Chapter 14

11.2K 454 54
                                    

*

Ala sais pa lang ng umaga ay nasa CU na kaming dalawa ni Reilee. Sa kanya na ako sumabay at sinalubong naman kami ni Suzaine sa parking lot.

Wala siya?

"Sherez, namiss kita!" Sabay yakap niya sa akin nung makababa ako ng kotse. Niyakap ko rin siya pabalik.

"Ako rin."

Bumitaw siya at tumingin kay Reilee na nasa tabi ko na.

"Ako na ang maghahatid kay Sherez sa dorm niya at kailangan natin mag-usap mamaya pagbalik ko sa room natin." sabi ni Suzaine kay Reilee at tinulungan ako sa pagdala ng ibang gamit ko.

Habang nasa elevator kami ay nagtataka ako na hindi man lang ako sinundo ni Keira. Sabi niya sa akin sasalubingin niya raw ako kapag bumalik na ako ng CU.

"Oh? Bakit parang ang lungkot mo?"

"Hindi naman."

"Si Keira ba ang inaasahan mong magsusundo sayo?" Bigla akong napatingin sa kanya at sabay iwas din ng tingin.

"H-hindi ah."

"Nagde-deny ka pa, eh halatang-halata naman."

Hindi na lang ako nagsalita pero may bigla akong naalalang itanong sa kanya.

"Suzaine may gusto lang akong itanong."

"About kay Keira?" Mapanukso niya akong tiningnan kaya napasimangot ako.

"H-hindi"

"Osige, ano?"

"Totoo ba ang mga Vampire?" Halatang nabigla siya sa naging tanong ko.

"Ha? A.. e.. parang h-hindi naman."

"Hmm... may Vampire ba dito sa CU?" Hindi siya nagsalita.

Sinubukan ko kasing malaman ang mga profile ng ibang estudyante rito. Tanging nakalagay lang ay galing sila sa mayamang pamilya at hindi sila tumatanggap ng mga endorsement kahit na ubod sila ng kagandahan at kagwapuhan.

Narating na namin ang 25th floor kung saan kami naka-room ni Keira. Nagtataka ako nung minsan napunta ako sa 26th floor, nagkamali kasi ako ng napindot na button. Isang pinto lang ang nandoon at pansin kong sobrang tahimik sa floor na yun. Nung hahawakan ko na sana yung doorknob ay biglang lumitaw si Keira sa likod ko at tinanong pa kung bakit daw ako nandoon. May isang bagay akong ipinagtaka nung mga oras na yun, hindi ko narinig na tumunog ang elevator kaya paano napunta si Keira sa 26th floor?

"We're here"

Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa tapat ng pinto sa dorm namin ni Keira.

"Salamat."

"Wala yun, sige mauna na ako." Naglakad na siya papunta sa elevator.

Hindi naka-lock ang pinto nung binuksan ko ito. Gising na kaya siya? Pumasok ako sa loob at walang Keira ang sumalubong sa akin. Ano bang problema ng babaeng yun? Dumeretso ako sa kuwarto at pagbukas ko ng pinto.

"Ay shit! Nakakagulat ka naman Keira!"

Nakasandal kasi siya sa wall na katabi lang ng pinto at nakacross arm pa. Hindi siya sumagot kaya pumasok na lang ako sa loob kaso hinatak niya ako at isinandal sa kung saan siya sumandal. Nabitawan ko tuloy ang mga dala ko. Ganito ba talaga siya mag-welcome sa kakabalik lang na roommate niya? Tinitigan ko siya sa mata, bakit parang lungkot at galit ang nakikita ko sa mga mata niya?

"An--"

Agad niyang pinutol kung ano man ang sasabihin ko gamit ang malambot na labi niya. Sa gulat ko ay hindi agad ako nakatugon sa kanya. Humiwalay siya at hinawakan ang ibabang labi ko gamit ang right thumb niya.

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum