CHAPTER 74

1K 22 0
                                    

"Chydrick Hyung Povs"

Agad akong umalis sa event. Damn this! Bakit ako nasasaktan ng sobra ng makita ko silang magka-yakap? Ugh!

Sumakay agad ako sa kotse at bumalik sa apartment ni Alisa.

Pumasok ako ng may dalang isang case ng beer. Doon lang ako sa may sala, umiinom mag-isa. Ayokong gisingin si Alisa dahil alam kong inaantok na yun at pagod.

Naiinis ako lalo na sa sarili ko. Ugh! Dinaan ko na lang sa inom ang kadramahan kong to. Sabi ko nga ba, di ako nagkamali. Alam kong may lihim na pagtingin din si Xiumin kay Anei. Pero di ako papatalo sa lalaking yun. Be the best man win!

Narinig kong may nag-bukas ng pintuan which is galing sa kwarto ni Alisa. Nakita ko syang nakatayo sa pintuan habang kinukusot ang mga mata nya. Pagkatapos ay gulat pa syang nakita nya ako pero bigla na lang din syang ngumiti. Sira tong babaeng ito! Agad naman syang lumapit sa akin at tumabi.

"Drinking alone?"-Alisa

"Yeah~"-ako

Buti na lang pala natuyo na yung mga luha ko kanina. Bale di halatang naiyak ako.

"Any problem Drick?"-Alisa

Sabay kuha din sya ng isang beer at binuksan ito sabay inom.

"None"-ako

"Okay. So why are you here in my apartment and drinking those all beers alone?"- Alisa

"Nothing. I just want to drink"-ako

"Okay. So let's drink. Cheers!"- Alisa

"Anei Stymaeson Povs"

Natapos na ang Christmas and New Year Vacation kaya balik pasukan na naman. At sa dumaan na araw ay napansin kong may nagbago. Akalain mong may nanliligaw na sa akin. Hindi lang isa kundi dalwa sila at sa tingin ko may kompetensya sa dalwang ito. Ang hirap pumili kung sino ba talaga ang mas matimbang sa puso ko. Sakit sa ulo!

Nasa canteen kami dahil recess time na.

"Anei anong gusto mong kainin?"-Chydrick

"I'll buy your food. Just wait here"-Xiumin

Sabay namang umalis si Xiumin. Nakakapanibago sya. Anlaking pagbabago.

"Kainis!"-Chydrick

Sabi nya sabay alis din para pumuntang counter. Hayss!

Nakakaloka tong dalwang ito. Di ko akalain na magiging sakit pala sila sa ulo ko. Napahilamos na lang ako ng mukha ng wala sa oras.

"Mukhang sumasakit na ata ang ulo mo?"-Erza

"Ang haba kasi ng buhok. Yan tuloy dalwa manliligaw"-Rica

"Nahiya ako sa ganda mo"-Jhenica

Pang-aasar nila sa akin. Dagdag sakit din sila sa ulo ko, mga luka talaga. May tumayo naman sa gilid ng table namin dahilan para tingnan namin sya.

"Hey! Don't dare to love my boyfriend"- Eya

Sya na naman? Hayss! Kasama nya pala ang dalwa nyang kaibigan which are Dasie at Danice. Sobrang sakit sya sa ulo ko. Nandito na naman ang babaeng dreamer.

"Boyfriend?"-Erza

"Hahahahahahaha! Wala naman"-Rica

"Di mo naman boyfriend yun"-Jhenica

Sira talaga tong mga kaibigan ko. Nakita ko naman na nainis si Eya sa sinabi ng mga kaibigan ko. Sanay naman ako kaya hinayaan ko na lang din. Umalis din naman sila. Walkout lang?

Dumating naman na ang dalwa dala ang mga binili nilang pagkain.

"Here! Eat this! Don't dare to give it to others"-Xiumin

"Ito oh! Alam kong paborito mo yan kaya iyan ang binili ko para sayo. Kumain kana at baka magutom ka"-Chydrick

"Thanks!"-ako

Pareho ko namang tinanggap ang binili nila para sa akin. Para naman walang tampuhan ang dalwa. Mahirap na. Jusko!

***

[2 WEEKS LATER]

Habang tumatagal parang unti-unti ko ng nalalaman kung para kanino ba tong nararamdaman ko.

At malapit ko na sigurong mapili kung sino nga ba talaga sa kanila ang mas matimbang sa puso ko.

Nasa kwarto ako, nag-iisa. Nag-iisip ng mabuti sa gagawin kong desisyon. Parehas silang desidido. Habang tumatagal nagiging sincere sila sa panliligaw nila sa akin.

Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa kama. Ugh!

Bigla naman bumukas ang pintuan ko dahilan para tingnan ko kung sino.

"Di man lang kumatok?"-ako

"Di na kailangan"- Choi

"Para saan pa at pinalagay yang pinto? Wala rin pa lang silbi"-ako

"Hehehehe! Mainit ata ang ulo mo?"- Erza

"Oo nga! Wag mong ibuntong sa amin yan"-Rica

"Luka! Di ako galit. Sadyang malalim lang ang iniisip ko ngayon"-ako

"At alam na namin agad kung ano yun"-Jhenica

"Hayss!"-ako

Alam kong alam na agad nila. Sa loob ng dalwang linggo lagi nila akong kinakausap about nga dito.

"Basta sundin mo ang tinitibok ng puso mo. Kasi yun alam nya kung sino ang mas matimbang. Isip? Ang isip kasi puro pangaral lang yan. Nag-iisip lang yan pero hindi yan tumitibok na parang puso"- Choi

"Tama sya Anei. Piliin mo yung alam mong sasaya ka"-Rica

"Wag kang pipili na sa huli ay magsisisi ka. Kaya pag-isipang mabuti"-Erza

"Nandito lang kami para suportahan ka sa desisyon na gagawin mo"-Jhenica

Napangiti na lamang ako. Niyakap ko sila. Group hug! Salamat at nagkaroon ako ng ganitong kaibigan.

"Salamat sa inyo"-ako

"Pero ang opinyon ko, Xiumin!"-Choi

"Same here!"-Jhenica

"WHAT! Chydrick dapat!"-Rica

"Oo nga. Mas okay kaya!"-Erza

Heto na naman sila at nagtatalo-talo ulit. Natatawa na lamang ako sa debatehan nilang apat. Mga luka talaga.

Lahat naman sila napatingin sa akin.

"Anong ngiti-ngiti mo dyan?"-Jhenica

"Gusto ata nitong ma-tortured"-Rica

Lahat naman sila ay ngumiti ng nakakaloka. Jusko! May masasamang balak ang mga lukang ito.

"Naiisip nyo ba ang naiisip kong pang-tortured"-Rica

"Ne!"

Sigaw na sabi ng tatlo. Sabay tingin ulit sila sa akin. At ako naman? Nagsimula ng tumakbo palayo sa kanila. Dahil dun, hinabol nila. Waaahhh! Jusko! Ilayo nyo sila sa akin. Ayoko ng kinikiliti ako! Mamatay ako!

"WAAAHHH! WAG NYO AKONG HABULIN!"-ako

"Mamatay ka sa tawa dyan!"-Jhenica

Abangan...

Author's Note:
Pasensya po at masyadong late mag-update si author. Pero konting-tiis na lang maku-kompleto nato. Matatapos na rin ang istoryang ito. Salamat sa sumuporta at hanggang ngayon ay nagbabasa pa rin ng FBMBNG. Sana naman hanggang sa dulo suportahan nyo, malapit na! Kamsamhamnida!

Vote and Comment~

Famous Boys Meets Beautiful Nerdy GirlsWhere stories live. Discover now