Chapter 20

9.7K 384 8
                                    


Sherez' Pov

Nagising ako at inuutusan ni Mom na pumunta sa lugar na 'to. Habang papunta ako rito ay nakakatakot ang nadadaanan ko. Parang nasa isang horror movie ako. Nakakatakot ang mga puno at nakadagdag pa ito dahil hating gabi na at narkrinig ko pa ang mga uwak. Nakasuot pa ako ng pajamas at walang suot na kahit na ano sa paa. Ang dumi na tuloy ng paa ko.

Nakatayo na ako sa harap ng malaking pinto ng lumang mansion, mukha na nga itong hunted mansion eh. Iba ito sa nakikita ko sa panaginip ko dahil bago iyon. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang lumang loob katulad sa labas. Madilim, maraming agiw at makakapal na alibok. May napansin din ako na may mga blood stain sa mga wall. Kahit maalikabok ay napansin ko pa rin ang mantsa ng dugo sa sahig. Kusa naman bumabagsak ang mga luha ko, nagtataka ko itong pininusan at tiningnan.

Anong nangyayari sa akin?

Lumapit ako at yumuko para tingnan ito ng maigi. Halatang matagal na ang tuyong dugo rito. Hinawakan ko ito at may mga pangyayaring bumalik sa akin. Ang mga pangyayaring nasaksihan ng dalawang mata ko.

Muling bumabalik sa akin ang mga alaala, 10 years ago....

Sa gitna ng dilim ay sabay kaming tumatakbo ni Mom pabalik sa mansion. Nakikita ko ang dalawang lobong humahabol sa amin sa likod. Kasalukuyang may nagaganap na labanan sa pagitan ng mga Bampira at mga Lobo.

"Mom, Nasaan si Dad?" Hindi niya sinagot hanggang sa makarating kami sa mansion. Kulay ginto na ang mga mata niya.

Pumasok kami sa loob. Inutusan niya akong umakyat ng hagdan at magtago sa mga kuwarto dito, naiwan naman siya sa baba. Nung nasa gitna na ako ng hagdan ay may nagpwersahang binuksan ang pinto kaya napahinto ako. Pumasok ang dalawang humahabol sa amin kanina. Isang lalaki at babae, hindi ko maaninag ang mga mukha nila. Naglaban si Mom at ang babae. Halos nagkalat na ang dugo ni Mom sa paligid at sa sahig ng mansion pero ang huling pagsugod niya ay sinaksak siya nung babae sa dibdib gamit ang kamay nito. Patakbo at umiiyak akong bumaba ng hagdan nang inihagis siya sa floor na puno ng dugo.

"M-mom? Please gumising ka!" Niyuyugyog ko ang balikat niya pero hindi siya nagsasalita.

"Ikaw na ang sunod na mamatay!" Iniangat ako ng lalaki habang sakal ako sa leeg. Hindi ako makahinga.

"Reynan.." tawag ng babae sa kanya "Bitawan mo siya." Binitiwan naman ako nung Reynan. Hindi ko mapigilan ang umiyak.

Lumapit sa akin ang babae at yumuko. Hinawakan niya ang chin ko at iniangat ang mukha ko at nakita ko ang malaanghel niyang ngiti kahit isa siyang kampon ng kadiliman! Pinatay niya ang Mommy ko! Kaya tinitigan ko siya ng masama.

"Kailangan nating patayin ang batang yan! Siya ang batang nasa propesiya na uubos sa lahi natin!" Sabi nito

"Yeah, siya nga pero tingnan mo? Isa lang siyang inosenteng batang royal blood na walang kapangyarihan." Pinunasan niya ang mga luha ko sa pisingi gamit ang left thumb niya. Kung titingnan ay napakabata pa ng mukha niya at parang nasa 16-17 years old lang siya. Parang magkaage lang silang dalawa nung kasama niyang lalaki.

"Ha?! Teka paano nangyari iyon? Eh anak siya ng pure blood Vampire?! Ng Vampire King and Queen?!"

Hinawi nung babae ang buhok ko na nakaharang sa kanang part ng leeg ko. Sinimulan niya itong hawakan pero agad din siya napabitaw na parang may kumuryente sa kanya.

"Nandito ang sagot sa dalawang kulay pula sa kanang side ng leeg niya. It's a bite at dito itinago ang kapangyarihan niya."

"Sino ka?" Tanong ko at ngumiti naman siya.

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Where stories live. Discover now