Chapter 16

10.8K 406 36
                                    

*

Sherez' Pov

Nagising ako dahil may humahaplos sa buhok ko. Nang imulat ko ang mga mata ko, si Keira ang una kong nakita. Nakangiti siya habang ang mukha'y nasa taas ng uluhan ko.

"Good morning." Mas lumawak pa ang ngiti niya.

"Good morning din."

Hinalikan niya muna ang noo ko bago nagsalita. "Alam mo bang mas maganda ka pa sa umaga?"

Napailing ako. "Bolera." Ang aga-aga kung ano-ano pinagsasabi niya.

Ngumiti lang siya at bumangon na sa higaan. Kinuha rin niya ang towel niya na napatong sa upuan at pumasok ng Cr.

May pasok pa nga pala kami mamaya. Bigla kong naalala ang phone ko dahil hawa pa iyon ni Keira. Ite-text ko sana si Shy kung ayos lang ba si Reynold kasi nung huling pagkikita namin parang ang tamlay niya.





Nasa classroom ako kasama si Lory. Tinatanong nga niya sa akin kung kami na raw ni Keira pero ang sagot ko lang ay hindi pa. Tama ba ang sagot ko na hindi pa??? May mga bagay pang gumugulo sa isip ko maliban sa sweetness na ipinapakita sa akin ni Keira, tungkol sa CU at sa mga estudyante rito. Alam kong may itinatago sila sa akin at iyon ang gusto kong malaman. At ngayon ko lang napagtanto na malapit na pala akong mag-eighteen. Bakit parang hindi pinaghahandaan ni Dad ang debut ko? Wala rin kaming napag-uusapan sa nanalapit kong kaarawan.

"Sherez?"

"B-Bakit?" Nawala sa isip ko na kasama ko pa nga pala si Lory.

"Pansin ko nitong mga nakaraang araw ay lagi kang may malalim na iniisip. Ayos ka lang ba?" Mahihimigan ang pagkainteresado sa tono ng boses niya.

"Oo, Ayos lang ako." Ngumiti ako para makumbinsi siyang totoo ang sinasabi ko. Parang naghihinala rin kasi siya.

"Hmm.. okay." Umayos siya ng upo bago ulit magtanong. "Gusto mo bang sabay na tayo mag-lunch mamaya?" Gusto ko sanang pumayag kaso naalala kong sabay kami ni Keira maglu-lunch.

"Sorry sabay kasi kami ni Keira maglu-lunch, siguro next time na lang?"

"Sige, aasahan ko yan ah?" sabi niya at ngumiti.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tiningnan ang inbox kong sasabog na sa dami ng text, mostly sa tatlong bestfriend ko. Nakuha ko na nga pala ang phone ko kay Keira at ang hirap ng pinagdaanan ko bago nakuha ito. Pinatalon lang naman niya ako mula 25th floor hanggang ground floor pero joke lang yun. Nilunod lang naman niya ako gamit ang halik niya. Kahit ilang beses ko nang natikman ang lips niya? Hindi ako magsasawa. Naalala ko naman yung kiss ni Reilee sa ilalim ng libo-libong bituin at liwanag ng buwan, parang kinikilig ako kapag naaalala ko yun.

Naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko...

"Sherez, Bakit namumula ka?" Nagtatakang tanong ni Lory sa akin.

"H-ha? M-mainit kasi." sabi ko sabay yuko at binasa ang mga message sa phone ko.

Agaw pansin sa akin ang text ni Shy, medyo weeks na ito at ngayon ko lang mababasa.

Sino yung babaeng kasayaw mo at parang balak mo pang halikan??

Ayan ang nasa message niya at sa tingin ko ito yung time na nasa bar kami ng pinsan ko. Hindi ito in'open ni Shy sa Group chat namin sa facebook. Baka iniisip niyang kasama na ako sa rainbow team? pero kasali na nga ba ako?

May nag-iisang message naman galing sa unknown number ang napansin ko at last week lang.

Malapit na (smile emoji)

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz