CHAPTER 19

1.5K 36 2
                                    

"Anei Stymaeson POVS"

[FLASHBACK]

Nagce-celebrate kami ngayon ng birthday ni Jhenica sa bahay nila. Nag pa-party kasi ang dyosa at syempre sobrang saya ng party nya kaya naman nag-enjoy ako lalo. Nandito din sila Unnie Choi at Rica.

Nang mga 10:00 na nang gabi ay napag-desisyunan ko nang umuwi. Sila Unnie Choi at Rica naman sabay uuwi kasi doon sila matutulog sa binili naming bahay. Ako naman uuwi sa bahay namin kasi miss ko na sila Eomma at Kuya Tenga.

"Jhenica, uwi na ako. Happy Birthday ulit! "-Ako

"Sige, ingat ka! Kamsa!"-Jhenica

Nang-makalabas na ako sa bahay nila ay nag-lakad ako papuntang sakayan. Madilim-dilim na rin sa paligid dahil sa gabi na. Nag-intay ako ng ilang minuto bago makakita ng taxi.

Nagpara naman ako at huminto naman ito at sakay naman agad ako sa loob.

"Saan po kayo? "-Manong

Sinabi ko na yung address kung saan ako uuwi at nakita ko si Manong na nakangisi pa nang nakaka-loko. Anong problema nito? Nakakatakot din yung mukha ni Manong parang may masamang binabalak. Ma-edad na rin siguro si Manong sa tingin ko nasa mga 30+ na ito.

Habang bumabyahe kami napansin kong ibang lugar na ang tinatahak nito kaya naman bigla akong kinutuban ng malakas at sa sobrang kaba ko ay nakaramdam ako ng takot.

"Manong? Ibang daan na po itong tinatahak natin. Hindi na po ito ang daan papunta sa amin." - Ako

Ngunit hindi sya sumagot kaya lalo akong kinabahan. Sana mali ang iniisip ko ngayong oras na ito. Wala sanang mangyareng masama sa akin. Pero ito ang totoo pakiramdam ko mapapahamak ako ngayong gabi.

"Manong, baba na po ako. Kahit paki-baba na lang ako dyan sa tabi." - Ako

Pero di nya ito hininto at patuloy pa rin sya sa pagmamaneho dahilan para mataranta na ako at lalo akong nakaramdam ng takot sa sobrang takot at kaba ko ay binuksan ko ang pinto ng taxi pero di ko mabuksan naka-lock ito. Oh no! Naka-lock ito. Gusto ko nang maka-labas. Ayaw ko na dito sa loob. Palabasin nyo ako! 

Bigla naman huminto ang Taxi, bumaba sya. Wag naman sana mangyare ang masamang binabalak nya. Bigla nyang binuksan ang kabilang pinto ng taxi kung saan naroroon ako naka-pwesto. Tina-try kong buksan ang kabila pero wala ayaw talaga mag-bukas. Natakot na ako! Bigla namang pumasok si Manong na nakangisi dahilan maramdaman ko ang takot. Naramdaman ko ang mga luha ko na nagsi-simula ng umagos pababa sa aking pisnge.

"Manong please! Wag po kayong ganyan. Maawa kayo." - Ako

Di sya nagsalita sa halip na lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Agad ko namang itong inilayo kaso hinawakan nya ulit sa pagkakataong ito di ko na makalas sa sobrang higpit ng pagkaka-hawak nya sa kamay ko. Umiyak naman ako ng umiyak.

"Manong. Pakawalan nyo na po ako." - Ako

"Ganda mo talaga Ineng. Ang yaman nyo siguro." - Manong

Sabay patong sa ibabaw ko kaya napahiga ako at di ako makakalas sa sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa mga kamay ko. Halos di na ako humihinto sa pag-iyak ilang beses na rin akong nag-makaawa kay Manong pero nagbibingi-bingihan lamang ito na tila ba walang naririnig.

Hinalikan ako ni manong sa leeg at sinusubukan kong kumalas at sipain sya palayo kaso wala dahil sa mas malakas ito kumapara sa akin.

Maya-maya ay may humila kay Manong dahilan na napalabas sya sa sasakyan at agad namang akong umupo ng ayos at sumiksik sa gilid ng sasakyan sa sobrang takot ko at umiyak pa rin ako ng umiyak habang niyayakap ko ang sarili ko.

Pagkatapos ng isang minuto ay may lalaking sumilip sa akin at agad naman itong nag-abot ng panyo sa akin pero hindi ko iyon tinanggap baka mamaya kasabwat to ni Manong. Nilahad nya ang kamay nya na para bang palalabasin nya ako sa loob ng Taxi. Di ko yun inabot nanatili lang akong nakasiksik sa loob ng taxi. Dahil pinapangunahan ako ng takot at kaba.

Kinuha nya yung bag ko at hinalungkat at kinuha nya yung phone ko. Pagkatapos ay binalik nya sa akin yung bag at kita ko naman na umupo sya sa labas ng taxi at nananatiling nakabukas ito.

"Wag ka nang matakot. Di ako katulad ng walang hiyang Taxi driver na ito." - ?

Di ako nagsalita sa halip na nanatili akong tikom gawa siguro ng takot ko.

"Na trauma ka ata? Wag kang mag-alala iniligtas na kita sa walang hiyang drayber na to! "-?

Tumingin naman sya sa akin matapos nyang sipain ang naka-handusay sa sahig na si Manong.

"Ako nga pala si Chydrick. Ikaw anong pangalan mo? "-Chydrick

Pogi sya at halatang matangkad kahit na nakaupo lang ito. Nag-salita naman ako kaso nauutal lang.

"A-anei! "-Ako

Maya-maya ay may dumating na mga pulis at nakita ko rin si Eomma tsaka si Kuya Tenga na nag- aalala sa akin kaya naman lumabas na agad ako ng Taxi. Nakita ko naman si Manong na nakabulagta pa rin sa sahig at walang malay. Si Kuya Tenga naman ay sinapak pa si Manong kahit na wala itong malay na naka-higa sa sahig pero inawat naman sya agad ng mga pulis.

" Walang hiya ka! Gago ka!"-Chanyeol

Si Eomma naman ay agad akong niyakap.

"Okay ka lang ba anak? "-Eomma

Di ako nakapag-salita agad dahil alam naman na ang sagot. Tikom lang ang bibig ko at nakita ko si Eomma na pumunta kay Manong na nakabulagta sa sahig sabay sampal naman nya kay Manong nang may pagkalakas-lakas halos namula ang pisnge nito at bumakat ang kamay ni Eomma sa mukha nito. Inawat din sya agad ng mga pulis. Ang mga pulis naman ay inaresto na si Manong at dinala sa prisinto para makulong sa ginawang kasanalan.

Nakita ko rin yung lalakeng nag-ligtas sa akin at lumapit sya sa akin.

"Okay ka na ba? "-Chydrick

"Sino ka naman? "-Chanyeol

"Ikaw ba yung tumawag sa akin kanina?"-Eomma

"Opo ako po yun."-Chydrick

"Salamat sa pagli-ligtas sa anak ko."-Eomma

"Salamat."-Chanyeol

"Walang anuman po. Sige po mauna na ako."-Chydrick

"Ingat ka ah!"-Eomma

"Salamat po! "-Chydrick

"Sa-salamat! "-Ako

"Walang anuman."-Chydrick

Ngumiti sya sa akin at sabay sakay sa kotse nya habang sila Eomma naman ay niyakap ako ng mahigpit. Halata sa kanila na nag-alala talaga sila sa akin nila Kuya Tenga.

Ilang araw na rin akong nakakulong sa kwarto dahil natatakot akong lumabas. Ayoko na ulit mangyare yung nangyare sa akin. Alam na rin to ng mga BFF ko. Nakita ko na nag-alala sila sa akin ng sobra. Araw-araw nila akong pinupuntahan sa bahay. Inaaya nila akong lumabas kaso ayoko dahil natatakot na ako. Na-trauma ata ako dahil sa nangyare sa akin.

Hanggang sa isang araw ay pumunta ulit ang mga BFF ko na naka-suot na pang-nerdy nagmu-mukha tuloy silang manang tingnan. Anong kalokohan na naman ang naisip nila?

"Bakit ganyan ang suot nyo? "-Ako

"Anei tama na ang pagkulong sa kwarto. Eto na ang madaling solusyon sa atin. Di na tayo mapapahamak pa! Magbabago na tayo ng pananamit dahil alam kong mahirap ang napagdaanan mo at ayaw rin naming makaranas ng ganyan."-Choi

"Magpapaka-nerd na tayo, magsusuot tayo ng manang na damit para di na tayo magmukhang maganda sa paningin nilang lahat! "Jhenica

"Tama sila. Eto! Binilhan ka na rin namin. "-Rica

Sa mga sinabi nila ay nakaramdam ako nang medyo pagkawala ng takot ko. Kaya simula noon ay nag-suot na kami ng nerdy style. Nagpaka-nerd na kami. Nagbago na kami na halos nga di na kami makilala ng mga kaibigan at kaklase namin noon. Kaya ito ang dahilan nang lahat kung bakit kami ganito ngayon.

[END OF FLASHBACK]

Abangan!

Famous Boys Meets Beautiful Nerdy GirlsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ