Chapter 41

7.4K 292 91
                                    

Sherez's Pov

Hindi na ako kumatok or dumaan sa pinto. Sa bintana ako dumaan katulad lang ng nakagawian ko noon.

"Sabi na nga ba, ikaw mismo ang pupunta sa akin." Naglakad siya palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Napapikit ako at niyakap din siya ng mahigpit. Ang tagal na nang panahon nung huli ko siyang nayakap ng ganito. Sobra ang pangungulila ko sa kanya at ngayong yakap na siya ng mga bisig ko, hindi na ako makakapayag na mawala pa siya ulit.

"Gusto mo bang uminom ng kape? Ipagtitimpla kita." Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya bago tumango.

Sabay kaming bumaba papunta sa kitchen ng bahay niya. Habang nagtitimpla siya, nakaupo ako sa bar stool at pinagmamasdan siya. Walang ipinagbago. Sobrang ganda niya. Nung matapos siya sa pagtitimpla ay umupo siya sa tabi ko habang umiinom ako ng kape.

"Paano bumalik ang alaala mo? Ginawa mo ba ang mga sinabi ko sayo nung nakaraan?" Tanong niya.

"Ginawa ko. Ngunit, hindi ko natagpuan ang dapat na mabasa ko dahil wala iyon sa mga lugar na pwedeng paglagyan ng talaan." Lumingon ako sa kanya at tinitigan siya sa mga mata niya. Beautiful green eyes. "Pero hindi ko na kailangan pang hanapin iyon dahil nung magising ako kaninang umaga ay naaalala ko na ang lahat." Napangiti siya sa mga sinabi ko at niyakap ako ng mahigpit.

Nararamdaman ko sa yakap niya kung gaano katindi ang naging pangungulila niya sa akin. Ang tagal ko siyang pinaghintay.

Habang nasa tabi ng tenga ko ang labi ay narinig ko ang bulong niya. "We can start a new life here."

Napangiti ako at ipinaharap ang mukha niya sa akin. Hinalikan ko ang noo niya bago sumang-ayon. "Yeah, pero kailangan ko munang linisin ang nasa paligid natin."

"Ang lahi ko ba ang uunahin mo or yung sayo?" Tanong niya. Itinapat ko ang tasa sa bibig niya. Uminom na rin siya.

"Yung sayo..."

Hindi siya sumagot pero naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya. Habang nakayakap siya sa akin ay bigla naman pumasok ang imahe ni Keira sa isipan ko. That kid. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang panlilinlang sa akin. Wala silang karapatan na baguhin ang nilalaman ng puso ko. Hindi rin siya dapat pumapasok sa isipan ko lalo na't nasa tabi ko na si Death.

---

"Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo."

"May iniisip lang ako.."

Nakaupo ako sa swivel chair niya habang pinagmamasdan ang buwan sa labas. Bukas na magganap ang kabilugan ng buwan at dapat sa araw na iyon ay mawala na ang lahi ng mga bampira. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa nila sa akin, kay Death at sa anak namin.

Muli akong tumingin sa buwan. Kanina pa ito gumugulo sa isipan ko. Yung itsura ng kagat ko sa kaliwang balikat niya. Hindi ako pwedeng magkamali...

Naramdaman kong umupo si Death sa mga hita ko at ipinatong ang mga braso sa balikat ko.

"Simula nung dumating ka rito ay parang may gumugulo sa isipan mo."

"May napansin lang ako kay Keira..." bigla sumeryoso ang mukha niya nang banggitin ko ang pangalan ni Keira.

"Anong napansin mo sa kanya?"

"When we made love." Nagbaba ako ng tingin. "Nag-iwan ako ng isang bagay na hindi ko alam kung ginusto ko o hindi."

"What do you mean?"

"I think, Keira is pregnant." Nag-angat ako ng tingin at tinitigan siya sa mga mata niya. "Pero hindi ako sigurado."

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Where stories live. Discover now