"Kumain ka na." Mahinahon na ngayon ang boses niya, pero napansin kong nanatili lang siyang nakatingin saakin at mukhang walang balak kumain.

"Akala ko ba tayo ang kakain? Bakit mukhang ako lang?" Reklamo ko sakanya. "Sige na kumain ka na, busog pa ako." Sabi niya atsaka ngumuso para ituro ang pagkaing sinandok niya para saakin.

Padabog kong binitawan ang kutsara at humalukipkip. "Ayoko, mag isa lang akong kakain?!" Pagmumukmok ko, mas lalong lumalim ang titig niya saakin pero sa huli ay tumayo din siya at tumungo sa kusina.

Pagbalik niya may dala siyang isang kutsara, tumabi siya saakin at inilagay niya sa gitna namin ang plato. "Alright, sasabayan kita." Malamig na sabi niya atsaka nauna nang sumubo ng pagkain.

Tahimik kaming kumain at siya na rin ang naghugas ng pinggan dahil baka abutin nanaman daw ako ng siyam siyam. Nakita kong kumuha siya ng beer sa ref niya.

"Pwedeng humingi?" Tanong ko sakanya, kumuha siya ng isa atsaka ibinato saakin na kaagad ko namang nasalo, dumiretso sa sala at doon nag inom.

Naglakad ako palapit sakanya, syempre mabait pa rin naman ako nakukonsensya ako sa ginawa ko kanina. "Sorry." Bulong ko, nag angat siya ng tingin saakin at kitang kita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya dahil sa paglunok niya, yung labi niya medyo basa dahil sa beer. Gosh, bakit ba ang sexy nitong lalaking 'to?

"It's alright Vana, mabuti yung ganyan marunong kang magsorry." Mariin na sabi niya atsaka tumungga ulit ng beer. "By the way, binili kita ng damit." Sabi niya nang hindi manlang tumitingin saakin, napanganga ako!

"A-akala ko ba papaayos mo yung kotse mo?" Usisa ko sakanya, "Napaayos ko na, kawawa ka naman kaya binilhan na kita." Sabi nia atsaka ngumuso siya sa kabilang sofa at nakita ko ang tatlong paper bag doon na may kilalang brand ng damit! Kaagad kong binuksan iyon at halos mapanganga ako sa ganda nito! Gosh! Bakla ba siya? Bakit ang ganda niya pumili ng damit?

"T-teka, ikaw ba ang pumili nito?" Tanong ko sakanya na nagpakunot ng noo niya. "Kung ayaw mo ibalik mo saakin ibibigay ko sa kapatid ko." Ang sungit talaga niya nakakainis. Pero sabagay may mabuting puso din naman pala siya.

"Nagtatanong lang naman ako, ang ganda kasi." Bulong ko. "Ako ang madalas pumili ng damit ng kapatid ko kaya alam ko kung anong bagay sayo, hindi purket lalaki ako wala na akong nalalaman sa mga trip niyong mga babae. Ingatan mo yang mga damit na yan." Paalala niya, napapansin ko sakanya masyado siyang maingat sa mga bagay samantalang ang yaman yaman naman niya, tapos pansin ko din yung ibang gamit niya dito wala manlang gasgas.

Binuksan niya ulit yung isang can ng beer at tinungga iyon. "Broken hearted ka ba?" Usisa ko dahilan para maibuga niya sa mukha ko yung iniinom niyang beer! Nanlaki ang mata niya.

"Ang bastos mo Andres!!!" Inis na sigaw ko sakanya! Kaagad siyang tumayo at laking gulat ko nang hubarin niya ang suot niyang tshirt atsaka ipinunas sa mukha ko iyon, grabe ang bango ng tshirt niya ang sarap singhutin! "Tss, sorry. Kung ano ano kasing tinatanong mo." Suway niya saakin pagkatapos punasan ang mukha ko, amoy beer na ako na may halong pabango ni Andres dahil sa tshirt niya.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Where stories live. Discover now