Chapter 45

5.9K 273 20
                                    


Keira

Kahapon pa ako hindi mapakali dahil sa isipin na magkasama silang dalawa. Paano kung hindi na siya bumalik? Hindi ko akalain na magiging ganito ako kaemosyonal. Nasa loob pa rin ako ng silid ni Sherez at dito ko siya gustong hintayin. Nakaupo lang ako sa couch at umaasang babalik siya.

"Keira..."

"Aunt Yuri."

Nakatayo siya malapit sa pinto at tipid na ngumiti bago naglakad palapit sa kinaroroonan ko. Umupo siya sa tapat ng inuupuan ko at pinagmasdan ako.

"Malapit na pala dumating ang araw na isisilang mo ang batang nasa sinapupunan mo."

Ngumiti ako bago tumango. May kakaiba sa kanya ngayon at hindi ko pa mawari kung ano iyon.

"May nakarating sa akin na balita na pumunta rito si Death at tinangka na paslangin ka? Pati na rin si Zereth ay dumating din kahapon."

"Oo at iniligtas ako ni Sherez mula kay Death. Pero hindi siya nagtagal at umalis din."

"Kaya pala..." Bulong niya. "Paniguradong magkasama silang dalawa ni Death. Malay mo sa mga oras na 'to ay may ginagawa na silang dalawa?" Mahina siyang natawa bago pagmasdan ang isang karayom na hawak niya.

Dahil sa sinabi niya ay lalo naman gumulo ang isipan ko.

Mula sa pagkakaupo sa couch ay tumayo siya at naglakad palapit sa bintana. Ipinikit niya ang kanyang mga mata nang umihip ang hangin kung saan kasabay ng pagsayaw ng kurtina ang buhok niya.

"Malamig ang gabi ngayon." Tumingin siya sa akin habang ang mga mata'y tila dugong nagliliwanag. "Kilala ko si Zereth, hindi malabong nagsisisiping na silang dalawa ngayon."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at parang pinipiga nito ang nasa loob ng dibdib ko.

"G-ginagawa niyo bang dalawa iyon noon?" Gusto kong malaman mula sa kanya. Kahit nakalipas na iyon ay may hapdi pa rin akong nararamdaman.

Hindi ko kayang makitang may kasama siyang ibang babae. Parang sinasaksak ako ng paulit-ulit.

Ngiti lang ang isinagot niya sa akin bago nagpaalam na aalis na siya para may asikasuhin. Hindi ko alam kung 'oo' ba ang ibig sabihin non.

"Naniniwala ka sa kanya?"

Agad akong napatayo at inihanda ang sarili. Anong ginagawa niya rito? Akala ko ba magkasama silang dalawa? Nakasandal siya sa pader na katabi lang ng bintana habang nakahalukipkip.

"Anong ginagawa mo rito? Pagtatangkaan mo na naman ba ulit ang buhay ko?!"

Tumingin siya sa kama ni Sherez bago umiling. "Hindi ko akalain na nandito ako ngayon sa lugar kung saan nagbunga ang isang kataksilan."

"Sagutin mo 'ko, anong ginagawa mo rito?" May diiin na tanong ko.

"Ginagawa ko lang ang hiningi niyang pabor sa akin."

"Pabor?"

Saglit niya akong tiningnan at parang sinasabi ng tingin niya ay oo.

"Ano ang pabor na hiningi niya sayo?"

Nagbago na ba ang isipan ni Sherez at gusto nang tapusin ako? At si Death ang gusto niyang gumawa?

"Ang protektahan ka sa isang taksil."

Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. Nagsasabi ba siya ng totoo? Pero hindi ako dapat magtiwala sa kanya at parang nabasa naman niya ang iniisip ko.

"Kung wala kang tiwala sa akin? Mas wala rin naman akong tiwala sayo, Keira." Bigla siyang naglaho sa harapan ko at nang humarap ako sa direksyon ng kama ay nakatayo na siya sa gilid nito. "Ginagawa ko lang ito para kay Zereth at hindi para sayo." Umupo siya sa ibabaw ng kama at nakatitig sa mga unan.

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Where stories live. Discover now