Chapter 24

8.9K 358 9
                                    

Sherez's Pov

Tinungo ko ang glass house kung saan madalas na naglalagi ang mga Guardians. Nakaupo sila at nagku-kuwentuhan. Napansin ko agad na may benda sa kaliwang braso si Seba.

"Hi! Sherez!" Masiglang bati niya. Kumakaway-kaway pa nga siya gamit ang isang kamay niya.

"Seba, yung boses mo!" Inis na saway sa kanya ni Suzaine.

"Masama bang matuwa dahil nandito ang Prinsesa natin?"

"Gumalang ka pa rin."

"Seba, anong nangyari sa braso mo?" Lumapit ako at pinagmasdan ang braso niya.

Tumahimik silang lahat na nandito sa loob at hindi ko nagustuhan iyon.

"N-nung nakikipaglaban ako sa mga Wolf, doon ko nakuha." Sagot niya. Parehas silang dalawa ni Keira?

"Sigurado ka?" Paninigurado ko pa, parang hindi ako convince sa sagot niya.

"Oo, bakit?"

"Wala lang."

Inilibot ko ang paningin ko sa loob. Wala sina Keira at Reilee, magkasabay kasi silang nawala.

"Uhm... babalik na muna ako sa dorm." Sabi ko at naglakad na papunta sa pinto nung makarating ako ay lumingon ako sa kanila at lahat sila nasa akin ang atensyon. "Sino ba talaga ang nagbigay ng malaking sugat sa likod ni Keira?"

Tiningnan ko ang magiging reaction nila. Hindi sila makatingin at halata na may itinatago sila sa akin. Lumabas na ako dahil wala naman akong sagot na makukuha sa kanila.

Dumeresto ako sa fountain at pinagmasdan ang tubig habang nakapatong sa gilid ang mga kamay ko. Pilit kong inaalala ang mga nangyari nung araw na yon pero wala talaga akong matandaan. Gusto ko nang pigain ang utak ko para may maalala ako kahit kaunti pero wala talaga.

"Hanggang ngayon iniisip mo pa rin ba ang mga nangyari nung araw na yun?"

"Oo at kahit anong gawin ko ay wala talaga akong maalala." Sagot ko kay Suzainena sumunod pala sa akin.

"O-oy! kalma lang." Pigil niya sa mga kamay ko dahil may itim na apoy ang unti-unting lumalabas kaya agad akong napabitaw sa hinahawakan ko.

"Natatakot na akong lumabas ang kapangyarihan ko. Dahil kapag nagising na naman ako ay wala na naman akong matatandaan."

"Makakaya mo rin kontrolin ang sarili mong kapangyarihan, tiwala lang." Tumango ako.

Sana...


***

"Sherez! Saan ka pupunta?" Naglalakad papunta sa pwesto ko si Reilee.

Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayon. Dalawang linggo ko rin siyang hindi nakita dahil magkasabay silang nagwala ni Keira. Nasa parking lot ako at pasakay na sa kotse.

"Sa isang kaibigan ko..."

"Who?" Biglaang tanong niya

"Childhood friend, sige mauna na ako" pumasok ako sa loob. Hindi na nila ako napipigilan sa lahat ng gusto kong gawin "Wag kang susunod" ang huling sinabi ko bago pinaandar ang kotse.

Alam kong susunod siya kaya inunahan ko na. Gusto ko malaman ang sagot sa tanong ko kagabi. Dahil kung dito lang ako magtatanong ay walang sasagot non.

Nasa tapat na ako ng bahay niya at yung mga guards na nandito ay tao at hindi wolf. Pinagbuksan ako ng gate dahil kilala nila ako at lagi ako pumupunta dito dati nung hindi ko pa alam na si Shy at Death ay iisa.

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon