Chapter 9

13.1K 454 20
                                    

Sherez' POV

Nasa bahay ako ngayon ng one week! Na-miss ko ang sarili kong kuwarto.. Pinasundo ako ni Dad kahapon at buti na lang walang pasok ang CU ng one week. Hindi ko nga alam kung bakit eh.

"Miss Sherez, bumaba na raw po kayo at magbreakfast." tawag ng kasambahay namin

Bumangon na ako at pumasok sa banyo para makaligo muna. Pagkatapos ko ay diretso baba na ako. Maraming nakapalibot na guards sa loob at labas ng mansion. Paniguradong mahihirapan talagang makapasok ang mga magnanakaw.

"Good morning princess, nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong ni Dad matapos kong halikan ang pisngi niya.

"Sobra po at makakapag-bonding kami nina Shy, Claire and Reynold mamaya." sabi ko sabay subo ng pancake na may strawberry syrup. Yummy~

"Kamusta ang buhay mo sa main campus?"

"O-okay lang po"

At lagi po akong pinaparusahan ni Keira ng kanyang nakakamatay na halik. Gusto ko pa sanang idagdag yan pero h'wag na lang baka magwala pa si Dad dito.

"Dad, pwede bang tanggalan niyo na ako ng bantay kapag nasa loob ako ng Campus? Safe naman ako sa loob di ba?" Halatang nag-iisip si Dad sa sinabi ko. "Hindi naman po sa pang-aano pero parang nakakahiya kay Keira na binabantayan niya pa ako. Busy na tao rin po siya." dagdag ko. "At hindi na po ako bata para bantayan pa." pahabol ko pa

Parang nasasakal na rin kasi ako. Bakit kailangan ko pa ng bantay, eh malaki na ako. Kakasilang pa nga lang sa akin may bodyguards na ako at mag-e-eighteen na kaya ako tapos may bantay pa rin? Aba! matindi talaga.

"Dahil sa makulit ka at panatag naman ako. Pumapayag ako."

Nang marinig ko 'yon ay parang nagdiwang ang buong mundo ko. Tumayo ako at yumakap kay Dad mula sa likod.

"Thank you Dad! I love you!" Sabay halik sa pisngi niya.

"I love you too, Princess"

Ilang sandali lang ay nagpaalam na si Dad na papasok ng office. After kong mag-lunch ay hinanap ko ang phone ko sa bag pero na kay Keira pa nga pala. Ang babaeng yon talaga oh! Baka namimiss na ako ng phone ko. Kinuha ko na lang ang laptop at sa facebook ko na lang sila ime-message. May Group Chat kaming apat at nabasa ko naman ang pinag-usapan nila kagabi.

Shy: Baka nakipagtanan na ang loka hahahaha!!

Claire: Wahaha!!! Kaya nga eh, hindi nagpaparamdam. Hoy! Shereng uso magparamdam

Reynold: haha! Grabe naman? Imposibleng makipagtanan si bestfriend natin.

Claire: oo nga pala, walang boyfriend yun Shy! Haha

Shy: text niyo nga si NBSB

Hindi lang nagparamdam sa kanila, nagkipagtanan na agad ako? Grabe talaga sila at dinamay pa ang pagka-NBSB ko! Nag-iwan ako na lang ako ng message.

Mga panget! Bar tayoooo mamaya!!! Sa favorite bar natin. Kita tayo doon. 8pm sharp.

**

Nasa tapat na ako ng entrance ng bar. Pagmamay-ari ito ng pinsan ko kaya kahit 17 pa lang ako ay walang kahirap-hirap akong makakapasok dito. Nakasimpleng black tank top and white short-shorts lang ako. May napansin akong familiar na mukha hindi kalayuan sa kinatatayuan ko na nakatingin sa akin. Pupuntahan ko sana kaso....

"Shereng kailan ka pa nakauwi?"

Huminto ako at tiningnan ang babaeng nasa gilid ko. Nandito na pala sina Claire. Bumalik yung tingin ko sa puwesto nung pupuntahan ko sana kanina pero wala na siya doon. Guni-guni ko lang siguro?

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Where stories live. Discover now