Chapter 39

6.4K 294 40
                                    

Keira's Pov

Sa pagitan ng halikan naming dalawa ni Sherez ay bigla na lang niya akong itinulak. Umupo siya sa gilid ng kama habang hawak ang ulo at leeg niya.

"Sherez? Anong nangyayari?"

"Sobrang sakit!"

Sinilip ko siya at ang una kong napansin ay ang mga mata niya.  Sobrang liwanag nito. Nakalabas na rin ang pangil niya at ano mang oras ay may kakagatin na siya.

"Sabihin mo sa akin kung ano ang nararamdaman mo?"

"S-sobrang sakit ng u-ulo ko a-at uhaw."

Sabi na nga ba't nauuhaw na siya.

"Gosh! Akala ko matutuloy yon." Biglang pumasok sina Aishel at Sakira sa pinto palabas ng balcony sa kuwarto ni Sherez.

Actually, apat silang nakasunod sa amin dahil kailangan pa rin ng bantay ni Sherez bukod sa akin.

"Keira, talagang gagawin mo noh? Kahit nasa balcony lang kami." Inirapan ako ni Suz na ikinangisi ko.

"Baka kasi may second round pa."

"Second time?" Takang tanong nung tatlo maliban kay Reilee. Oo, nandito siya.

"You mean.."

"Yes." Sagot ko kay Aishel bago pa niya maituloy ang tanong niya.

Nagkatinginan silang tatlo at parang hindi naniniwala sa akin.

"May dala ba kayong A.T? Nauuhaw siya."

"Geez, Keira baka nakakalimutan mo? Isang Royal Blood Vampire si Sherez at hindi naiibsan ng A.T ang uhaw nila sa dugo. Hindi katulad nating mga elite at normal Vampire." Paalala sa akin ni Suz. Oo nga pala. Kahit uminom sila ng maraming A.T ay wala rin itong epekto sa kanila dahil mas mauuhaw pa sila.

"Fresh blood ang kailangan niya." Napunta sa gawi ni Sakira ang tingin ko. "Kung gusto niyo kukuha ako?"

"Sig-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang kagatin ako ng katabi ko sa leeg at sinipsip ang dugo ko.

"Mukhang hindi na pala kailangang maghanap." Ngumisi si Aishel at nag-cross arms din.

Napapikit ako dahil malalim ang pagkakabaon ng mga pangil niya. Hinawakan ko ang braso niya para alalayana siya. Ilang sandali lang ay bumitaw na siya at pinagmamasdan ang kagat niya.

"Mine." Bulong niya at hinalikan ako sa labi. "Mine.."

Napatingin ako kina Aishel at nagpipigil sila ng tawa. Alam kong nakikita nila pagkabigla sa mukha ko dahil sa sinabi ni Sherez.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Nakatingin lang siya sa akin.

Pinagmasdan ko si Sherez at nakapukaw sa akin ay walang buhay niyang mga mata. Nakaramdam ako ng takot at sakit nung makita ko iyon dahil hindi magtatagal ay ganito na niya ako pagmamasdan.

Hindi ko imagine na ang matatamis na ngiti niya ay maglalaho na lang bigla. . .

Tumayo ito at pinagmamasdan lang namin ang bawat galaw niya. Naglakad siya patungo sa pinto palabas ng balcony. Nararamdaman ko ang pagbigat ng buong katawan ko at alam kong hindi lang ako ang nakaramdam nito.

"They are coming..."

Nagkatinginan kami sa sinabi ni Sherez. Sino ang mga tinutukoy niyang parating? Na-out balance si Sherez at agad naman siyang sinalo ni Reilee.

"Umalis na tayo dito." Sabi ni Reilee at hinawakan ang bewang ni Sherez na ikinainis ko.

Tumayo ako at tinanggal ang kamay niya. Hinila ko ito palapit sa akin dahil ayokong may humahawak sa kanya at hindi ako marunong mag-share!

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Where stories live. Discover now