Chapter 27

8.4K 360 21
                                    

Bigla na lang ako nagising sa hindi ko malamang kadahilanan. Tiningnan ko ang oras sa wall clock, 1:02 am pa lang. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin kahit ako lang ang mag-isa sa loob ng silid ko ngayon. Liwanag mula sa lampshade ang nagsisilbing ilaw ko ngayon. Hindi na rin ako makabalik sa pagtulog at ang diwa ko ngayon ay gising na gising.

Nakarinig ako ng mahinang kaluskos mula sa bintana. Nakaramdam ako ng kaba na baka isang kalaban ang gumagawa ng ingay na yon. Dahan-dahan akong bumangon at lumapit sa bintana pero wala namang kakaiba sa labas kaya binuksan ko. Sobrang bilis ng pangyayari dahil naramdaman ko na lang na may nagtakip sa bibig ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya pero base sa amou niya ay kilala ko kung sino ang taong nasa harapan ko. Ipinasok niya ulit ako sa loob ng silid at tinanggal ang pagkakatakip sa bibig ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko agad sa kanya.

"Nandito ako para bantayan ka.."

"H-ha?" Naguguluhan ako sa sinabi niya.

Isinarado na niya ang sliding door at hinila ako papunta sa kama.

"May kalaban sa labas at nilalabanan siya ng mga Guardians." Pagkasabi niya non ay nakarinig kami ng ingay mula sa labas.

"Si Keira?"

"Kasama siya nina Suz at Lee, may hinahabol silang babaeng naka-black dress..."

Naka-black dress? Siya kaya ang nakita ko na nasa taas ng isa sa mga building dito sa school?

"Saan ka pupunta?" Pigil sa akin ni Reilee habang hawak ang wrist ko.

"G-Gusto kong tumulong."

"Hindi pwede, dito ka lang." Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. "Hindi mo pa kayang kontrolin ang kapangyarihan mo, Sherez." Sabi niya at pinaupo ako sa kama. Tama siya, hindi ko pa kayang kontrolin ang kapangyarihan ko.

"Pero hindi ako makakapayag na mapahamak si Keira at may manakit sa kanya." Gusto kong bawiin ang sinabi ko dahil nakita ko ang pagdaan ng pain sa mga mata ni Reilee pero nag-aalala talaga ako kay Keira.

"Wag kang mag-alala, malakas si Keira at magtiwala ka lang sa kanya." Pinahiga niya ako at kinumutan pero hindi siya umalis sa tabi ko. "Matulog ka na ulit at babantayan kita.." Ngumiti siya at nag-iwas na ng tingin sa akin.

Nasaktan ba siya sa sinabi ko kanina? Pero hindi ko maiwasang mag-alala at paniguradong ganon din ang mararamdaman ko kapag nasa posisyon siya ni Keira ngayon.

"Reilee..." Tawag ko. Lumingon siya sa akin at ang lungkot ng mga mata niya.

"Bakit?"

Bumangon ako at hinawakan ang kamay niya. Hindi ko gusto ang nakikita ko, parang tinutusok ng karayom ang dibdib ko. Magkatitigan kaming dalawa at hindi pinapansin ang katahimikan sa paligid namin. Dahan-dahan niya inilalapit ang labi sa akin papikit na sana ako pero...

"Oh great! ang romantic naman ng scene na naabutan ko."

Mabilis kaming napalingon sa nagsalita. Ang babaeng naka-black dress. Nakatayo siya sa nakabukas na bintana. Hindi ko man lang naramdaman ang presense niya nang dumating siya. Tama ang hinala ko, siya nga yung nakita ko. Napansin kong pinalilibutan na siya ng maraming matutulis na yelo at nakatutok ito sa kanya. Tumingin ako sa babaeng nasa tabi ko. Ito pala ang kapangyarihan ni Reilee?

"Ang ganda naman ng pag-welcome mo sa akin."

Amoy wolf ang babae at paniguradong pinadala siya rito para tapusin ang buhay ko. Bumaba si Reilee sa kama at ilalapag ko pa lang ang paa ko sa floor nang sinenyasan ako ni Reilee na mag-stay lang ako. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng silid ko at pumasok sina Keira. Masama siyang nakatingin kay Reilee.

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя