Chapter 36

6.7K 298 21
                                    

Bigla akong napamulat ng mga mata at napaupo dahil sa panaginip ko. Maraming bahid ng dugo at parang binabalot ng pula ang buong kapaligiran. Natatakot ako kung ano ang ibig sabihin non.

Nagawi ang tingin ko sa katabi ko at mabuti na lang ay hindi siya nagising. Nalipat naman ang tingin ko sa wall clock na nasa tapat lang ng kama. 5:28 na ng umaga kaya bumangon na ako.

Dumeretso ako ng kusina para magluto ng agahan namin. Nung matapos ako sa pagluluto at naghahain na lang ay doon ko naman nakita si Keira. Naglalakad siya palapit sa akin habang nagkukusot ng mga mata. Inaantok siyang yumakap sa akin at isiniksik ang mukha sa leeg ko. May ngiti naman sa labing niyakap ko siya pabalik.

"My love, ang bango-bango mo talaga. Sa kama na lang kaya tayong dalawa?"

"Manahimik ka nga. Kumain ka na at yung paborito mo ang agahan natin ngayong umaga."

Lumayo siya ng kaunti at nilanghap ang amoy na nagmumula sa paborito niyang pagkain.

"Champarado." May ngiti siya sa labi bago nagmulat ng mga mata at tumingin sa akin.

Napailing ako at pinisil ang ilong niya. "Ang kulit mo, sabing Champorado ang tawag dyan at hindi Champarado." Pigil ang tawa na  pinaupo ko siya at pinaghainan.

"Whatever my love. Parehas lang naman iyan pero magkaiba nga lang ang spelling." Nakangiti naman siyang sumubo at nakapikit pa habang ninanam-nam ang nasa loob ng bibig niya. "Ang sarap talaga." Tinaas-baba niya pa ang balikat niya.

Minsan talaga may pagkaisip bata si Keira at isa iyon sa nagustuhan ko sa kanya. Kapag seryoso naman siya? Nakaka-intimidate siyang tumitig at ang mga mata naman niya ay nakakalunod. Sa pagiging naughty niya? Ay grabe wala akong masabi dahil parang dinaig niya pa ang mga mahaharot na tao.

Natigilan ako sa iniisip ko nang mapansin na nakatapat sa bibig ko ang kutsara kaya isunubo ko na. Umupo na ako sa tabi ng upuan niya at napangiti na lang nang halikan niya ako sa labi.

"Lasang champarado ka na. Sabi ko sayo doon na lang tayo sa kama." Kumindat siya kaya nasipa ko siya sa binti.

"Manahimik ka na nga Keira." Napapailing na lang ako sa mga pinagsasabi niya. Nakasimangot na yumakap siya sa akin. Ipinatong niya sa dibdib ko ang ulo niya at parang may pinapakinggan siya.

"Sana, marinig kong tumibok ang puso mo at pangalan ko lang ang itinitibok." Nag-angat siya ng tingin kaya nagtama ang mga mata naming dalawa. "Natatakot akong dumating ang panahon na makakalimutan mo ako."

"Ano bang pinagsasabi mo Keira?" Hinaplos ko ang buhok niya. "Hinding-hindi mangyayari iyon. Kaya wala kang dapat ikatakot." Ngumiti ako na ikinangiti niya rin.

Pero alam kong pilit ang mga ngiting iyon. Ganon ba talaga katindi ang takot na nararamdaman niya?

---

"Wala ka ba ibang gagawin ngayon?"

"Wala naman."

Nasa library ulit ako at kasama ko si Reilee. Nagpresinta siyang samahan ako. Isa lang naman talaga ang dahilan kung bakit nandito ako at dahil iyon sa kagustuhan na malaman ang pinagmulan ko.

May isang libro akong hindi makita. Ang libro tungkol sa Rutherfold Clan. Lahat ng clan ay magkakasama at nakaayos alphabetical. Pero ang ipinagtataka ko ay wala rito ang Clan ng Rutherfold. Nababanggit sila sa ibang libro ng mga Clan pero ang libro para makilala sila ay wala.

Para ngang binura ang Clan nila...

"Masyado atang malalim ang iniisip mo." Nahinto ako sa iniisip ko at tumingin kay Reilee. "Gusto mo bang maglakad-lakad muna tayo sa labas?" Tumango ako at ibinalik ang ibang libro na binabasa ko. Nagbasa ako ng ibang libro dahil hindi ko makita ang hinahanap ko.

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Where stories live. Discover now