Chapter 50

6.4K 257 27
                                    


Sherez

Two in the morning pero gising na gising pa rin ako. Nahihirapan akong matulog ng maayos dahil sa tuwing pumipikit ako ay nakikita ko ang sarili ko na puno ng dugo. Mukhang hindi maganda ang mga magaganap pa kaya dapat akong maging maingat at handa. Bumangon ako at walang ginawang ingay para hindi magising ang dalawa na mahimbing na natutulog.

Lumabas ako at nagtungo sa fountain. Ibinilin ko na kina Aishel ang pagbabantay sa dalawa. Tumapat ako sa fountain at pinagmasdan ang reflection ko sa tubig pati ang buwan.

"Sherez?" Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin pero hindi ako humarap sa kanya. "Ikaw nga, anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba makatulog?"

Humarap ako sa kanya at umupo sa bench na nasa gilid ng fountain. Pinagmasdan ko siya at hindi na kami masyadong nakakapag-usap dahil tutok ako sa pag-aalaga kay Dawn.

"Reilee..."

Nung mga oras na nalilito ako sa nararamdaman ko para sa dalawang mate ko ay binabase ko sa halik nila. Kakaiba ang nararamdaman ko kay Reilee pero kapag si Keira na ang hinahalikan ko ay mas malakas at intense ang nararamdaman ko. Masarap sa pakiramdam kapag si Keira na ang kasama ko.

"May ipapagawa ka ba?" Tanong niya na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Tumayo ako at niyakap siya. "Kahit hindi mo man sabihin sa akin ay alam kong nasasaktan ka."

Hindi siya nagsalita bagkus ay niyakap niya lang ako ng mahigpit. Isinubsuob na rin niya ang mukha sa leeg ko at nararamdaman kong inaamoy niya ako.

"Alam mo bang pinangarap kong makasal tayo at magkaroon ng sariling pamilya." Humigpit pa ang yakap niya sa akin. "Lahat gagawin ko para sayo kahit maging taksil at ikamatay ko pa."

"Pwede ka pa rin magmahal ng iba."

"Hindi ko kaya. Ang tanggapin pa nga lang na si Keira ang mahal mo ay sobrang sakit tila libong patalim ang tumatarak sa dibdib ko." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako sa mga mata. "Mas pipiliin kong mamatay kung hindi naman pala ikaw ang makakasama ko habang buhay."

Parang parehas sila ng sinabi ni Death noon.

"Reilee..."

"H'wag mo na akong pilitin pang magmahal ng iba. Mas lalo mo lang akong sinasaktan."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya, di ko naman intensyon na saktan pa siya. Napaisip naman ako at napansin na hindi ko na masyadong nakikita si Death. Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nung huli kaming nagkita. Nami-miss ko na siya.

Inilibot ko ang paningin sa paligid at nang masiguradong kami lang dalawa ang nandito ay hinalikan ko na siya. Ganon la rin at mukhang hindi na mawawala pa. Naalala ko nung mga oras na nagpaulan siya ng snow habang magkadikit ang mga labi namin.

Nahinto kami sa ginagawa ng may tumikhim sa gilid. Mataman na nakatingin kay Reilee si Suzaine kasama niya si Seba na nagkakamot ng ulo.

"Pasensya na kung nakaistorbo kami." Matagal siyang nakatitig kay Reilee bago ilipat ang tingin sa akin. "Gusto ka raw makausap ng iyong ama."

Tumango ako kay Suzaine at saglit na tumingin kay Reilee bago umalis.



--

Suzaine (POV)

"Reilee..." Tawag ko sa kanya dahil bigla siyang nag-iwas ng tingin sa akin nang makaalis na si Sherez. "Alam mo naman siguro na hindi mo na dapat 'to ginagawa. Lilituhin mo na naman ang puso ni Sherez."

"Wala akong magagawa kung siya pa rin ang minamahal ko. Siya rin ang nag-initiate sa pinagsaluhan namin kanina lang."

"Dahil doon ay umaasa ka na pwedeng magbago ang isip niya at ikaw na ang mahalin niya, ganon ba?"

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Where stories live. Discover now