STBFL: Chapter 2

Começar do início
                                    

"Dad, ang hilig mo sa cliche stories. Pwede b--"

"Pwede bang umuwi ka na sa fiance mo." Putol ni Dad sa sasabihin ko na naging dahilan para mapanganga ako. Pinapalayas na talaga niya ako? Sunod kong nakita na bumaba si Kuya Diel at Kuya Kiel na mukhang may lakad.

"Sige na Vanalein, gusto ko ng magpahinga. Ipapasara ko na ang gate, please go  home." Pakiusap ni Dad, napakurap kurap ako. Nabibingi na ba ako? Bakit ganun ang mga naririnig ko kay Dad? 

"Kuya! Pinapaalis ako ni Dad!" Pagsusumbong ko dahil alam kong sila ang kakampi ko everytime na pinapagalitan ako nito pero ngumisi lang saakin ang dalawang kapatid ko. "Go home princess." Malambing na sabi ni Kuya Diel na nagpalaki  sa mata ko!

"Lea, kuhanin mo ang bag ni Vanalein sa kwarto niya." Utos ni Dad at kaagad kumaripas sa taas si Lea,  napalunok ako ng sunod sunod at umiling iling ako dahil hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasasabi nila!

"Dad! Magtitino na ako promise!" Nanginginig ang boses ko sa pagsasalita, "No Vanalein, napag usapan nanamin ito ng mga kapatid mo at pumayag sila atsaka isa pa tumatanda ka na, you are twenty five years old kailan ba ako magkaka-apo sayo. Si Diel palang ang nakakapag bigay saakin ng apo." Mahinahon na sabi ni Dad, unbelievable! Twenty eight years old na si Kuya Diel kaya naman may asawa at anak na yan, si Kuya Kiel naman ay twenty six. Twenty five? Matanda na ba yon? Ang bata bata ko pa kaya!

"Dad..sige na ipatapon mo nalang ako sa America! H'wag lang sa lalaking iyon." Suhestiyon ko, tama! Dun sa America may bahay at lupa kami doon at isa pa nandon ang Lola ko syempre hindi naman yun papayag na magtrabaho ako dahil ako ang nag iisang anak  na babae nila Dad.

"I'm sorry anak." Lumapit saakin si Dad at hinalikan nito ang noo ko, napapikit ako dahil ngayon nalang ulit ako nilambing ni Dad ng ganito at sa mismong pagpapalayas niya pa saakin.

Inabot ni Lea ang back pack ko, shocks ang kaunti ng damit na ibinigay nila saakin! Paano na yung mga branded kong damit? Nakakainis talaga.

Hinawakan ni Dad ang magkabilang balikat ko, "Two months hija, kapag ayaw mo  talagang mag asawa maiintindihan ko." Sabi ni Dad atsaka ipinagtulakan niya ako palabas ng bahay namin, si Kuya Diel at Kuya Kiel naman ay lumabas.

"I-ihahatid niyo ba ako?" Nakikiusap ang boses ko. "Hindi, may lakad kami eh." Ngumingising sabi ng dalawang kapatid ko, nakakabwisit talaga sila! Paano nila nagagawa saakin ito? Yung ibang magulang nga ayaw pa nilang magka asawa ang mga anak nila kahit sa ganitong edad, samantalang ako kulang nalang ipabuntis na ako ni Dad sa lintik na Andres na yon!

"Take care 'cause I care." Mapang asar na sabi ni Kuya Kiel saakin hinampas ko naman sakanya ang dala kong back pack pero mabilis siyang sumakay ng kotse niya at pinaharurot na iyon. Muli akong tumingin sa pinto ng bahay na ngayon ay nakasara na, I really hate you Dad...ang sama sama ng ugali mo to the highest level.

Maluha luha akong naglakad pero naagaw ng mata ko ang kulay pulang ferrari ko, nakakadena ang bawat paligid non at ang gulong para siguro hindi ko maitakas, nakakainis ang hirap ko na. Lumabas ako ng bahay namin at kaagad akong pinagsarahan ng guard namin ng gate.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora