CHAPTER 57

1.1K 20 1
                                    

"Chanyeol Stymaeson Povs"

Nagising na ako ng tanghali.Ansakit ng ulo ko.Medyo nahihilo rin ako gawa siguro ng napadami ako kagabi ng inom.

Bumaba ako at diretsong pumunta sa kusina para uminom ng tubig.Para akong zombie na naglalakad.

Nang makapunta sa kusina ay wala akong nadatnan.Wala si Eomma? Wala rin si Manang? Si Anei? Di ko alam.Napabuntonghininga na lang ako.Kumuha na lang ako ng malamig na tubig.

Habang umiinom ay nabilaukan pa ako ng dahil sa gulat.

"Gising kana pala Kuya Tenga"-Anei

Jusko! Papatayin ako sa gulat.Lumingon ako at tiningnan sya ng masama.

"Papatayin mo ba ako sa gulat?"-Chanyeol

"Ang OA.Wala ka namang sakit sa puso eh"-Anei

"Nga pala asan sila Eomma at Manang?"-ako

"Nag-grocery sila"-Anei

"Bakit ka nandito? I mean diba dapat doon ka sa mga bespren mo muna.Doon sa bahay na binili nyo"-ako

"Ayy.Pinapalayas mo ako?Joke.Masama bang dito ang gusto ko?Hindi naman.Tsaka alam kong kelangan mo ng karamay Kuya Tenga.Alam ko ang nangyare kagabi.Kaya mas kelangan mo ako.Kaya nandito ako para damayan ka"-Anei

Naramdaman ko na lang tumulo ang luha sa mga mata ko.Kahit na minsan inaasar ko itong si Anei, mahal ko tong kapatid ko.Ganun kasi ako maglambing sa kanya.Di kasi ako sanay na maging sweet sa kanya.

Naramdaman ko na lang na niyakap ako ng kapatid ko kaya niyakap ko sya pabalik habang ako umiiyak ng walang tigil.

"Sige lang Kuya Tenga.Iiyak mo lang yan mas makakabuti yan para gumaan ang loob mo.Nandito lang ako sa tabi mo.Kung kelangan mo ng karamay nandito lang ako"-Anei

Dahil sa sinabi nya nakatulong naman na mapagaan kahit papano ang sakit na nararamdaman ko.

Ngayon lang naman ako umiyak ng ganito.Ngayon lang din ako nakitang ganito ng kapatid ko.Sobrang sakit.

Nasa kwarto ako.Gusto ko munang mapag-isa kahit papano.Gusto kong makapag isip-isip.Ugh! Bakit ba kasi ganito?Nakapa-komplikado ng nangyayare.Bwiset.

Kinuha ko ang isang box sa ilalim ng kama ko.Kumuha ako ng isang can ng beer.In case lang naman kapag kelangan kaya may ganito ako.

Ininom ko yun.Isang tungga ko pa lang naubos ko na ang isang can beer.Humiga ako at tumingin sa kisame.Para akong tumitingin sa kawalan.Di ko namalayan tumulo na naman ang luha ko.Kainis! Di ba napapagod itong mata ko na lumuha?Di ko mapigilan na di ako maiyak.

"Ugh! Bakit?Nakakainis"-ako

Bulong ko sa sarili ko.Maya-maya lang ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Anak.Si Eomma to.Pwede bang pumasok?"-Eomma

Tumayo ako at pinagbuksan sya ng pinto.Kita sa mukha ni Eomma ang pag-aalala nya.

"Pasok ka Eomma"-ako

Umupo kami sa gilid ng kama ko.Ilang minutong katahimikan.Hanggang sa umiyak na naman ako.Ramdam ko naman ang pag-yakap ni Eomma sa akin.

"Magiging maayos din ang lahat anak.Pakatatag ka lang.Kung mahal mo sya ipaglaban mo.Pero kung saan sya masaya suportahan mo.Magparaya ka.Kung alam mong sayo naman sya sasaya at di mo kayang mawala sya sa piling mo ipaglaban mo ang nararamdaman mo.Sa tingin ko kasi nalilito lang sya anak.Pero isa lang ang alam ko, minahal ka nya.Kaso di nya pa yun alam kasi nalilito sya,naglalaban siguro ang puso at isipan nya.Kausapin mo sya uli o kayo.Makakatulong yun para malinawan ang lahat ng katanungan dyan sa isipan mo"-Eomma

Famous Boys Meets Beautiful Nerdy GirlsWhere stories live. Discover now