Chapter 44

5.8K 254 25
                                    

Sherez's POV

"Zereth..."

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko. Nakakarinig din ako ng pagbagsak ng tubig na nanggagaling sa mataas na lugar.

Ang una kong nasilayan ay si Death nang tuluyan ko nang maimulat ang mga mata ko. Nakaluhod siya sa harapan ko habang hinahaplos ang kaliwang pisngi ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid at doon ko lang napagtanto kung nasaan kaming dalawa. Nasa ilalim kami ng isang malaking puno na matatagpuan malapit sa talon.

"Ano nangyari?" Nagugulumihan na tanong ko dahil hindi ko matandaan na huminto kami rito.

Saglit niya akong pinagkatitigan. "Habang naglalakad tayo ay bigla ka nalang nawalan ng malay at tingnan mo kung ano ang nakita ko." Itinaas niya ang isang maliit na karayom at sa itsura nito ay alam ko na kung kanino ito galing. "Nakita ko itong nakatusok sa kanang braso mo at sa kulay pa lang nito..."

"Yeah, kay Yuri galing iyan." Sagot ko kahit na wala pa siyang itinatanong.

Hindi ko man lang naramdaman na natamaan pala ako. Ang disenyo ng karayom ni Yuri ay maihahalintulad sa pangkaraniwan na karayom pero ang kulay nito ay asul.

Umalis na siya sa harapan ko at umupo sa tabi ko. "Paano niya ito nailagay sayo?" Hawak niya ang karayom at pinagmamasdan ito. "Nagkaharap ba kayong dalawa kanina?" Pagkatapos nito ay lumingon siya sa akin.

"Oo at hindi siya nag-iisa dahil kasama niya si Natsumi. Maaaring nalagyan ako nung paulanan niya ako ng mga karayom nang tinangka kong sugurin si Natsumi."

Mabuti na lang ay nakaalis agad ako dahil kung hindi? Paniguradong wala ako rito ngayon sa tabi niya.

Pinagmasdan ko si Death nang mapansin ang pananahimik niya. "Bakit?"

"Bakit mo ako pinigilan?"

Seryoso ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Hindi ko inalis ang pagkakatitig sa kanya bago sagutin ang tanong niya.

"Dahil..."

Masasaktan siya kung itutuloy ko ang sasabihin ko.

"Dinadala niya ang anak mo."

Napatitig ako sa kanya at seryoso pa rin ang mga mata niya. Kahit hindi man ipakita ng mga mata niya, alam kong nasasaktan siya.

"Death..." Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ang noo niya. "Ayokong... Mawalan ulit ng anak." Hinawakan ko ang pisngi niya at sinimulang haplusin ito. "Ang naramdaman ko kanina ay parehong-pareho sa naramdaman ko noon bago kayo nawala sa akin."

Walang salita ang lumabas sa bibig niya. Nakatitig lang din siya sa akin at parang binabasa ang mga mata ko.

"I'm sorry..." Bahagya niyang kinagat ang ibabang labi niya. "Bumalik ang sakit ng nakaraan dahil sa ginawa ko."

Ngumiti ako at sinimulang haplusin ulit ang kanang bahagi ng mukha niya. Wala pa rin ipinagbago dahil parang kahapon lang nung unang beses kaming nagkita. Ang berde niyang mga mata at katangian na tinataglay ang bumihag sa akin.

"Kailangan ko nang umalis."

Tatayo pa lang sana ako pero napaupo rin ulit. Parang hinihila ulit ako na matulog.

"Hindi pa rin tuluyang nawawala ang bisa ng pampatulog sa karayom niya na tumusok sayo." Pahayag ng katabi ko. Tama siya. Nararamdaman ko ang paninigas ng kanang braso ko. "Alam niya ang tungkol sa dinadala ni Keira." Tinitigan ko lang ang mga mata niya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Mangyayari ulit ang ginawa niya noon sa amin para makuha ang isang bagay na matagal na niyang gustong makuha."

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Where stories live. Discover now