🌒 Chapter 3

16.9K 603 17
                                    


Inaantok pa ako habang naglalakad sa hallway. Fourth day ko na sa klase ngayon pero nakakatamad pa rin pumasok. Naaasiwa talaga ako sa suot ko. Nakasuot na nga ako ng uniform? Kailangan ko pang mag-suot ng cloak at hindi lang yon, nakasuot pa ako ng black leather gloves. Kung hindi ko kasi ito susuotin ay mamumukod tangi ako. Lahat ng estudyante rito ay ganito ang suot. Kahit nasa loob ng classroom ay suot pa rin nila at ibinababa lang nila ang hood nito. Sobrang creepy at weird nilang lahat.

Humikab ako at ibinaba ang hood ng suot kong cloak. Pakiramdam ko tuloy napapabilang ako sa mga grupo na gumagawa ng itim na ritwal, dahil sa suot ko.

"Pinagod ka ba ni Keira?"

Napalingon ako sa isang babaeng may pulang buhok na sumabay sa akin sa paglalakad. Pwede pala magpakulay ng ganyan? Sino naman kaya 'to? "I'm Suzaine Brooklyn. Nice to meet you, Sherez." Nabasa niya ata ang nasa isipan ko pero paano niya nalaman ang pangalan ko?

"Hi? Uhm... Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Anak ka ng may-ari ng Centrias University at ipinakilala ka rin niya sa amin sa loob ng Guardians' room, five days ago." Ah, iyon pala ang tawag sa silid na yon? Yung puro torch lang ang nagbibigay liwanag.

"Wait, ano ibig mong sabihin sa 'pinagod ka ba ni Keira'?" Nahinto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Napansin ko na parang may pag-aalinlangan ang ngiti sa mga labi niya, habang nakatingin sa likuran ko.

"Ah.. haha wala yon. Sige mauna na ako b-bye."

Patakbo siyang umalis kaya na-curious naman ako. Pagkaharap ko sa likod ay si Keira ang bumungad sa akin. Nakataas pa ang kaliwang kilay.

"Di ba ang sabi ko hintayin mo ako at h'wag kang lalabas ng silid na hindi ako kasama?" Lagi siyang ganyan kapag tumatakas ako. Sa loob lang naman ako ng University kaya ligtas ako. Ano bang ikinakatakot niya?

"Ang dami mong sinasabi." Nagsimula na akong maglakad ulit at agad naman siyang sumunod.

"Ang tigas ng ulo mo."

"Ano ba kasing masama kung maglakad ako mag-isa sa loob ng University?" Tanong ko. Naghihintay ako ng sagot pero wala akong nakuha. Nadako ang tingin ko sa isang lalaking nakasandal sa pader at... "Bakit nagliliwanag ng kulay pula ang mga mata niya?" Bulong ko.

Napansin kong nalipat ang tingin niya kay Keira. Yumuko siya at nang umayos ng tayo ay kulay itim na ang mga mata niya. Nagmamadali itong naglakad palayo sa amin.

"Tara na."

Napakamot na lang ako sa ulo at sumunod sa kanya. Lagi kaming sabay pumasok at hinahatid niya pa ako sa room ko. Sa College Of Engineering ako, habang siya ay sa Architecture. Magkaibang building nga kami pero hinahatid pa rin niya ako.

*

*

*

Halos lahat ng estudyante rito sa canteen ay nakatingin sa akin. Napansin ko rin na halos lahat sila ay umiinon ng red liquid, na nakalagay sa isang wine glass. Hindi ko alam kung ano iyon. Juice? Red wine? Pero parang kakaiba kasi ang kulay.

Nadako ang tingin ko sa hawak ni Keira, katulad sa iba ang iniinom niya. Nakaupo siya sa tapat ko.

"Bakit?"

"Ano ba yan? Iced tea?" Tinuro ko pa ang hawak niya. Nagkibit-balikat lang siya sa akin.

Ang ganda ng sagot.

"Gusto ko rin tikman. Nakaka-curious kung ano ang lasa."

"Hindi puwede."

"Bakit?"

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Where stories live. Discover now