Chapter 28

8.4K 359 50
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa loob ng silid ko. Humarap ako sa likod at inaasahan kong mabubungaran ko ang magandang Bampira na katabi kong natulog pero wala siya...

Bumangon ako at hinanap siya sa bawat sulok ng silid pero walang Keira ang nagpakita sa akin. Ganon na lang yun? Hindi man lang nagpaalam.

Naligo ako at hindi na ako nag-almusal dahil wala akong gana. Kailangan kong pumasok dahil estudyante pa rin ako.

"Good morning Princess." Tumango at ngumiti lang ako.

Lahat ng nakakasalubong ko araw-araw ay lagi akong binabati, tanging tango at ngiti ang isinusukli ko. Narating ko ang classroom ko at naabutan ko si Lory na busy sa phone niya. Umupo ako sa tabi at itinabi na niya ang phone niya. Ngumiti siya ng malawak sa akin.

"Good Morning Princess Sherez."

"Good Morning din Lory."

"Ayos ka lang ba?" Tumango lang ako at tumingin na sa harapan dahil dumating na ang professor namin.

Habang nagle-lecture ang Professor namin sa harap ay nasa labas lang ako nakatingin at hindi nakikinig. May gumugulo sa isipan ko na matagal ko nang iniisip.

May mga bagay na hindi ko maipaliwanag sa loob ng katawan ko at parang may mali rin sa mga nangyayari.

Hindi ko naman alam kung ano yon at bakit naiisip ko ang ganong bagay. Tapos utak at puso ko ang kadalasang nagtatalo sa hindi ko rin malaman na kadahilanan.

Hawak ko nga ang katawan ko pero parang hindi ko naman hawak ang utak at puso ko...

Naguguluhan na ako. Parang may bagay akong hinahanap na dapat kong matagpuan.

At nakakatawang isipin na hindi ko alam kung ano ba talaga ang hinahanap ko.

Natapos ang klase na hindi ko napansin at parang bumibilis ata ang oras? Or sadyang occupied lang ang utak ko? Kaya hindi ko napapansin ang mga nangyayari sa paligid ko.

"Masyado ka atang distracted?"

"H-ha? Teka saan na tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko kay Lory.

"See? Hindi ka aware sa mga nangyayari sa paligid mo."

Tama nga si Lory, masyado akong distracted.

"Okay lang ako, medyo hindi lang maganda siguro ang gising ko." Ngumiti ako at kahit na hindi siya convince sa sinabi ay ngumiti na rin siya.

"Tara na sa next subject natin." Tumango lang ako at sabay kaming lumabas ng classroom. Kaming dalawa na lang ang naiwan dito.

Natapos ang umaga't hapon na klase ko. Bumalik agad ako sa dorm dahil ayokong mag-tagal sa labas. Maghapon ko rin na hindi nakita si Keira. Saan naman kaya napadpad yun? May mission?

Nagluto muna ako ng hapunan at hindi na muna ako iinom ng dugo. Natapos na akong kumain at maghugas ng mga pinaggamitan ko ay wala pa rin na Keira ang nagpapakita sa akin. Ano na naman ba kasi ang problema? Pwede naman kasing sabihin na lang niya kung may mission siya kaya hindi siya magagawi rito.

Napagdesisyunan ko na lang na magbabad sa bathtub para naman ma-relax ako pati na rin ang utak ko. Kanina pa ata pagod sa kakaisip sa mga bagay na hindi ko maintindihan.

May isa pa akong pinoproblema, hindi ko pa kayang kontrolin ang kapangyarihan ko. Ang hirap kasi dahil mismong kapangyarihan at vampire form ko ang kumokontrol sa akin. Kaya ko namang baguhin ang kulay ng mga mata ko, na gawing kulay ginto.

May napansin ako... bakit parang wala akong nakita o nakasalubong na Guardians kanina? Busy silang lahat ngayon? Minsan nakakatampo sila. Ako ang Prinsesa pero never nila akong isinama sa usapan tungkol sa digmaan na gusto ng mga kalaban. Dahil ba sa hindi ko pa kayang kontrolin ang kapangyarihan ko kaya hindi nila ako isinasama?

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Where stories live. Discover now