kung saan nakuha nang anak niya.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Lover in the Dark (COMPLETED)Where stories live. Discover now