Chapter 18

10.1K 424 11
                                    

*

Pinagmamasdan ko ang sariling reflection sa malaking salamin habang inaayos ang buhok na sadyang inulugay ko. Lalabas daw kami ni Keira. Nakasimpleng black t-shirt at short-shorts lang ako. Nag-light makeup lang din ako at hindi na kailangan pa ng sobrang kapal.

Bigla ko naman naalala ang panaginip ko kanina. Nasa loob na naman ako ng isang bahay at hindi lang ako ang nag-iisa doon. May isang babae at lalaking nakatayo habang nakahiga si Mommy sa sahig at puno ng dugo ang puti nitong damit. Nakita ko pa ang unti-unting paglitaw ng mga dugo sa haligi at sahig ng bahay.

Nakakakilabot...

Sino ang pumatay kay Mommy? Blurred ang mukha nila kaya hindi ko makita.

Natatakot ako...



"Ang tagal mo naman, tama na yan dahil maganda ka na." Sabi niya habang nakasandal sa gilid ng pinto.

"Parang ikaw pa mas excited kaysa sa akin, yung totoo?" Ibinalik ko ulit ang tingin sa salamin.

Parang hindi ako mapakali sa suot ko. Gusto ko yung magugustuhan niya talaga. Gusto ko maging maganda ako sa paningin niya.

"Of course, first date natin 'to." Napalingon ulit ako sa kanya at ang lawak ng ngiti niya.

"Date?"

"Yep."

"Dapat sinabi mo agad edi sana nagsuot ako ng mas magandang damit." Nakasimangot akong tumingin ulit sa salamin. Parang mas lalo tuloy akong hindi mapakali sa suot ko.

Lumapit si Keira sa akin at pinaharap sa kanya. Nasa magkabilang balikat ko ang dalawang kamay niya.

"Hindi mo na kailangan magsuot ng ganon dahil kahit ano pang isuot mo ay bagay sayo. Ang ganda mo kaya." Napangiti ako sa sinabi.

"Talaga?"

"Oo at mas okay nang ganyan ang suot mo."

"Keira."

"Ano?"

"Mamaya na lang pala." Sabi ko at dumeretso na palabas ng kuwarto. Sumunod naman siya sa akin.

Gusto ko lang kasing itanong kung seryoso ba talaga siya sa nararamdaman niya para sa akin. Baka infatuation lang ang nararamdaman niya at di kalaunan ay kusa rin na mawawala. Parang nagsulat lang siya sa notebook gamit ang lapis na mahal niya ako pero buburahin niya rin agad or iba ang gagawa non? Biglang nag-iba ang pakiramdam ko na pwedeng magkagusto siya sa iba. Hindi pwede! At gusto ko munang makasigurado dahil may kakaiba akong nararamdaman na sobrang hirap ipaliwanag na kahit ako ay nahihirapan.

Pinasakay na niya ako sa kotse niya at nakita ko pa di kalayuan sina Sakira at Aishel na kumakaway habang nakangiti. Ngumiti naman ako sa kanila. Makikita naman nila dahil hindi tinted ang bintana ng kotse ni Keira.

Habang nasa biyahe hindi ako mapakali. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta. Maraming puno sa dinadaanan namin at baka tama nga ang nasa isip ko nung una na isa-salvage nga niya talaga ako.

"S-saan ba tayo pupunta?" Nakakaramdam na ako ng kaba.

Hindi naman ganon si Keira kaya imposibleng gawin niya yun.

"Sa lugar na tahimik." Nakangising sagot niya at lalo akong kinabahan sa sagot niya.

Ano ka ba Sherez! H'wag ka nga mag-isip ng ganyan! Hindi niya gagawin sayo yun! Oo nga naman.










"Sherez... nandito na tayo."

Nagising ako sa mahinang pagtapik sa balikat ko. Tumingin ako sa paligid habang nagkukusot ng mga mata. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang nasa biyahe.

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon