CHAPTER 77

1.8K 29 0
                                    

"Anei Stymaeson Povs"

Maraming nag-daang pagsubok sa amin. Hinarap at ito'y nilagpasan. Kinaya ang mga problema. Aminin natin na mahirap ang mga problemang dumadating pero kinakaya.

Ilang buwan ang lumipas. Maraming nag-bago. At patuloy ang masasayang araw pero di mawawala ang mga pag-subok na dapat harapin.

Simula ng makilala at makaharap namin ang EXO, maraming nagbago. Pero lahat ng yun ay may naidulot na magandang pangyayare.

Akalain mo namang ang mga FAMOUS na kagaya nila ay napansin pa kami noon kung saan kami ay mga NERD. Nakakatuwang isipin at balikan ang mga araw. Ang mga alaala na nakilala namin ang isa't-isa.
Chydrick? Bumalik sya papuntang Korea. Para daw makapag-move on. Masakit kasi lumayo sya ng dahil sa akin. Pero kasama nya ang kaibigan nyang si Alisa. Sana mahanap na nya ang taong dapat para sa kanya at kukumpleto ng buhay nya. Pero sa tingin ko nahanap na nya yun sadyang hindi lang nya makita.

***

Naramdaman ko na lang na may pumitik sa noo ko. Aray!

Tiningnan ko sya ng masama habang sya naman ay nakangiti.

"Tulala ka dyan"-Xiumin

"Pake mo!"-ako

Tumabi sya at inakbayan ako.

Natutuwa ako kapag nakikita ko ang mga kaibigan ko na successful sa lovelife nila. Masaya akong makita silang masaya.

Nasa may park kami. Naisipan kasi naming mag-picnic. Bonding daw. Halata naman sa kanila na masaya sila ngayong araw lalo na yung mga kaibigan kong malapad ang ngiti abot hanggang tenga.

Napatingin naman ako sa direksyon nila Luhan at Jhai. Napangiti naman ako. Kasi alam kong kahit papano natutunan na ring mahalin ni Luhan si Jhai. Kung tutuusin di naman dapat matutunan ang pagmamahal kasi nararamdaman yun.

Ramdam kong pinatong ni Xiumin sa balikat ko ang ulo nya.

"Papatong lang"-Xiumin

Hinayaan ko na lamang sya.

Tiningnan ko sya at di ko namalayan napangiti na lamang ako. Natatawa na lang ako sa isipan ko kapag inaalala ko kung ano ang ugali nya noon. Tanggap ko kung ano sya kasi mahal ko sya.

"Ampogi ko talaga. Nahuhumaling ka na naman sa akin"-Xiumin

Nakapikit nyang sabi. Loku talaga!

Maya-maya lang naisipan naming lahat na mag take ng picture. Kaya lahat kami ay pumwesto. Andami namin at mukha kaming isang buong mag-anak na nag-reunion lang.

Inaayos naman ni Sehun yung timer.

"Okay na ba ang lahat?"-Sehun

Lahat kami ay tumango bilang sagot.

Kaya naman pinindot nya na at sabay takbo sa tabi ni Jhenica para pumwesto.

"Say We Are One!"-Suho

"We Are One!"

Sigaw naming lahat sabay ang pag-flash ng camera.

The End~



Famous Boys Meets Beautiful Nerdy GirlsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt