Chapter 11

11.5K 437 20
                                    

*

Sherez

Nasa garden ako ng Centrias University. Madilim at tahimik ang buong paligid at kuliglig lang ang tanging maririnig mo. Ang ilaw na nagmumula sa buwan ang tanging liwanag sa madilim na hardin. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad dahil gusto kong makita ulit ang malaking pinto sa dulo ng garden na ito.

Sa paglalakad ko ay may nakita akong dalawang estudyante, isang lalaki at isang babae. Lumapit ako ng kaunti sa kanila at rinig ko ang pag-ungol ng babae. Eh? At talagang dito pa sa garden sila gumawa ng milagro ha? Natigilan ako nang lumingon sa akin ang lalaki at kitang-kita ko ang mata niyang nagliliwanag na kulay pula. Ganon din ang babae nung tumingin ito sa akin. Nakaramdam na ako ng takot dahil kitang-kita ko ang dugo sa bibig ng lalaki at yung leeg ng babae ay may dugo rin.

Vampire?!

Nagsimula silang maglakad palapit sa akin kaya kahit nanginginig na ang katawan ko sa takot ay tumakbo ako para makabalik sa dorm. Tumingin ako sa likod at nakikita kong malapit na nila akong maabutan. Kitang-kita ko rin yung pangil nilang dalawa na matutulis at nakakatakot!

Gusto kong sumigaw ng malakas pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.











Bigla akong napamulat dahil sa pagyugyug sa balikat ko. Pinagmasdan ko ang paligid, nasa parking lot na pala kami ng mall. Tumingin ako kay Reilee na may pag-aalala sa maganda niyang mukha.

"Okay ka lang ba Sherez?"

"Uhm.. oo" sagot ko at sinimulang tanggalin ang seatbelt ko.

"Mukhang hindi maganda ang panaginip mo kaya ginising na kita." sabi niya at kumuha ng tissue para punasan ang mukha ko.

Bakit parang nag-iinit ata yung magkaabilang pisngi ko? At sana lang ay hindi niya napansin.

"Thanks." sabi ko at ngumiti lang siya sa akin.

Tinanggal niya ang seatbelt at bumaba ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto dito sa passenger. Ang gentlewoman naman niya. Sasakyan ko ang ginamit namin at yung sasakyan sana niya kaso luxury car at takaw tingin yung kotse niya, baka ma-Carnap pa eh.

Naglalakad na kami sa loob ng mall at halos lahat ng nadadaanan namin ay napapatitig sa amin pero mas tinititigan si Reilee. Nakakamatay naman kasi ang ganda ni Reilee eh tapos nakasuot pa siya ng black tank top at maong short-shorts. Ang hot niya. Kaya yung ibang lalaki dito ay tinitingnan siya na parang hinuhubaran na. Hinubad ko ang suot kong jacket at ipinasuot sa kanya. Ngumiti siya at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.

"Thank you."

"Wala yun."

Kumain kami sa isang resto na lagi namin pinupuntahan nila Shy at Claire. Masarap kasi yung mga inihahain nila kaya laging binabalik-balikan ng mga customer nila. Kahit nasa loob na kami ay pinagtitinginan pa rin kami, mas lalo naman si Reilee. Gandang babae ba naman kasi. Nung matapos kami ay niyaya ko siyang manuod ng sine. Hindi siya nagrereklamo kung saan kami pupunta. Puro oo lang siya sa akin.

"Anong gusto mong panuorin?" Tanong ko sa kanya

Dalawa kasi yung pinagpipilian ko. Parehas na magandang movie ang nasa poster na pagpipilian.

"Ikaw ang bahala" sagot niya. Hindi nga ako makapili eh.

"Tingin mo? Yung Una or pangalawa na lang?" Excited na tanong ko.

May part kasi doon na gusto kong mapanood eh.

"Yung una na lang." sabi ni Reilee at parang interesado rin siya sa movie dahil taimtim siyang nakatingin dito.

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon