CHAPTER 26

1.6K 36 0
                                    

"Luhan Chan POVS"

Nung thursday sinasadya kong ipakita sa kanya na may kasama akong babae sa room ko. Friday ng sinabi ko sa kanya na may iba na akong minamahal na hindi na sya ang minamahal ko at nakipag-break ako sa kanya at nalaman ko rin na bumalik sya sa Pilipinas matapos kong sabihin sa kanya yun. Alam kong nasaktan sya dun kaya siguro nag-pakalayo sya. Sabado naman kung kelan ko sya sinaktan ng lubos na nag-sent ako sa kanya ng picture na nag-halikan kami nung babaeng di ko naman talaga totoong mahal. Yun din yung araw na nag-kunwari ako na masaya nung nakausap ko sila Sehun sa Skype. Hayy!

Kasalanan ko naman kung bakit ako ganito ngayon. Ako naman kasi yung bumitaw sa kanya. Ako ang nagpalayo sa kanya. Pinalayo ko sya sa pamamaraang di naman totoo. Sinaktan ko sya sa pagkakaakalam nya na yun ang pinaniniwalaan nya na akala nya yun ang totoo. Bakit ba kasi ganito ang naging sitwasyon namin?

[Room]

Monday ng hapon ngayon. Nandito ako ngayon sa kwarto ko nagmumokmok at umiinom ng alak. Nagpapakalunod sa sakit ng nararamdaman ko. Nag-iisa sa sa isang sulok kung saan kasama ko ang alak. Maya't-maya ay umiiyak.

Habang nasa sulok ako at umiinom ng alak ay narinig ko naman bumukas ang pinto. Nakita ko naman na pumasok sila Lay at Tao sabay upo sa tabi ko.

"Lulu, tama na yan. Ilang araw kanang ganyan eh! "-Lay

"Oo nga Lulu. Ikaw naman ang nagpalayo sa kanya. Alam kong mahal mo pa sya pero alam naman namin na ayaw mo syang masaktan pagnalaman nyang naka- arranged marriage kana sa ibang babae na hindi mo naman mahal."-Tao

"Bakit kasi ganito ang sitwasyon namin? Bakit? "-Ako

Sabi ko na habang lumuluha na naman.

"Tadhana talaga siguro yan Lulu."-Tao

"Nasaktan ko sya na akala nya ay totoo yung mga pinakita ko at sinabi sa kanya."-Ako

"Alam namin ang totoo Lulu. Iba ang dahilan mo kaya pinili mong ilayo sya sa pamamaraang di naman totoo kesa masaktan sya ng lubusan pag nalaman nyang naka-arrange marriage kana. "-Lay

"Engot ko kasi eh!"-Ako

Sabay hampas sa noo ko.

"Tama na yan. May nasasaktan din Lulu di lang si Erza at ikaw. Yung babaeng minamahal ka kaso di mo lang mahal. Alam kong lahat ng mga bagay ay natututunan. Kaya subukan mo naman matutunan syang mahalin katulad ng pagmamahal mo kay Erza. Baka mahalin mo rin sya. "-Tao

"Tama sya Lulu."-Lay

"Di ko alam kung matututunan ko ba syang mahalin. Basta alam ko lang ay mahal ko si Erza! Sya lang! "-Ako

Agad naman silang napabuntong hininga.

Maya-maya naman ay narinig kong may pumasok sa room ko. Nakita ko naman na pumasok ang aking little sister. Pakikilala ko muna ang aking little sister.

Shannandra Gail Chan, 16 years old. 3rd Year Highschool sa Sook Kyun Highschool Academy. Simpleng babae. Mabait. Masipag. Ang aking little sister, sya ang bunso ko. Dalawa lang kasi kaming magkapatid. Gail ang tawag ko sa kanya. Ako lang naman kasi ang tumatawag sa kanya ng Gail. Tapos sya naman ang tawag nya sa akin ay Kuya Han.

Sumenyas naman sa akin sila Tao at Lay na uuwi na. Sumenyas na rin ako na okay. Habang papalayo sila palapit sa pinto ay nakatingin lang ako. Nang buksan na nila lumingon ulit sila sa akin.

"Bye na Lulu. Tandaan mo Move on Move on din! "-Lay

"Alam naming madaling sabihin pero mahirap gawin. Pero kaya mo yan, makaka move on ka rin. Nandito lang kami para damayan ka lagi, bye Lulu! "-Tao

Sabay labas na sila sa room ko. Nakita ko naman na lumapit si Gail sa harapan ko. Nakatayo lang sya at nakikita ko sa mukha nya na naaawa sya sa akin sa kalagayan ko.

"Hmmm? "-Ako

"Kuya Han, tama na yang pagmumokmok mo dito. "-Gail

"Haysss! Gail alam mo namang nasasaktan ako."-Ako

"Alam ko Kuya. Kaso sana naman wag naman ganito. Wag mong daanin sa pag mumokmok mo dito ng mag isa sa kwarto mo. Move on din Kuya Han. Wala kang mapapala kung tatambay kana lang dito sa kwarto mo.Alam mo bang hindi lang ikaw ang nasasaktan di lang naman kayo ni Erza ng nasasaktn dito pati si Ate Jhai." -Gail

"BAKIT BA KASI AYAW NYO KAY ERZA SIMULA PA LANG? KAYO NILA MOM AT DAD AYAW NYO SA KANYA. SIMULA NANG IPAKILALA KO SYA SA INYO BILANG GIRLFRIEND KO AYAW NYO NA SYA. DI NYO MAN LANG TINURING BILANG MINAMAHAL KO, TINURING NYO SYANG KAAWAY, KINAMUMUHIAN. DI KO ALAM KUNG BAKIT AYAW NYO SA KANYA. MAHAL KO SYA. 2 YEARS ANG TINAGAL NAMIN, TAPOS ISANG ARAW MALALAMAN KO NA IA-ARRANGE MARRIAGE NA AKO. LAGI NA LANG BA SI DAD AT MOM ANG MASUSUNOD SA BUHAY KO. MAHAL KO SYA GAIL ALAM MO YAN. "-Ako

Di ko sinasadya na nasigawan ko ang aking kapatid. Nakita ko naman na nagulat ito sa ginawa ko. Nakita ko ito na lumuha. Bigla naman akong nataranta.Kaya naman ay bigla akong nainis sa sarili ko. Bigla kong sinipa yung bote na nasa gilid nang kinauupuan ko.

"Tama na Kuya. Mas makakabuti to sayo. Totoo mga sinabi mo simula pa lang ayaw ko na sya bilang girlfriend mo ayaw ko sya para sayo. Para sa akin di kayo bagay. "-Gail

Sabay takbo palabas ng pinto. Gusto ko sana syang habulin kaso gusto ko muna pag isipan lahat ng ginawa ko ngayon.

Napag-isipan ko rin na marami na pala akong nasasaktan. Yung mga nasa paligid ko nasasaktan ko na. Ganito ba talaga kalakas ang tama ko sayo Erza. Matagal-tagal rin tayong nagsama. Kahit naman sabihin ko na ia-arrange married na ako sa iba di mo rin mapipigilan kasi lahat ng sasabihin ni Dad o ni Mom ay nasusunod. Di sila makakapayag na di masusunod ang gusto nila. Kasi lahat ng gusto nila nasusunod.

Tama nga siguro sila kelangan ko ng mag move on. Wala akong mapapala kung tatambay ako at magkukulong sa kwarto ko. Kelangan ko sigurong pagbigyan si Jhai. Matututunan ko rin syang mahalin katulad na lang ng pagmamahal ko sayo. Kahit mahirap gawin para sa akin kasi ikaw talaga ang mahal ko Erza.

Gagawin ko ang mga sinabi nila na mag mo-move on na ako.

Kaya ko to. Tiwala lang.Para naman wala nang masaktan ng dahil sa akin.

Abangan!

Famous Boys Meets Beautiful Nerdy GirlsWhere stories live. Discover now