CHAPTER 72

991 24 0
                                    

"Anei Stymaeson Povs"

Anong ginagawa dito ni Xiumin?

Napatingin naman sya sa aming dalawa. Umupo naman sya sa kabilang side ko. Bale ako ang nasa gitna nila. Ano bang meron?

"Xiumin anong ginagawa mo dito?"-ako

*cough*

"Sasamahan kita dito"-Xiumin

"Wag na Dude. Ako ng bahala sa kanya"-Chydrick

Napatingin naman ng masama si Xiumin kay Chydrick.

"Wala akong pake basta sasamahan ko sya"-Xiumin

Ilang oras ang lumipas na tahimik lang kaming tatlo at tanging TV lamang ang naririnig ko. Jusko!

Bakit ba sila nandito?

Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya naman tatayo sana ako kaso bigla akong hinawakan sa kamay ni Chydrick at si Xiumin naman ay nakatingin lamang sa akin na naghihintay ng sasabihin ko.

"Saan ka pupunta?"-Chydrick

"Kukuha ng tubig"-ako

"Umupo kana lang dyan. Ako na ang kukuha"-Xiumin

Sabay alis agad.

Anyare? May sakit rin ba si Xiumin at ang BAIT nya ngayon? Nakakapanibago.

***

[KINABUKASAN]

Okay na rin ang pakiramdam ko akalain mong ambilis kong gumaling bale isang araw lang gumaling na ako. Kaya naman pumasok na ako kasi okay naman na ako.

Pero hanggang ngayong napapaisip pa rin ako sa nangyare kahapon lalo na kay Xiumin. Anyare doon?

"Anei"-Jhenica

Tumingin naman ako sa kanya.

"Kain daw tayo sa canteen. Kanina ka pa tulala dyan. Sasama ka ba o tatayo na lang dyan?"-Rica

Napakamot naman ako ng ulo.

"Hehehehe"-ako

Naglakad naman kami papunta sa canteen. Medyo nahuhuli ako maglakad sa kanila. Lutang ba naman kasi ako.

Habang naglalakad nagulat na lang ako sa humatak sa akin dahilan para tingnan ko sya ng masama.

SERIOUSLY? SYA?

Kinaladkad nya ako palayo at itong mga kaibigan kong mga luka di man lang makaramdam na wala ako sa tabi nila. Ugh!

"Wag mo mga akong kaladkarin"-ako

Di sya nagsalita o lumingon man lang patuloy pa rin sya sa pagkaladkad sa akin. Bwiset to! Pilit ko man tanggalin ang pagkakahatak nya wala rin kasi mas malakas sya. Saan ba ako dadalhin ng lalakeng ito?

Pansin kong papunta kami sa garden. Nang makarating ay binitawan nya ako at hinarap ako bale ang nasa likod ko ay puno. Bakit dito nya ako pinunta? Ano bang gagawin?

Napakunot naman ang noo ko.

"Tsk"-Xiumin

"What?"-ako

"Stop it! With you're annoying face"-Xiumin

Kusa namang napataas ang kilay ko. Annoying ang mukha ko? Pake ko ba sa kanya. Mas annoying sya. Ano bang ginagawa ko dito?

"Bakit mo ba ako kinaladkad dito?"-ako

Mataray kong sabi. Nakakapanira sya ng mood ko. Kainis!

Famous Boys Meets Beautiful Nerdy GirlsWhere stories live. Discover now