"Mag ingat po kayo Ma'am, mamimiss ko po ang pag uwi niyo ng hating gabi." Tumatawang sabi nito mas lalo akong naiyak ang sama sama ni Kuya, pagkatapos ko siyang ilibre ng starbucks na kape gaganyanin niya ako. "Fck you Kuya! Pakamatay ka na!" Sigaw ko sakanya, "Sorry po Ma'am hindi pa ako pwedeng mamatay tatlong anak ko ang binubuhay ko."

"Lakompake!" Sigaw ko atsaka nagmartsa na ako palabas ng subdivision, hindi ko akalain na magiging ganito ang buhay ko dahil lang sa pagbibiro ko kay Dad na hanapan niya ako ng asawa.

Lesson learned: H'wag kang magbibiro sa Daddy mo dahil maaaring totohanin niya ito.

Pumara na ako ng taxi at sa ayaw at sa gusto ko ay sinabi ko ang lugar kung saan nakatira si Andres, panay ang ngitngit ko dito sa back seat habang nakikinig ng radio si Manong driver. Nang makarating na ako sa tapat ng bahay ni Andres bukas pa rin ang lahat ng ilaw nito. Tinignan ko ang metro, one hundred twenty iyon, kinuha ko ang wallet ko at halos lumuwa ang mata ko nang makita kong buong two hundred nalang ang laman nito at puro credit cards, nasapo ko ang noo ko nang maalala kong nakahold na lahat ng cards ko.

Ibinayad ko na kay Manong ang two hundred at mukhang ayaw niya akong suklian. "Manong sukli ko?" Untag ko, "Ay Ma'am keep the change nalang." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya! Iyon nalang ang pera ko tapos gusto niya pang kuhanin ang sukli? Ano siya sinuswerte!

"Hindi pwede Kuya!" Sigaw ko, "Eh Ma'am kayo palang po ang pasahero ko." Malungkot na sabi nito na mas nagpalaki sa mata ko, narinig ko na kanina yon. Ugh! Naisahan ako nung isang driver na yun ha! "Lakompake! Amina ang eighty pesos ko!" Sigaw ko, padabog namang ibinigay saakin ng driver iyon atsaka bumaba na ako.

"Kuripot." Narinig kong bulong nito, "Hindi  ako kuripot!" Pagngingitngit ko atsaka itinalpak ko na ang pinto  ng taxi.

Huminga ako ng malalim dahil nakalock na ang gate ni Andres, ayokong matulog dito sa kalsada kaya kahit labag sa loob ko nagdoor bell ako ng sunod sunod, mga ilang minuto din bago bumukas ang pinto at iniluwa noon si Andres na nakapajamang itim pero nakatopless, gosh natutulog siya ng ganyan? Paano kung gapangin ko siya, hmp. Joke lang yon, hindi ko siya gagapangin hope to die.

Humalukipkip siya at naglakad palapit sa gate na hindi inaalis ang titig sa mga mata ko. "Ginagawa mo dito? Akala ko ba uuwi ka na sa Daddy mo? Bakit hindi mo manlang sinabi na kumuha ka lang ng damit." Nakangising sabi niya, tinignan ko siya ng masama at ngumuso ako.

"Buksan mo na." Pakiusap ko sakanya. "Bakit ko bubuksan? Diba lumayas ka na dito?" Hindi pa rin naaalis sa mukha niya ang pag ngisi niya, napaatras ako nang humawak siya sa gate at inilapit ang mukha, naamoy ko kaagad ang mabangong katawan niya. "Pinalayas ka ng Daddy mo ano?" Pang aasar niya saakin, hindi ko alam kung bakit nagtayuan ang balahibo ko sa batok dahil sa init at bango ng buga ng hininga niya. 

"Lakompake!" Sigaw ko sakanya.

"Okay. Tulog ka jan." Natatawang pang aasar niya, napaungol ako sa sobrang inis! "Oo na sige na! Pinalayas na niya ako, kaya papasukin mo na ako!" Sigaw ko sakanya, pero mas lalo siyang ngumisi ng mapang asar. "Mag please ka muna Vana..." Malambing na sabi niya.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Where stories live. Discover now