CHAPTER 25

1.5K 49 3
                                    

"Chelsea Miller POVS"

Hi! Im Chelsea Miller, 20 years old. 3rd year college na ako.

Kakauwi ko lang sa Pilipinas galing Korea kasi ako. Tsaka gusto ko rin naman kahit papano na bumalik dito sa Pinas. Gusto ko rin na ipagpatuloy dito yung pag-aaral ko. 

Kaya baka bukas aasikasuhin ko na yun tsaka ipapaayos ko yun sa personal assistant ko. Payag naman yung parents ko na sa Pilipinas ko ipagpatuloy yung pag-aaral ko. Sila naman ay mag stay lang daw sa Korea.

Kumuha kasi yung parents ko ng magiging personal assistant ko na makakasama ko dito sa condo ko. Tsaka may kakilala naman ako dito sa Pinas, nandito rin kasi yung ilang kamag-anak ko. Makikita ko na naman ulit si pinsan. Miss ko na talaga yung pinsan ko na yun.

Agad akong dumiretso sa condo ko. Bago kasi ako bumalik dito ay pinaasikaso ko na sa personal assistant ko kung saan ako titira. Kasama ko ang aking personal assistant.

Gusto kong ipakilala sa inyo ang personal assistant ko, Michelle Jill ang aking personal assistant. She's 18 years old. Working student sya. 1st year collage na sya. Pinagsasabay nya ang work nya at study nya. Ngayon lang naman kami nagkakilala sa personal nung umuwi ako ng Pinas. Nung nasa Korea ako on the phone ko sa kanya pinapaasikaso yung magiging condo ko.

Yun yung First work nya sa akin. Kaya I hope na mabait at masipag tong personal assistant ko. May kaya naman yung pamilya nya kaso kelangang nya mag work para naman daw may dagdag pambayad sa tuition nya sa school.

-Condo-

"Michelle? "-Ako

"Yes Ma'am? "-Michelle

"Pwede bang Mich na lang itawag ko sayo para short lang? "-Ako

"Yes Ma'am! "-Michelle

"Buti naman. Tsaka wag mo akong tatawaging Ma'am. You can call me Chelsea for short." -Ako

"Okay po ma-- este Chelsea pala."-Michelle

"Naasikaso mo na ba yung kelangan ko para makapagpa-transfer na ako bukas? "-ako

"Yes Chelsea. "-Michelle

"Buti naman. Saan ka nga pala pumapasok? " - Ako

"Sa XO Galaxy Academy po! "-Michelle

"Mukhang magandang school yan. Sige na at pakihanda bukas yung mga papers na kailangan ko kasi doon na ako magpapa-transfer. Tsaka para same tayo ng school. "-Ako

"Okay po. Yun lang po ba ang iuutos nyo? "-Michelle

"Yes. Pwede ka nang magpahinga sa kwarto mo. " -Ako

"Thank you Chelsea! "-Michelle

Sabay punta na sya sa kwarto nya habang ako naman ay nasa sala pa. Maganda rin yung condo na napili nya. Malaki at malawak. Gusto ko tong condo. Masipag din si Michelle. Mukhang maaasahan ko to. Makakasabay ko rin pala itong pumasok sa school kapag nakapagpa-transfer na ako. Excited na ako pumasok.

Bigla ko naman narinig na nag-ring ang phone ko. Mukhang may tumatawag.

~Calling Tito Danny Byun~

[ Hello po Tito Danny! ] -Ako

[ Hi Chelsea.Nandito ka na daw sa Pinas? ] - Tito Danny

[Opo, kakarating ko lang po! ]- Ako

[Ganun ba. Kala ko kasi nagbibiro na naman tong Papa mo eh! ]- Tito Danny

[Di naman po kayo naniwala? Hahahaha!]-Ako

Famous Boys Meets Beautiful Nerdy GirlsWhere stories live. Discover now