Chapter 17

10K 390 17
                                    

*


Nasa labas ulit ako ng CU at wala na ang mga lobo na nag-anyong tao na nandito lang kanina pati sina Keiro. Kasalukuyang naglalaban pa rin sina Keira at ang babaeng nagpanggap na si Reilee. Hindi ko sila makita dahil sa sobrang bilis ng mga kilos nila. Tumalsik si Keira dahil sa lakas ng sipa ng babae sa kanya, ngumisi ito sa akin bago tumakbo para tumakas.

Nakasandal sa katawan ng puno si Keira habang puno ng dugo ang suot na uniform. Kulay pula ang mga mata niya, katulad ng mga mata ni Reilee.

Kusang tumutulo ang mga luha ko habang palapit ako sa kanya. Parang may nakita na akong katulad nito noon pero....

Hindi ko matandaan kung saan at kailan...

"K-Keira..."




"Yes?"

Bigla akong napamulat sa pagsagot niya. Medyo malabo pa ang paningin ko pero naaaninag ko ang babaeng nakaupo sa tabi ng higaan ko. Nang luminaw ang paningin ko ay doon ko lang nakita si Keira. Prente siyang nakaupo habang umiinom sa hawak na tasa. Inilapag niya muna ito sa lamesa bago nagsalita.

"Pati ba naman sa panaginip pinagnanasaan mo pa rin ako?" Tinaas-baba niya pa ang dalawang perfect shaved eyebrow niya.

Bumangon ako at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Sherez, bakit ka umiiyak?" May pag-aalalang tanong niya habang hinahaplos ng malamig niyang kamay ang likod ko.

"A-akala ko kasi.. mawawala ka na." Humihikbi pa rin akong sinagot ang tanong niya.

Mahina siyang tumawa bago punasan ang mga luha ko gamit ang thumb niya. "H'wag ka nang umiyak, ayos lang ako. Tingnan mo? Ang ganda-ganda ko pa rin."

Bumitaw ako sa pagkakayakap at hinawakan siya sa magkabilang balikat niya. Para lang i-check kung ayos lang ba talaga siya.

"Pero.. nanaginip ako at puno ng dugo ang uniform mo, parang totoo talaga eh." Nagsimula na naman pumatak ang luha ko. Parang ayaw nang huminto.

"H-hey... nakikita mo naman na nasa harap mo ako at humihinga pa di ba?" Niyakap niya ako at hinahaplos na ang mahaba kong buhok.

Pakiramdam ko, hindi ko na kayang mabuhay pa kapag nangyari iyon. Baka mabaliw lang ako at magulat na lang ang mga kaibigan ko na nasa headlines ng newspaper ang pangalan ko.

>>Sherez Monica Centrias, nabaliw dahil sa pagkawala ng isang babae...

"Bastos!" Tinulak ko siya at hinampas sa braso. Hawakan ba naman ang pwet ko?

"Sorry, ang cute mo kasi kapag concern ka." Natatawang paliwanag niya. Kulang na lang malaglag siya sa kinauupuan.

"So kailangan pa talagang pisilin?" Sarkastikong tanong ko.

"Uhm.. sorry?" Nag-peace sign pa siya.

"Sorry mo mukha mo!" Tumayo na ako para lumabas kaso agad niya akong niyakap mula sa likod.

"Sorry na ho, ang cute mo kasi... at ito ang unang beses na nakita kita na sobrang concern sa akin. Kinilig ako doon." sabi niya at ibinulong ang huli, sapat na para marinig ko.

So kapag kinikilig ka pala ay nanghahawak ka ng pwet? Ganon?

Humarap ako sa kanya at niyakap siya. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito.

"Gusto mo bang lumabas tayo?" Tiningnan ko siya at ngiting-ngiti naman siya.

"Saan tayo pupunta?"

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Where stories live. Discover now