🌒 Chapter 7

12.9K 498 3
                                    

Bigla akong napamulat at bumungad sa akin ang madilim na kisame.

Nanghihinang bumangon ako at tinungo ang bathroom para maghilamos. Habang nakapatong ang dalawang kamay sa gilid ng sink ay pinagmasdan ko ang sariling reflection sa salamin. Napaniginipan ko na naman ang babaeng may gintong mga mata at mahahabang pangil. Nasa parehong scenario na naman ako. Madiin akong pumikit para maiwaksi sa isipan ko ang babae sa panaginip ko. Lumabas ako ng bathroom at bumalik sa kuwarto.

Ngayon ko lang napansin na wala pala si Keira sa higaan niya. Tumingin ako sa wall clock at mag-aalas dos pa lang ng madaling araw.

Saan kaya siya nagpunta?

Lumabas ako ng kuwarto para hanapin siya pero wala siya sa living room at kitchen. Naglakad ako palapit ng pinto para sana lumabas pero, naalala ko ang bilin ni Keira at Dad, na h'wag akong lalabas ng dorm na mag-isa.

Bumalik na lang ako sa kuwarto at hihiga na sana pero, may napansin akong anino ng tao na nakatayo sa balcony. Lampshade lang ang nagsisilbing ilaw sa loob ng silid. Masyadong maliwanag ang buwan kaya kahit dito sa loob ng kuwarto ay mapapansin.

"Anong gi—"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang may nagtakip sa bibig ko. Amoy palang ng palad niya ay alam kong si Keira ito. Kung si Keira ang nasa likod ko ngayon? Sino ang taong nakatayo sa balcony?! Nakaramdam ako ng takot dahil baka magnanakaw na. Tinanggal ni Keira ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko, at sumenyas na h'wag akong maingay. Seryoso siyang nakatingin at parang nag-aabang.

Pinagmasdan ko din yung anino, nakaramdam ako ng takot at lalo na nung naging isang malaking aso ito. Gumawa rin ito ng malakas na ingay. Dahil sa takot ay napayakap ako kay Keira.

"Natatakot ako."

"Shhh.... wala na siya." Sabi ni Keira kaya tumingin ako sa bintana. Tama nga siya, wala na nga.

"A-aswang ba yon?"

"Wolf."

"H-ha? Paano naman magkakaroon ng wolf sa bansa natin?" Nagkibit-balikat lang siya sa akin.

"Matulog ka na ulit." Nagsimula na siyang humiga at nahinto lang nung mapansin na nakatayo lang ako sa gilid ng kama niya.

"Keira, baka bumalik yung aswang at kainin ako dito."

"Hindi na yon babalik, kaya matulog ka na."

Tawagan ko kaya si Dad? At sabihin kong may aswang dito?

Hinanap ko ang phone ko pero naalalang kong wala nga pala sa akin. Inilahad ko sa harapan niya ang kamay ko. Dahil sa ginawa ko ay tumaas ang kilay niya.

"Ano yan?"

"Where's my phone? Ilang araw nang na sayo iyon."

"Nakatago."

"Akin na, may tatawagan ako."

Sa sinabi ko ay naningkit ang mga mata niya. "At sino naman yang tatawagan mo?" Tumayo siya sa harapan ko habang ako naman ay nag-cross arms lang.

"Wala ka na don. Kaya ibalik mo na sa akin."

"Yung Shy na mukhang aso ba ang tatawagan mo?"

"Hoy! Hindi mukhang aso si Shy noh, ang ganda kaya ng bestfriend ko."

"No cellphone kaya matulog ka na." Sabay hila sa akin at itinulak pahiga sa kama.

"Tatawagan ko si Dad! Ayan alam mo na?!" Naiinis na sabi ko sa kanya. Halatang nagulat siya. Bumangon ako mula sa pagkakahiga.

"Tulog pa yon."

"Ime-message ko siya para paggising niya ay mababasa niya agad."

"Mamaya mo na siya ime—"

Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil may kumakatok sa labas ng dorm namin. Sino naman ang kakatok ng ganitong oras? Nagtataka akong nakatingin kay Keira. Nagulat na lang ako nang bumukas ang pinto ng kuwarto namin at inuluwa nito si Suzaine at Reilee?!

Nagmamadaling pumunta si Suzaine kay Keira at naiwan naman sa pinto si Reilee, nakatingin lang siya sa akin.

Galit kaya siya sa akin dahil pinaghintay ko lang siya?

Itinuon ko na lang ang tingin kina Keira at Suzaine, para mawala ang awkward moment with Reilee.

"Hey, kailangan natin pumunta sa auditorium dahi—" Nahinto si Suzaine at gulat na napatingin sa akin. "G-gising ka p-pala, Sherez?" Kinakabahan tanong nito. Tumango lang ako at ngumiti.

"Talaga bang kailangan ko pang pumunta doon? Nandoon naman si Keiro."

"Yeah, nandoon nga siya pero..." Ibinulong ni Suzaine ang huling sinabi niya at ngumiti sa akin pagkatapos.

"Hindi ko siya puwedeng iwan dito mag-isa."

"Uhm... sama na lang ako? Baka bumalik ang aswang dito."

"Aswang?" Natatawang tanong ni Suzaine sa akin.

"May anino ng tao kasi kanina sa balcony at nag-anyong malaking aso."

"What?!" Gulat na reaction ni Suzaine at humarap kay Keira. "Anong ginawa mo?"

"Tiningnan ko lang. Hindi naman niya magawang makapasok kanina dahil napigilan ko na siya." Dahilan ni Keira pero anong pinagsasabi niya? Eh, wala naman siyang ginawa kanina.

Pero may bagay pa rin na gumugulo sa isipan ko. Nagbaling ako ng tingin kay Suzaine.

"Paano kayo nakapasok sa loob ng dorm namin ni Keira? Narinig kong kumatok kayo sa labas pero, ilang segundo lang ay nasa loob na kayo ng kuwarto namin?"

"H-ha? Iyon ba? Uhm." Tumingin siya kina Reilee at Keira.

"Naiwan kong bukas ang pinto." Pag-singit ni Keira.

"Ano?! Paano na lang kung pinasok tayo ng magnanakaw dito?"

"Walang makakapasok na magnanakaw dito."

Tumango na lang ako dahil tama naman si Keira dahil mahigpit ang security dito. Pero paano nakapasok ang tao na nasa balcony kanina?

Nagpaalam na sina Suzaine na aalis na at hindi na sumama si Keira. Tumingin ako kay Reilee pero agad ko rin binawi dahil nakatingin din pala siya sa akin.

***

"Balita ko naparusahan na si Rose."

"Hindi naman kasi tama ang ginawa niya."

Usapan ito ng dalawang classmate ko na nakaupo sa likod. Kaya pala ilang araw na siyang hindi pumapasok. Anong parusa naman kaya ang ibinigay sa kanya?

"Okay ka lang ba?" Pansin sa akin ni Lory na nakaupo sa tabi ko. Tumango lang ako.

Nabaling ang atensyon ko sa dalawang babae na nakaupo sa harapan namin.

"Alam mo na ba?"

"Ang alin?"

"May napaslang na wolf ang Guardians sa auditorium."

"Nararapat lang iyon. Pero siguradong hindi papayag ang alpha nila sa nangyari."

"Tama. Kaya dapat lang na maging doble na pag-iingat natin."

Naguguluhan ako sa pinag-uusapan nila. Tama ba ang narinig ko na nabanggit nila ang auditorium? Ang lugar kung saan pinapapunta ni Suzaine si Keira kaninang madaling araw. Kung ganon ay totoong wolf ang nakita namin pero paano nakaakyat yon sa 25th floor?! Hanggang 27th floor ang dalawang dormitory building. Magkahiwalay ng dormitory ang lalaki at babae.

Hinawakan ako sa pisngi ni Lory at iniharap sa kanya. "H'wag mo masyadong intindihin ang mga sinabi nila." Nakangiti nitong sabi sa akin kaya tumango na lang ako.

Pero naguguluhan pa rin talaga ako sa mga nangyayari.

_______

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat