* Chapter 8

13K 524 28
                                    

Suzaine's POV

Kasalukuyang nasa Glass House kami at nagpapalipas ng oras. Ang Glass House ay nakatayo sa gitna ng lawa at may tulay din para makatawid papunta rito. Nasa gitna rin ito ng kagubatan na sakop pa rin ng lupain ng mga Centrias at sa loob lang din ng University.

About Guardians? Labing dalawa kaming napili para maglingkod ng tapat sa Vampire Princess. Miyembro din kami ng mga clan na matataas ang ranggo kumpara sa iba. Kami rin ang nangunguna sa pangangalaga para sa katahimikan ng Centrias University.

Habang nakaupo sa couch ay napansin ko ang pagiging tahimik ni Reilee. Wala nga palang bago sa babaeng 'to dahil lagi siyang ganyan. Abala siya sa pagbabasa ng libro kaya naisipan kong umupo sa tabi niya.

"Mukhang malalim ang iniisip mo." Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Hindi kasi nakatutok yang mga mata mo sa mga letra kundi sa baba lang ng libro."

"Wala talagang nakakaligtas sa mapanuri mong mga mata, Suz." Ayan ang tawag niya sa akin pati nila Keira, Seba at Keiro. Magbe-bestfriend kasi kami simula pa nung mga bata pa lang.

Naalala ko na naman yung nangyari last week. Alas dose na ng madaling araw siya bumalik sa dorm namin. Tinanong ko kung saan siya galing pero hindi niya ako sinagot. Diretso higa na siya sa kama niya.

"I found my mate."

"Sigurado ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yeah."

Wow! Ang suwerte niya dahil nakita na niya ang mate niya. Sobrang importante para sa amin ang mate.

Nagsalita ulit siya kaya nakuha niya ulit ang atensyon ko. "She's gorgeous and fragile." Hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isip niya. Nakangiti siya at halatang ini-imagine ang mate na tinutukoy niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito at susuportahan ko talaga siya.

Wait tama ba ang narinig ko? She?

"Your mate is a girl?" Mahinang tanong ko.

"Oo, pero..." Bigla nawala ang ngiti sa mga labi niya. Bakit naman kaya?

"Oh? Bakit naging malungkot ka ata?" Umiling lang siya at nagbasa ulit ng libro.

Para sa aming mga Guardians? Mahalaga ang mate dahil sa magandang idudulot nito sa amin. Maituturing na ngang suwerte kapag isa sa aming Guardians ang mate ng Prinsesa.

"Nasaan na nga pala si Keira?" Tanong ni Lee. Doon ko lang din napansin na wala rito si Keira.

"Busy kay Sherez." Sagot ni Shawn.

"Keiro tawagan mo nga ang kambal mo baka may kakaiba na silang ginagawa." Sabi ni Seba. Tawa naman ng tawa ang dalawa sa sinabi niya, pero agad din nahinto ang tatlo nung tingnan sila ng masama ni Keiro.

Mula sa puwesto ko ay nakita ko ang paglunok nila. Mga takot eh.

"Ano na pala ang nangyari kay Rose Menezi?" Tanong ni Aishel.

"About that girl? Where is she?" Dagdag ni Sakira.

"Nasa loob ng torture room." Natatawang sagot ni Seba.

"Nakausap na ang mga magulang ni Rose at Menezi Clan." Isinara ni Keiro ang hawak na libro na kanina niya pa binabasa. "Kahit na hindi sila sumang-ayon ay mapaparusahan pa rin si Rose. Lalo na't ang pinaka matinding kasalanan sa batas ng lahi natin ang nilabag niya." Mahabang paliwanag ni Keiro.

"Sino ang gagawa ng trabahong iyon?" Tanong ni Aishel habang umiinom ng blood sa baso niya.

"Ako."

Lahat kami ay nalipat ang tingin sa kakapasok lang.

"Nasaan si Sherez?" Tanong ko dahil hindi siya puwedeng iwanan mag-isa.

"Nasa mansion nila sa City, pinasundo siya kanina lang."

Napanatag naman ako sa sinabi niya. Bilin sa amin na h'wag papabayaan si Sherez. Vampires pa naman ang lahat ng estudyante rito.

"B-bakit?" Tanong ko kay Keira. Ang sama kasi ng tingin na ibinibigay sa akin.

"Alam mo bang muntik na niyang malaman ang tungkol sa atin?!"

"Nalusutan naman. Malay ba namin ni Reilee na gising pa siya nung mga oras na yon." Sagot ko.

"At may kasalanan ka rin." Pagsali ni Keiro sa usapan namin ng kapatid niya. "Hinayaan mong makita niya ang pagbabago ng kalaban." Hindi nakapagsalita si Keira.

Minsan lang magkasundo ang magkambal dahil sobrang pasaway ni Keira. Habang si Keiro ay seryoso lalo na sa mga inaatas sa kanya.

"Fine kasalanan ko na." Sabi niya. Wow,  finally she admitted her fault. Minsan lang mangyari yan.

Napatingin kaming lahat sa kanya nung mag-ring ang phone niya. Kailan pa siya hindi nag-silent ng phone? Naiirita pa naman yan kapag maingay ang phone niya o sa namin. Kinuha niya ito at inis na nakatingin sa screen ng phone niy—wait nga lang.

"Phone yan ni Sherez di ba? Grabe ka hindi mo pa rin ibinabalik." Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Sino ba itong Shy na 'to? Eh, mukha namang aso." Inis na sabi niya.

Nagkatinginan kami at palihim na natatawa. Halata naman kasing nagseselos siya. Tumayo si Reilee at nagpaalam na magpapahangin lang sa labas. Naiingayan siguro sa loob.

----

Nasa isang malaking silid kaming lahat, execution building. Dito dinadala at pinaparusahan ang mga bampirang nagkakasala. Pati na rin ang mga nahuhuling kalaban.

"Pakawalan niyo nga ako!"

"Rose? Napakaganda pa naman ng pangalan mo pero hindi bagay sa itsura mo." Nang-aasar na tanong ni Seba.

"Papatayin ko kayong lahat kapag nakatakas ako!"

"Woah! Katakot, nagtakbuhan tuloy ang mga ipis." Napailing na lang ako sa ginagawang pang-aasar ni Seba.

Halatang nainis si Rose sa ginagawa niya. Nagpupumilit siyang makaalis sa pagkakadena sa dalawang kamay niya at sa paa.

"May request ka ba bago mamatay o maging abo?" Tanong ni Aishel.

Isa rin 'tong si Aishel Catrion sa mga malulupit pagdating sa pagpaparusa, pero ang sa abo na tinutukoy niya? Mukhang alam ko na kung sino ang gagawa non. Napangisi si Rose at tumingin kay Keira.

"Gusto ko lang naman na si Sherez Monica Centrias ang maging huling hapunan ko." Huminto siya at dinilaan pa ang ibabang labi niya para asarin si Keira. "Alam mo ba? Ang bango niya, lalo na ang dugo niya. Sobrang bango at nakakabaliw." Nginitian niya pa ng nakakaasar si Keira.

"Let's fight, kapag nanalo ka? Ibibigay ko ang gusto mo." Walang umimik sa aming lahat. Halatang natuwa naman si Rose sa sinabi ni Keira.

Pinakawalan nila Stein at Lorus si Rose. Pumunta kami sa gilid at iniwan ang dalawa sa gitna. Nakatayo lang si Keira sa gitna ng silid habang si Rose ay lumabas na ang mga pangil.

"Ang mga mata, labi, at katawan niya ay akin lang. Akin." Sabi ni Keira. Baliw na baliw na talaga siya kay Sherez.

Napansin kong naglakad paalis si Reilee. Anong problema non? Hindi siguro siya interesado sa laban.

Agad napabalik sa gitna ang tingin ko dahil unang umatake si Rose. Malapit na siya kay Keira at sa isang iglap lang ay abo na lang ang tumama kay Keira.

Kawawang Rose Menezi, natikman niya kung gaano kalupit si Keira. Ginawang abo lang naman siya.

"Ano ba yan! Akala ko naman sobrang tindi ng laban. Bumili pa ako ng popcorn pero isang segundo lang tapos na agad?" Reklamo ni Seba. Gawin daw bang sinehan ito? Tsk.

Pero kahit ako ay nadismaya rin. Akala ko papatagalin niya pero baka tinatamad kaya binilisan.

Natatawa at napapailing na lang ang iba na lumabas dito. Pabitin din kasi itong si Keira, hindi man lang pinatagal ang laban kahit dalawang minuto o limang minuto lang.

________

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Where stories live. Discover now