Move One

11.9K 220 46
                                    

Chapter 1

 

Nakakalungkot talaga minsan sumakay ka sa jeep lalo na kung ikaw lang mag-isa tapos may katabi kang lovers, pang-emo yung kanta, umuulan pa, dagdag effect yung raindrops na tumatama sa bintana sabay makikita mo yung pangalan niya sa daan (example: mga pangalan ng store), ang masaklap pa, pati number ng anniversary niyo, makikita mo pa sa plate number ng sinasakyan mo. Tapos traffic pa. Sobra na yata ‘to a!

“Kristen! Nako best! Kanina pa kami naghihintay dito! Ang tagal mo.”, bungad sa akin ni Denise, isa sa mga barkada ko.

“Eh, sorry naman. Traffic e. Saan na nga pala sila?”

Hinila ako ni Denise papunta kina Angela, Brian at Jasper, mga iba pa naming mga barkada.

Bago pa magsalita ang tatlo naming barkada, inunahan ko na sila. “WORLD OF FUN?! Anong gagawin natin dito?!”

“Maglalaro tayo. Napansin kasi naming ilang buwan ka nang malungkot kaya dito ka namin dinala. Mag-enjoy ka naman!”, sabi sa akin ni Angela tapos hinila na nila ako paloob.

“Eh pano kung ayaw ko?”

“Wala na. Nakapasok ka na. No choice! Maglalaro tayo!”, sabi sa akin ni Brian.

“Libre ko yung tokens. Dapat maubos lahat yan. Lalo ka na Kristen”, inabot sa akin ni Jasper yung binili niyang token. Aanhin ko naman ito?

Di naman kasi ako bata e. Tss.

Humiwalay sa amin yung mga lalaki. Maglalaro daw sila ng Tekken at yung Xbox kaya sina Denise at Angela na lang ang kasama ko ngayon.

At dahil nga childish itong dalawang kasama ko ngayon, napilitan nila akong palaruin ng basketball, ng hockey, at yung driving na game. Medyo nakakapagod pero inaamin ko, nag-eenjoy na rin ako.

“Angela! Denise! Dito tayo maglaro!”,pinunta ko sila dito sa may malaking touch screen na TV, hindi ko maintindihan yung pangalan kasi Chinese naman yung pagkasulat. Basta ang pagkakaalam ko, babatuhin ng bola lahat ng makikita mo sa TV na yun.

Nilagay ko na yung token ko at nagsimula na yung laro. Nasa tabi ko lang sina Angela at Denise na pinapanood lang akong maglaro.

“Hayan! Yan ang dapat sa’yo! Mabukulan! Bato pa! Letch emo! Buti sa’yo! Deserve mo yan.”, sigaw ko. Kailangan ko kasing mabato lahat ng mga cute na hampas lupang makukulit na hamsters sa TV na ‘to!

“Miss, pakihinaan naman po yang pagbato sa TV, tumatalsik na po yung mga bola o”, pakiusap sa akin nung isang trabahador sa WOF habang pinupulot niya yung mga bolang nahulog dahil sa pagbato ko. Ganon na ba ako ka-brutal? Napatigil naman ako ng narinig ko sina Angela at Denise na tumatawa.

What? Naglalaro lang naman ako.

 

~*~

“Hindi rin halata na bwisit na bwisit ka na ano Kristen? Anim na tao ang natamaan mo ng bola ng basketball kanina, yung hockey, muntik mo ng masira, tapos yang touch screen na TV naman ngayong ang babasagin mo?”, natatawang sabi ni Denise habang kumakain na kami ngayon sa isang fast food chain.

“Ano ka ba Denise, kunwari si Kyler daw yung mga hamsters kaya—“, biglang tinakpan ni Denise yung bibig ni Angela para mapatigil na siyang magsalita. Pero, wala e. Narinig ko na e.

My Sway, His Moves (COMPLETED)Where stories live. Discover now