Chapter 35

7.3K 303 22
                                    

Nasa loob kaming lahat ng silid kung saan lagi nagaganap ang pagtitipon naming mga Guardians at si Keiro na lang ang hinihintay. Nadapo ang tingin ko sa direksyon ni Reilee na malamig akong pinagmamasdan. Alam kong nagselos siya dahil hinalikan ko si Sherez sa harapan niya mismo.

Bumukas ang pinto ng malaking silid na kinalalagyan namin at pumasok si Keiro na may dalang mga folder. Nung marating niya ang puwesto sa harapan ay hinagis niya sa ibabaw bg mahababg lamesa ang lahat ng folder na hawak niya.

"Buksa niyo."

Ginawa namin ang inutos niya at matapos makita ang laman halos lahat kami ay bumalik ang tingin sa kanya. Naghihintay kami ng paliwanag kung ano ang ibig sabihin nito pero parang may ideya na ako. Puro larawan ng mga patay na tao ang laman ng folder. May iba na matindi ang natamong pinsala sa katawan at may iba pa nga na hiwa-hiwalay na ang parte ng katawan nila.

"Sila ang mga pinaslang ng mga lobo sa City." Umupo siya bago nagpatuloy. "And our job is protect the City. Utos ito ni Mr. Centrias."

Tahimik kaming lahat hanggang sa magsalita si Suz para basagin ang katahimikan na bumalot sa loob ng silid.

"Pwedeng trap lang ito para doon mapunta ang atensyon nating lahat." Sumang-ayon naman ang iba sa sinabi niya, pati na rin ako.

"Tama, lalo na't lagi kong nakikita ang babaeng may puting buhok na nakamasid sa Princess." –Stein

"Nakikita ko rin siya. Parang naghihintay lagi siya ng pagkakataon para makuha ang Princess. Kapag pinupuntahan na namin siya ay bigla na lang siyang nawawala." –Mitch

"Si Snow Evans ang nakikita niyo. Masyado siyang mabilis at malakas kumpara sa mga pack niya. H'wag natin siyang mamaliitin." Pagbibigay ng impormasyon ni Suz sa kanila.

Snow Evans huh?

"Kaya nga maiiwan dito ang ibang Guardians." Nagsalita na rin si Keiro. "Hindi lang naman sila ang dapat nating bantayan kundi pati na rin si Death." Napakuyom ako nung marinig ang pangalan niya.

Kailan lang naman nalaman ng mga Guardians maliban sa amin ni Keiro ang tungkol sa nakaraan nila Death at Sherez na pilit naming itinatago sa kanya. May kapalit ang pagsasabi at hindi pagsasabi sa kanya. Una, si Death ang pipiliin niya at uubusin niya ang clan namin. Pangalawa, magagalit siya kapag nalaman niya at lalo na sa akin. Parang wala rin ipinagkaiba ang magiging kapalit kung ipagtatapat namin o hindi.

Napunta ang tingin ko kay Reilee na nakatingin din pala sa akin. Masama naming tinitigan ang isa't isa at nababasa ko sa mga mata niya na akin lang siya. Hindi pa rin ba siya titigil? Kahit alam na niyang ako ang mas mahal ni Sherez kaysa sa kanya.

"Stop arguing about your mate Keira and Reilee." Saway sa amin ng kakambal ko. Napatingin tuloy sa amin ang lahat habang may pagtataka sa mga mata. Dahil wala naman silang narinig na nagsalita sa aming dalawa.

"Para walang away akin na lang si Sherez—"

Bago pa niya matapos kung ano man yang gusto niyang sabihin ay kapwa na kami nasa kabilang bahagi ng silid. Hawak ng kanang kamay ko ang leeg niya habang ang likod ng katawan niya ay nakasandal sa pader.

"O-oy! Keira, b-biro lang yon!"

"Tama na yan Keira." Inalis ni Suz ang kamay ko sa leeg ni Seba at hinila ako palayo.

"Biro lang naman iyon ni Seba." Salubong ni Aishel at tinapik ang kaliwang balikat ko.

"Selosa ka pa rin talaga." Alanganin naman na tumawa si Seba habang hinahaplos ang leeg niya.

-

Naglalakad lang ako sa hallway nang mapansin ko si Sherez kasama ang damphir niyang kaibigan sa kabilang gusali, si Lory Morgan. Huminto ako sa paglalakad at pinagmasdan siya mula sa malayo na lagi kong ginagawa.

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon