CHAPTER 31

1.4K 38 0
                                    

"Anei Stymaeson POVS"

Nang marining kong tumunog na ang alarm ko naisipan ko ng bumangon. Inaantok pa nga ako  kaso may pasok kaya kailangan kong bumangon ng maaga.

Ansaya kagabi halos pa umaga na kami natulog. Nanood kasi kami ni Kuya Tenga. Nag movie marathon kami dito sa bahay. Ansaya ko kasi tinupad nya yung pangako nya. Kaya heto kami mukhang zombie pag gising dahil kulang sa tulog. Kahit si Mama nakisali na sa amin sa panonood kaso sya ang unang nakatulog sa amin.

Agad naman akong dumiretso papuntang banyo. Naligo. Toothbrush. Nagbihis. Same outfit pa rin. Nerd Style pa rin. Pagkatapos ay dinala ko na ang bag ko pababa. Nakita ko naman sa kusina si Mama tsaka si Manang Linda ang aming bagong yaya.Yung dating yaya kasi namin gusto na daw mag retired kaya ayun wala na sya dito.

Close ko na nga si Manang Linda. Agad naman akong umupo sa upuan.Alanganang sa lamesa ako umupo diba? Sarap naman ng mga pagkain. Mabubusog ako nito. Wow!

"Morning Mama, Morning Manang Linda."- Ako

"Morning Baby!"- Mama

"Morning Ma'am Anei!"- Manang Linda

"Manang Linda Anei na lang po. Halos dalawang linggo na kayo dito sa amin Ma'am pa rin."- Ako

"Di po kasi ako sanay."-Manang Linda

"Masanay kana po."- Ako

"Oh sya kumain kana."-Manang Linda

Agad naman akong napatawa. Kahit si Mama rin ay natawa sa inasal ko at kay Manang Linda. Habang kumakain ako napansin kong di pa bumababa si Kuya Tenga. Tulog pa ata. Kaya agad ko namang binalik ang atensyon ko sa pagkain.

Maya-maya ay biglang may nag doorbell.Sino naman kaya yun? Aga-aga tapos may nag doorbell.

"Ako na po magbubukas."-Manang Linda

"Salamat Manang." -Mama

Bigla naman akong nakarinig ng malakas na sigaw na nanggaling sa pintuan. Sigaw pa lang nila ay kilala ko na kung sino.

"ANEI!"-Rica

"Yow!"-Choi

"Morning!"-Erza

"Morning Tita!"-Jhenica

"Oh andyan pala kayo. Kain kayo. Sabayan nyo na kaming mag-unagahan dito. Tama lamang ang dating nyo."-Mama

"Wag na po."-Choi

"Sige po. Sakto hindi pa kami nag uumagahan."-Rica

"Rica!"-Choi

"Bakit? Sa nagugutom na ako."-Rica

Tumawa na lang kami sa naging sagot ni Rica kahit si Mama napatawa na lang din. Agad naman silang umupo sa upuan. Kaya agad namang kumuha ng plato si Manang Linda.

"Salamat Manang Linda."- Silang apat

Kumain kami ng kumain habang sila ay nagdadaldalan. Ako naman ay nakatuon lang sa pagkain. Di kasi ako sanay na habang kumakain nagdadaldal. Pag nasa harap ko na ang pagkain syempre doon lang nakatuon ang atensyon ko.

Nang matapos na kami kumain ay naisipan na namin na umalis na syempre may pasok kami. Nagpaalam na kami kanila Mama at Manang Linda. Kotse ni Choi ang ginamit namin.

Nang makarating na kami sa papasukan namin ay agad na kaming nagpaalam kay Unnie Choi.

"Bye Unnie Choi!"-Rica

Famous Boys Meets Beautiful Nerdy GirlsWhere stories live. Discover now