Napalunok ako ng sunod sunod dahil sa six pack abs niya na panay ang usok sa harapan ko, shit ang ganda kasi parang ang sarap hawakan. Hindi naman sa ngayon lang ako nakakita niyan, si Stephen may abs din yon pero hindi kagaya ng kay Andres na talaga namang mukhang pinaghirapang ma-achieve mga teh.

Nabigla ako nang dumapo ang palad ni Andres sa mukha ko at parang ginulo gulo iyon. "Tulo na laway mo." Pang aasar niya saakin na nagpapula sa mukha ko! Hinawi ko ang kamay niya atsaka hinampas ko siya ng paper bag sa tiyan pero hindi manlang siya nasaktan! Umupo lang ulit siya sa sofa.

"Hoo! Grabe inet!" Sigaw ko atsaka pinaypayan ko pa ng kamay ko ang sarili ko. "Komedyante ka Vana." Malambing na sabi niya.

"Lakampake Andres ha! Umakyat ka sa taas at magbihis ka!" Sigaw ko sakanya, ngumisi naman siya at diretsong tumungga ng beer napansin kong yun yung beer ko. Shit, indirect kiss yun ah!

"Bakit?" Parang mas lalo pa niya akong inaasar dahil alam niyang nanghihina ang tuhod ko sa bwisit na katawan niya.

"Isa Andres!" Bilang ko.

Tumayo naman siya habang panay ang tawa, "Alright, magbibihis ako. Mag isa lang ako dati dito sa bahay kaya h'wag kang magulat kung isang beses makita mong nakahubad lang ako." Mapang asar na sabi niya na mas lalong nagpainit sa buong mukha ko.

"Gosh..kadiri siya swear!" Sigaw ko sa sarili ko, tumakbo naman ako sa kusina para maghilamos sandali dahil ang lagkit nung beer, napakabastos nung lalaki na yon.


Pagkabalik ko sa sala nandun na ulit siya, panay ang ngisi niya saakin dahil alam niyang napahiya ako sa kanya. Lintik na lalaki ito.

Umupo na ulit ako sa sofa at nagbukas ng bagong beer, mukhang kumuha siya kanina dun sa ref nung naghihilamos ako.

"Pero seryoso, broken hearted ka ba? Kasi nag inom ka na sa labas kanina, tapos ngayon nag iinom ka nanaman." Pangungulit ko sakanya, tumingin siya saakin at ngumisi. Kainis yung mata niya lalong sumisingkit kapag tumatawa siya.

"Purket ba umiinom broken hearted na agad?" Natatawang tanong niya saakin, nagkabikit balikat nalang ako sakanya. Kasi ako nag iinom ako kapag nararamdaman ko yung kirot ng puso ko, kapag naaalala ko yung ginawa saaking pagpapaasa ni Stephen at kapag namimiss ko si Mama. Bumuntong hininga ako at napapitlag ako nang batuhin ako ni Andres ng throw pillow.

"Ikaw yata ang broken hearted, kung makabuntong hininga ka diyan." Puna niya saakin, tinignan ko siya ng masama.

"Hoy Andres hindi tayo close para asar asarin mo ako ha! May kasalanan ka pa saakin." Naiinis na sabi ko sakanya, totoo naman kung pagsabihan niya ako akala mo Daddy ko siya, kumunot ang noo niya.

"Ano naman yun?" Natatawang tanong niya.

"Hindi mo alam?!! Pinagalitan mo ako na parang Daddy kita!" Sigaw ko sakanya, sumeryeso ang mukha niya at umiling iling siya.

"Hindi ako magsosorry Vana, para sayo din ang mga sinabi ko." Sumeryoso nanaman ang boses niya, grabe lang ang manly kasi ng boses niya naisip ko tuloy ano kayang tunog ng boses niya kapag nagmo-moaned? Kasi alam niyo yung mga pinapanood ng Kuya ko na porn grabe lang ang sexy ng boses nung lalaki, siguro ganun din si Andres. Hindi naman sa gusto kong marinig ha! Nacucurious lang ako.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Where stories live. Discover now