CHAPTER 34

1.4K 37 0
                                    

"Chanyeol Stymaeson POVS"

Nasa kwarto na ako ngayon kasi pagkatapos kasi namin gumala at makausap ang pinsan ni Baekhyun ay naisipan na naming umuwi dahil nakaramdam na kami ng pagod.

Mga 4:45 PM pa lang naman ng hapon sdahil wala akong magawa ay pumunta ako sala para manonod ng TV. Nandito rin si Mama at busy  sya sa work nya, mamaya aalis na gawa ng may meeting.

Ilang araw ko na rin palang di nakakasama ang kapatid kong manang dito sa bahay. Miss ko na yung manang na yun. Sana naman maisipan na nung umuwi muna dito saka na lang ulit sya bumalik doon sa mga kaibigan nya kapag medyo nakapag bonding na kami.

Habang nanonood ako ng palabas sa TV ay may biglang nag doorbell sa pintuan. Agad naman na pumunta si Manang Linda. Narinig ko naman na nagsalita si Manang Linda pero nakatingin pa rin ako sa TV.

"Anei? Ikaw ba yan?"-Manang Linda

"Hehehe. Oo naman po Manang Linda."-Anei

Sa narinig ko para bang matatawa pa ako. Baka nag evolve na yun sa pagiging manang version 1 nun sa super duper manang version 2. Magsasalita na sana ako pero nang pagtingin ko sa may pintuan ay napanganga na lang ako sa nakita ko.

Si Anei ba talaga ang nakikita ko? Kapatid ko ba yan?

"Kuya Tenga baka naman pasukan ng langaw yang bibig mo."-Anei

IMPOSIBLE! Kasi manang manamit yun tsaka panget style nya pero sa nakikita ko ngayon ang Anei na nakikita ko ay ang ayos-ayos ng manamit. Ayos na rin ang buhok hindi na buhaghag. Wala ng suot na salamin sa mata. Nakikita na ang kanyang tunay na kagandahan.

"Ikaw ba yan Anei?"-Ako

"Oo naman Kuya Tenga. Namangha ka ba sa gandang di mo inakala? Hahaha."-Anei

Aaminin ko ang ganda na nang kapatid ko. Kung marunong lang kasi talaga itong mag ayos ay marami na sanang manliligaw ito ngayon. Bakit naman kaya naisipan nitong mag-ayos?

"Aba! Buti naman naisipan mo ng mag-ayos ng sarili mo. Bakit mo nga pala naisipan?"- Ako

Bigla naman syang umupo sa tabi ko.

"Di ko naman naisipan ito."-Anei

"Ha?"- Ako

"Tsk~ Sila Erza ang nakaisip pero kung tutuusin si Erza talaga ang pinaka-utak. Pati sila Jhenica, Rica at Ate Choi ay nagbago na rin ng ayos dinamay na rin ni Erza. Di ko inakala na ito pala ang plano nya."-Anei

So plano pala itong lahat ni Erza. Sang-ayon ako sa naisip nyang plano.

"Maganda naman ang plano nya." - Ako

"Siguro."-Anei

"Nga pala, representative ka ba sa room nyo?"-Ako

"Ay oo nga pala muntik ko nang makalimutan about doon mamaya ko na sasabihin sa dinner para sabay-sabay tayo nila mama."-Anei

"Pabitin ka pa." - Ako

"Erza Park Hyun POVS"

Nakauwi na rin kami sa bahay kaso kaming apat lang kasi umuwi muna si Anei para ipaalam sa mama nya at sa kuya nya nakasali sya sa pageant na gaganapin at para ipakita na nagbago na ang ayos ng BFF ko.

Umuwi akong masaya dahil lahat ng plano ko ay umayon at nabago ko rin sila. Ang mga kaibigan kong manang manamit turn into beautiful ladies. Yan naman talaga ang tunay na sila sadyang nilabas ko lang ang tinatanong ganda sa likod ng mga pananamit nilang manang.

Famous Boys Meets Beautiful Nerdy GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon