CHAPTER 66

1K 20 0
                                    

"Luhan Chan Povs"

Matapos ang kasal ay diretso na kaming pumunta sa kainan. (Pasensya na yun lang alam ni Ms.Author na itawag doon) Kasabay ko doon pumunta si Jhai este ang asawa ko na pala. Andami nga naming bisita at parang ang bongga ng kasal na nangyare. Yun kasi ang gusto ng pamilya ni Jhai at ng pamilya ako. Wala naman akong magagawa.

She's now my wife, Jhai Anino Lee Chan and I'm her husband, Luhan Chan.

Tahimik lang kami sa byahe. Pero napapatingin naman ako sa side nya, nakatingin lang sya sa labas ng nakangiti. Kaya naman panatag na ako na makita syang masaya ngayon. Ayokong makita syang nasasaktan ng dahil sa akin. Di ko alam, tina-try ko namang mahalin sya pero ang sobrang hirap.

Napapaisip ako, nandon kanina si Erza sa kasal naming dalwa. Ano kayang naramdaman nya? Nasaktan kaya sya? Ang ENGOT ko din! Bakit naman sya masasaktan? Tsaka si Chanyeol na ang mahal nya ngayon at di na ako. At for sure masaya yun para sa akin. Ganun naman yun eh. Diba? Hayss~

I'm too late for her~ 

Napabuntonghininga naman ako ng wala sa oras. Ramdam ko ang paghawak ni Jhai sa kamay ko.

"May problema ba? Han?"-Jhai

"Wala naman"-ako

Sabay ngumiti kahit na napipilitan lang. Ayokong magpakita ng kahit na anong magpapalungkot sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin pabalik.

Nang makarating ay agad akong bumaba at pinagbuksan sya ng pinto. Inalalayan ko ang pagbaba ng aking asawa.

"Kamsa~"-Jhai

Sabay kaming pumasok sa loob. Pinagbuksan naman kami ng pinto ng waiter ata? Pumasok naman kami ng magka-holding hands. Pagpasok namin ay biglang may pumutok na confetti.

*TOOOKK...TOOOKK*

"CONGRATULATION!"

Sabay-sabay na sigaw nilang lahat habang nagsisi-palakpakan ng nakangiti.

Bigla naman na may nag-abot ng mike sa amin ni Jhai.

"Una sa lahat, maraming salamat sa mga nagsidalo sa aming kasal ng aking asawa kong si Luhan..." -Jhai

Tumingin naman sya sa akin at ngumiti, ganun din ako sa kanya.Sabay balik tingin ulit sa kanila.

"Nagpapasalamat din ako sa mga sumuporta sa amin lalo na aming mga magulang at saksi sa aming pagmamahalan..."-Jhai

Saksi sa pagmamahalan? Ewan lang.

"Maraming salamat sa inyong lahat. At..."-Jhai

Humarap sya sa akin at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"Luhan Chan, asawa na kita at asawa mo na ako. Mahal na mahal kita at sana ganun ka din sa akin. At ngayong mag asawa na tayo inaasahan ko na magkakaroon tayo ng isang masayang pamilya. Saranghae Luhan"-Jhai

Sabi nya ng nakangiti sa akin. Nagsipalakpakan naman silang lahat. Ako na ba? Ano bang sasabihin ko?

Tumingin ako sa lahat.

"Uhmm... Wala na ata akong masasabi. Dalwa lang ang masasabi ko, salamat sa inyong lahat at sa mga nagsidalo ngayon..."-ako

Tumingin naman ako kay Jhai.

"At Nado Saranghae Jhai"-ako

Kahit na sapilitan, di ko pa kasi maramdaman na mahal ko na talaga sya. Ngumiti naman sya ng malapad.

"AYIIEEEHHH!"

"MABUHAY ANG BAGONG KASAL"

"CONGRATS!"

Famous Boys Meets Beautiful Nerdy GirlsWhere stories live. Discover now