Chapter 32

7.6K 355 28
                                    

Ang liwanag ng buwan ang tanging liwanag ko sa kadiliman ng kagubatan. Hindi ako napigilang umalis ni Death dahil mas gusto kong kasama si Keira.. Ang babaeng gusto kong makasama ngayong gabi. I just really want to feel her. Malayo pa ako sa CU at malayo na rin ako sa rest house ni Death.

Nahinto ako sa pagtakbo dahil nararamdam kong may mga matang nakamasid sa akin. Inilibot ko ang paningin sa madilim na kagubatan. May mabilis na liwanag ang papunta sa kinaroroonan ko kaya agad akong umiwas. Tumama sa puno ang isang maliit na patalim. May gintong talim ito at may pulang hawakan. Naging alerto ulit ako at naaamoy ko na may warewolf sa paligid. Paano nila nalaman ang kinaroroonan ko?

"Nice to meet you, Sherez Monica Centrias." Napunta sa taas ang tingin ko at may isang babaeng nakatayo sa taas ng puno. May ngisi rin siya sa labi. Tumalon siya para bumaba ng puno. Nang tuluyang makababa ay naglabas siya ng dalawang maliit na patalim sa magkabilang kamay.

Puti ang kulay ng kanyang buhok at kumikinang ito na parang nyebe dahil tumatama rito ang liwanag na nagmumula sa bilog na buwan. Sobrang puti ng kanyang balat kaya parang nagliliwanag din siya sa dilim.

"Sino ka?"

Naglabas ako ng espada at naghanda sa pwede niyang pag-atake ano mang minuto. Tinuruan ako ni Keira kung paano maglabas ng sandata gamit ang sariling kapangyarihan. Sa pakikipaglaban naman ay ibang guardians ang nagsanay sa akin. Naging kulay ginto na rin ang mga mata ko.

"Uh huh—Wanna play with me?" Ngisi niya at sa isang kurap ko lang ay nasa harapan ko na siya. Sa gulat ko ay napaatras ako pero puno na pala ang nasa likod ko at napasandal ako rito. "Full moon ngayon... kaya parehas tayong malakas.."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa espada at sinubukan itarak sa kanya pero mabilis siyang nakailag. Lumayo siya ng kaunti sa akin at nakangisi pa rin siya.

"Sabihin mo nga sa akin." Seryoso lang akong nakatitig sa kanya. "Sino ka ba talaga?"

"Bakit ba interesado ka na malaman ang pangalan ko?" Halatang nag-e-enjoy siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi niya. "Pero dahil sa ikaw ang nagpupumilit?" Mas lumawak pa ang pagkakangisi niya. "Ako si Snow Evans." Hinawi niya ang ilang hibla ng puting buhok na humarang sa mukha niya. Matapos yon ay pinadaan naman sa leeg niya ang kanyang forefinger.

Teka? Ano naman ibig sabihin ng ginawa niyang yon?

"Alam mo, Sherez? Nasa lust state ka ng pagiging Vampire mo.. tama ba?" Humigpit ang hawak ko sa espada at nagtataka kung paano niya nalaman iyon. "Ang gintong mga mata mo ay masyadong madilim..." Mukhang napansin niya ang mga mata ko nung lumapit siya kanina sa akin.

"Ano naman sayo?"

"Do you want me to feed your needs?" Hindi pa rin nawawala ang ngisi niya at dahil sa sinabi niya ay inatake ko siya.

Sinasalag niya ito gamit ang maliit niyang patalim. Hindi ako pwedeng magpalamon sa sariling kapangyarihan at sa lust na nararamdaman ko ngayon. Sa pag-atras niya ay natamaan ko ang damit niya sa bahaging dibdib. Shit! Pumikit ako at kinalma ang sarili ko. Ramdam na ramdam ko na may nagpupumilit na kumawala sa katawan ko.

"Hanggang ngayon, pilit mo pa rin pinipigilan ang sarili mo."

Naramdaman ko ang paghaplos ng mainit niyang palad sa pisngi ko. Dinala ko papunta sa kanya ang talim ng hawak na espada pero agad niyang nahawakan ang kamay ko. Naglaho sa kamay ko ang hawak ko dahil nararamdaman ko ang init na nagmumula sa palad niya.

Unti-unti nang nagdidilim ang paningin ko.


✴Snow Evan's POV

Naramdaman ko na hindi na nanlalaban ang kamay niya sa pagkakahawak ko. Ngumisi ako dahil wala na siya ngayon sa sarili niya.

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang