Chapter 23

8.5K 369 8
                                    


Sherez' Pov

Nasa klase ako pero pakiramdam ko ay may kulang... hindi ko pa siya nakikita simula nung magising ako sa isang linggong pagkakatulog. Wala akong maalala sa mga nangyari bago ako nakatulog ng ganon katagal. Pakiramdam ko nagka-amnesia ulit ako. Dalawang linggo na ang nakalipas pero hindi ko pa rin nakikita si Keira.

Vampire ako at nauuhaw ako ngayon. Yung A.T ang pinapainom nila sa akin pero kusa itong iniluluwa ng bibig ko kaya fresh blood ang iniinom ko.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Lory sa akin nang mapansin na hindi ako mapakali.

"Nauuhaw ako..." Sagot ko habang nakatingin sa harap, ramdam ko ang pagtingin niya sa gawi ko.

Kasalukuyang nagtuturo ang Professor namin sa harap. 7:30pm ang uwian namin ngayon at last subject namin ito. Pakiramdam ko anong oras man ay may hahablutin na ako rito at kakagatin ang leeg. Napapikit ako dahil pakiramdam ko ay nanunuyo na ang lalamunan ko.

"Class dismissed."

Tumayo na agad ako para makalabas na. Nakita ko ang pagsulyap ng mga nakakasabay ko sa paglalakad, yumuyuko rin sila. Hindi ko na kaya... Sumandal ako sa gilid at hinihintay na mawala ang mga estudyante rito. Nakita ko si Lory na mag-isang naglalakad, nandito pa kami sa building namin. Agad akong sumulpot sa harap niya at hinatak siya papasok sa isang madilim na silid. Gulat siyang nakatingin sa akin, lalo na sa mga mata ko.

"Ang gintomong mga mga mata... ang gandang pagmasdan lalo na sa ganito kalapitan." Wala sa sariling nasabi niya.

"Alam mo naman siguro kung bakit kita dinala rito?" Sinimulan ko nang amuyin ang leeg niya.

She's a half-human at gusto ko ang dugo niya... naaamoy ko ang dugo ng tao sa kanya.

"Gawin mo na. Isang karangalan na ikaw mismo ang iinom sa dugo ko." Tiningnan ko siya at nakikita ko ang pigil na ngiti niya. Hindi rin siya makatingin sa akin.

While licking her neck hindi ko mapigilan ang mapangiti. Dahil sa gumagawa siya ng ingay? Ugh, pakiramdAm ko nahawa na ako kay Keira sa pagiging naughty o epekto lang ng pagiging bampira ko? Speaking of Keira, where is she?

Hindi na ako nag-aksaya pa ng ilang segundo. Agad ko siyang kinagat at sinipsip ang dugo niya. Bigla siyang napahawak ng mahigpit sa uniform ko. Diniin ko pa ang mga pangil ko sa kanya at ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod niya dahil unti-unti siyang bumabagsak kaya hinatak ko siya pataas. Hindi pa ako tapos. Pero, itinigil ko na rin dahil baka maubusan siya ng dugo at mapatay ko pa.

"Lory..." Tinatawag ko ang pangalan niya. Nung tingnan ko ang mukha niya, wala na siyang malay at mukhang nasobrahan ang ginawa ko? No choice kaya dadalhin ko na lang siya room ko.

Nang makarating sa silid ko sa dorm building ay inilapag ko siya sa kama. Nilinisan ko rin ang leeg niya kung saan ko siya kinagat. Sa silid ko siya dinala dahil hindi ko naman alam kung saan ang room niya dito sa dorm building. Nilagyan ko na rin ng band aid para di ako matukso. Ang hirap maging Bampira, kahit pilitin mong pigilan ang sarili mo na huwag uminon ng dugo ay wala ka pa rin magagawa. Kapag hindi ka nakainom ng dugo, pakiramdam mo ay pinipiga ang lalamunan mo at hindi ka makahinga.

Pumunta ako sa pinto at binuksan ito. Kakatok pa lang sana siya pero naunahan ko na siya. Halatang nagulat siya nung makita ako at bahid ng dugo na nagkalat sa gilid ng labi ko.

"Ahm... G-Good evening Sherez, halatang katatapos mo lang uminom ah?" Napangiti ako nang makita ko siya.

"Suzaine.. ahm.. si Keira?" Siya lang kasi ang nandito ngayon. Napakamot naman siya sa ulo niya.

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Where stories live. Discover now